Chapter Eight: Meeting the Past

425 11 7
                                    

R2's POV

"Okay kalang ba? Parang kinakabahan ka yata?" si Nikko. Ha? Kinakabahan?


"Talaga? Hindi naman."


"Namumutla ka, brad."


"Hindi nga kasi ako kinakabahan?"


"Talaga lang ha? Ano bang ganap mamaya? Balita ko, pupunta daw sina Rim dito. Anong meron?"


"Gusto daw akong makilala ng pinsan ni Gab. Di ko nga alam kung bakit sinasabi niyo, kinakabahan ako."


"Siguro, may past kayo nung cousin ni Gab. I mean, maybe, kilala mo na siya noon pa."


"At pano ko naman siya makikilala?"


"Maybe, one of your exes? O siguro, isa sa mga fling mo. Kaya, hindi mo siya maalala?" si Luke.


"Sira. Di ko alam, brad. Parang feeling ko din.. hindi ko alam.."


"Siguro, kinakabahan ka lang dahil makikilala mo na ang isa sa mga pinsan niya. Kahit naman siguro ako, kakabahan din no? Hindi ko alam kung ano yung first impression niya sakin. Baka, nega." si Jimboy.


"Depende naman siguro iyon. Kung maganda naman yung pinapakita mo, maganda din yung impresyon niya sayo. Pero, syempre. Dapat yung pinapaita mo, totoo." si Mccoy.


"Palibhasa kasi, mabait ka. Ewan ko nalang kay Ronnie.." si Nikko. Tumingin ako sa kanya.


"Ang harsh mo ha? Kakahiya sayo."


"Basta, ako? Agree kay Mccoy." singit ni Ryle."Depende nalang talaga iyon sa kilos mo."


"Ginaya mo lang siya, eh." si Nikko.


"Nag-agree nga ako diba? Malamng, gagayahin ko talaga." bigla siyang tinapunan ni Zeus ng unan.


"Ang rami mong alam." si Zeus.


"Mas maraming alam si Mccoy. Inspired, eh."


"Ako na naman ang nakita mo. Asikasuhin mo nga iyang buhay mo. Huwag mo akong gayahin. Wala kang originality." si Mccoy. Ryle just tsked.


Bigla namang nagtext si Gab at pinaparating na nandito na sila kasama ang pinsan niya at si Rim. Nagreply naman agad ako na nasa backstage na kami. Lumabas na kami at nagsimulang sumayaw.


Habang sumasayaw ay hinanap ko sina Gab sa audience area at napangiti nalang ako nang makita ko siyang nagvi-video pero agad din iyong nawala nang makita kong may katabi siyang pamilyar sakin. Ba't nandito siya? Kasama ba niya si Gab o sadyang sinusundan niya lang talaga ako? I just looked at Gab habang nakatingin din siya sakin. Ngumiti ako sa kanya ang she just smiled back. Waiting her to notice Kielshy. Nagbabasakaling tama yung hinala ko. Pero, imbes na kausapin niya ito ay humarap ito kay Rim at masaya itong kinausap. I sighed with relief. I thought, siya na.

My Destiny is a Hashtags Hottie (Hashtags Fanfic story)Where stories live. Discover now