"Flemeral! Mabuti at tinanggap mo ang alok namin, you have no idea how much we missed you!" Masayang bungad ni Mama kay Flemeral Lenessia, kagagaling lang niya sa Canada-it's been three years, doon na siya nagpatuloy ng pag-aaral at pagiging photographer.
"Hello Tita! I am glad to see you too," she smiled sweetly then turned her head to me, "hi Ice!"
Simpleng tango lang ang sinagot ko sa kanya, she is acting like nothing happened between us. It is not like I want more, I'm just furious that she didn't talk to me about what happened, bigla na lang siyang nag-ibang bansa.
"How is your stay in Vancouver?" Usisa ni Mama.
"Great, I made a lot of friends. Pero hindi maiiwasan na ma-homesick Tita, I'm really happy to be finally home, hindi na talaga ako babalik sa Canada, I'll stay for good." Sagot nito habang nakangiti pa rin.
Habang nagkukwentuhan sila ay nauna na akong naglakad patungong dining hall kung saan naghihintay na si Dad, kaya lang naman ako sumama kay Mama dahil makulit siya, masyado atang excited na makita muli si Flemeral kaya hanggang harap ng bahay hinintay namin siya.
Narinig ko ang apak ng paa nina Mama at Flemeral na mukhang nakasunod sa akin. Nang nasa dining hall na ako ay nakita ko si Papa na nakaupo sa kabisera ng pahabang mesa na punong puno ng iba't ibang klase ng potahe na tila ba may piyesta, isang bisita lang naman ang meron bakit kung maghanda akala mo buong barangay ang papakainin?
Umupo na lang ako at hindi nagsalita, nang makita ni Papa si Flemeral ay ngumiti siya saka tumayo, niyakap niya si Flemeral at tulad ni Mama ay kinamusta siya. May mga kasambahay namang naghila ng silya para upuan nina Mama at Flemeral, pero tumanggi si Flemeral at sinabing kaya niyang hilain ang silya para sa kanya.
Sa mismong harapan ko nakaupo si Flemeral, tanging ang pahabang mesa lang ang nasa pagitan namin, "so Ice, you dyed your hair white?"
"Obviously." Simpleng sagot ko at natahimik silang lahat. Tumawa lang ng marahan si Flemeral sa sagot ko.
Tumikhim si Papa kaya naman tumingin ako sa kanya, mariin niya akong tinignan na tila ba sinasabing be nice, she is our guest. I'm just answering her question! Hindi naman masama yon.
"Parang gusto ko na rin magpakulay ng buhok." Saad nito.
"Actually hija, tutol na tutol ako sa pagpapakulay niya ng buhok. You have no idea na halos himatayin ako nang makita kong hindi siya nakinig sa akin at nagpakulay pa rin, masyado siyang na-excite na maging Lolo! Que raming uban!" Bumuntong hininga si Mama.
"Do you all plan to eat dinner or just talk? Kasi ako gutom na ako." Sumbat ko habang patuloy pa rin silang nag-uusap. Nauna na akong naglagay ng kanin at kung anumang ulam sa plato ko at nagsimula nang kumain, sumunod na rin sila.
"Ice, can you take me home after dinner?" Tanong ni Flemeral sa gitna ng pag-kain namin.
Tumingin ako kay Flemeral, "no."
"Actually, he will." Ngumiti si Papa kay Flemeral saka matalim na tumingin sa akin, he raised one eyebrow which I get.
"Fine." Bored na sagot ko at muling kumain.
Nang matapos na kaming kumain ay agad na niligpit ng mga katulong ang pinagkainan namin at sinunod namang kinuha ang mga samo't saring potahe na hindi nagalaw saka pinalitan ng homemade cheesecake which will serve as our desert.
"It's getting late Tito, Tita." Saad ni Flemeral, "I think I'm going home."
"Hindi na natin namalayan ang oras. O'sya, ihahatid ka na ni Ice pauwi." Ngumiti si Mama sa akin. Tumango naman si Flemeral at nagpasalamat para sa dinner.
"I'll just go get my keys in my room." Saad ko kay Flemeral at pumanhik na sa ikalawang palapag ng bahay, naglakad ako papuntang kwarto ko at agad na kinuha ang susi ng kotse ko. Palabas na sana ako nang nakita ko si Flemeral na sumunod pala sa akin at naghihintay sa labas ng kwarto.
"I told you I'll just go get my keys." Wika ko.
"And your parents told me to come with you." Ngumiti siya, pinasadahan niya ng tingin ang kwarto ko, "still the same." She smiled.
Lumabas na ako at saka ko sinara ang pinto ng kwarto ko, sinamaan ko siya ng tingin, "what are you planning to do Eral?" I eyed her cautiously.
"Nothing." She smiled.
Hindi na ako umimik pa at nauna nang naglakad pababa ng bahay, nakita ko sina Mama at Papa na nasa porch ng bahay at hinihintay kaming dalawa ni Eral, "have a safe trip, ikaw Ice, make sure that Flemeral gets home safely."
I nodded to Papa and stormed off into the garage, binuksan ko ang kotse ko at sumakay na sa driver's seat, si Eral naman ay umupo sa passenger's seat.
Bigla kong naalala ang gabing iyon, it was this car where it all happened.
Umiling ako at pinaandar ko ang makina ng kotse, nang nasa labas na ito ng garahe ay minaneho ko ito patungong entrada mismo ng compound namin, nang nasa kalsada na ako ay pinaharurot ko ang kotse.
"How's your modeling career?" Tanong niya.
"Okay naman." Sagot ko habang nakatingin sa kalsada.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, "I remember this car."
"I didn't ask."
"I remember everything." Tumingin siya sa akin, base sa peripheral vision ko ay nakangiti pa rin siya ngunit isang ngiting pilit na, "you drugged me that night."
"Yes, I did."
She gasped, "I wish you could have denied that."
"You wouldn't believe me if I did." Bagot na sagot ko.
"Why don't you look sorry after what you did to me?" Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa akin, damm. It's creepy.
"Why should I look sorry?" I smirked smugly, knowing that she totally never forgot that night. She was just waiting for the right time na kaming dalawa na lang para pag-usapan iyon.
"Jerk." She labeled.
"I know. Let's just forget that night, ilang taon na ang nakalipas nang mangyari iyon."
"I'm not the type to forget things easily, Ice. You took my virginity, now I will take something from you too... I will take your heart." She smiled confidently, "I will take it and will never give it back."
"Sweetheart, I don't have a heart."