15 years later..
"Rue? Rue, nasan kana?!" si Marlyn, Marlyn Lindsay De Leon. Kasalukuyan silang nasa bahay ngayon ng kababata niyang si Rue, Ruennie Ariel Alonte, anak ng tita Gab niya. Tinuturuan niya ito para sa exam nila. Tuitor, ika nga.
Inikot niya ang buong garden ng bahay nito pero kahit anino nito ay hindi niya nakita.
Tinakbuhan na naman ako, she thought.
"Alam ko na naman iyang iniisip mo, May. Hindi kita tinatakbuhan. Ang hirap naman kasi niyang tinuturo mo." si Rue habang cool na naka-pamulsa. Lumapit ito sa kanya.
"Kinaklase niyo 'to. Atsaka, swerte ka at inaral ko pa 'to para sayo. Ba't kasi ang tamad mo?" sermon niya dito. Nginisihan lang siya nito.
"Ang sabihin mo, may gusto ka lang sakin."panghuhuli nito sa kanya. Inirapan niya ito.
Pero, deep inside. Totoo iyon.
"Assume pa more, Rue. Sumbong kita kay tito R2, eh." tiningnan lang siya nito.
"Sumbong mo, wala akong pake." umupo ito sa upuan.
"Hmp! Bad boy. Kung ayaw mong matuto, huwag mokong itetext o kaya'y tawagan, ha? Kapag bumagsak ka, walang sisihan." tumayo siya at lumakad papasok sa bahay ng mga Alonte. Nadatnan niya ang tito R2 niyang umuupo sa sala.
"Oh, Lyn? Bad trip kana naman ata?" tanong nito sa kanya nang mapansin nitong nakasimangot siya.
"Si Rue po kasi, eh. Sige po, tito. Hinihintay pa kasi ako ng mga kaibigan ko." paalam niya.
"Sige, mag-ingat ka. Pupunta si Rue sa prom, ikaw daw gagawin niyang prom date."
"Senior na po siya. Dapat, senior din yung-"
"Ikaw nga kasi gusto ko.." napalingon siya nang marinig niya ang boses nito.
"Kung prom ang bilis mo. Pero, 'pag exam. Pagong." naiinis na anas niya dito. Bumeso siya sa kay tito R2 at dali-daling umalis.
Nasa labas na siya ng bahay nang bigla siyang hinabol ni Rue.
"Pag-aaralan ko iyon. Pag ako pumasa, magiging prom date kita, ha?" anito nang nahabol na siya.
"Pag napasa mo.." pauyam na sabi niya dito. Ngumisi ito.
"Pag napasa ko, lagot ka sakin." inakbayan siya nito. Inalis naman niya agad ang kamay nito.
"Eeeh, Rue! Huwag mo kong ganyanin. Kadiri ka. Sige na, alis na ko. Makikipagkita pa ako kay Matthew."
Matthew Rodriguez, nanliligaw sa kanya.
YOU ARE READING
My Destiny is a Hashtags Hottie (Hashtags Fanfic story)
FanfictionKumpleto rekados po 'to! Every Series, Every Story ng Hashtags :) Kung sino iyong bias niyo sa Hashtags. Pwede niyo pong mabasa ang story nila directly :)