Chapter Three: The Plan (Dinner with Hashtags)

369 17 1
                                    

Special Fan Participation:

Nica Adayo Alonte (Fan)

Mary Angeline Iglesias (Fan)

Elija Alonte De Leon (Fan)


Gab's POV

"Pasok na tayo." aniya nang marating namin ang isang restaurant. Nasa isang reserved room daw kasi sila. Akmang bubuksan na niya ang pinto nang pigilan ko siya.


"Pwede bang pigilan mo ko kapag nakita ko na kayong lahat?"


"Pigilan?"


"Eh kasi.. idol na idol ko kayo, lalo na ikaw. Baka, hindi ako makapagtimpi, eh. Baka, atakehin ako ng kati-kati." he smiled.


"Okay okay. Pipigilan kita." aniya sabay kindat sakin. Biglang uminit ang pisngi ko..


Pumasok na kami at bumungad samin ang ka-grupo niya maliban kay Mccoy. Umupo na kami.


"Gab nga pala. Friend ni Rim." kinakabahang pagpapakilala ko sa kanila.


Alam mo yung titig na titig sila sayo. Kung yelo ako, kanina pa ako natunaw dito. Tagos na tagos, eh. Habang kumakain, nanginginig pa ang mga kamay ko dahil sa kaba. Nakakahiya din dahil natatapon ang mga kinakain ko.


"Okay kalang ba?" si Nikko. Napatingin ako sa kanya at tumango.


"A-ah.. ahh.. o-okay lang ako.." nauutal na sagot ko.


"Okay kalang ba talaga? Mukhang kinakabahan ka, eh." si Ryle. Tumango ako.


"Oo naman." sagot ko. Kinalma ko ang sarili ko.


"Hindi lang siya makapaniwala na kasama niya tayo ngayon. Isang hamak lang siyang fan." si Ronnie.


"Idol mo kami?" si Luke. Nahihiyang tumango ako.


"Oo. Pero, nagpipigil nga akong huwag maging avid fan ngayong gabi. Kailangan ko kasing gawin to para kay Rim."


"Mahirap iyan." si Ryle. Napaingos ako.


"Alam ko. Kaya, huwag niyo akong pilitin sa pagiging fan at baka ano pa ang magawa ko dito." they laughed.


"Ibang-ia ka talaga kay Rim." si Zeus.


"Mabait naman kasing babae yun. Hind siya iyong katulad ko na nagiging fan ng sikat. Mas prefer niyang umidolo ng anime." ako.


"Alam namin yun. Si Mccoy nagsabi, mga galawan nun, eh." si Ryle.


"Oo nga pala, R2. Bakit mo pala kami pinapapunta dito?" si Jimboy. Napatingin ako kay Ronnie.


My Destiny is a Hashtags Hottie (Hashtags Fanfic story)Where stories live. Discover now