Kabanata 18

25.2K 673 72
                                    

Mabilis na lumipas ang buwan at pitong buwan nang nagdadalang-tao si Eral, masaya kaming parehas sa bago naming bahay, I also hired three housemaids para maglinis, maglaba, magluto, at lahat lahat na dahil ayaw kong nagpapagod si Eral, syempre sila na rin ang nag-aalaga kay Eral habang nasa trabaho ako, kasalukuyan kong pinapatakbo ang kalahati ng negosyo ni Papa, as much as I want to always be beside my wife, hindi pwede dahil may dapat rin akong gampanan bilang isang negosyante.

Kinausap na rin ako ni Manager Ris at sinabing kung gusto kong bumalik sa pag-momodelo ay kontakin ko lang siya, actually, wala na akong balak. Bukod sa punong puno na ang kamay ko sa negosyo at kay Eral ay nawawalan na rin ako ng oras.

Nang nakarating ako sa bahay galing trabaho ay pagod na pagod na ako pero pinangako ko kay Eral na lalabas kami, halata nga namang hinihintay niya ako dahil nasa veranda siya, nang makita ako ay mabilis siyang bumaba, "bakit ang tagal mo?" Nakasimangot na tanong niya.

"I settled a lot of things before Papa let me go." Kaswal na sagot ko sa kanya, lumuhod ako saka ko hinaplos ang tyan niya, "hi Frost, are you happy inside Mommy's womb?" I pressed my ear lightly on her tummy, nagulat ako nang nakaramdam ako ng pagpadyak sa tyan niya, "what the fuck, naramdaman mo iyon?"

"Oh my gosh! He kicked! Frost kicked!" Bigla siyang sumimangot matapos ang masayang pagngiti, "huwag kang magmura! Maririnig niya!"

"Oops, sorry baby. daddy was just carried away." Saad ko sabay haplos muli sa malaking baby bump niya, "let's go." Saad ko sa kanya at pinagbuksan ko na siya ng pinto sa kotse ko, matapos iyon ay sumakay na ako sa driver's seat at tumungo na kami sa mall.

Magkahawak ang kamay naming pumasok sa mall, maraming napapatingin sa aming dalawa, si Eral naman ay tinataasan ng kilay lahat ng babaeng tumitingin sa akin, "your mood swings are funny." Bulong ko sa kanya.

"Oh my gosh! Nakita mo ba kung paano ka tignan ng babae kanina? Susugurin ko yon!" Hinawakan ko ang braso niya para tigilan siya, maybe taking her to the mall was a bad idea.

"Chill, Eral. I'm just really an eye turner, sa gwapo kong ito walang hindi mapapalingon sa akin." I tried to joke to lighten her mood pero mas lalong naging sour ang itsura niya. "We came here to buy clothes, toys, and stuffs for Frost, not to start a war with all the girls, okay?" Pagpapaalala ko sa kanya.

Tumigil siya at tumango, "right." Saad niya at muling hinawakan ang kamay ko, tumungo kami sa isang shop for babies, kumuha ako ng blue pacifier na may snowflakes na tatak, tumingin naman ako sa hawak ni Eral na pink pacifier na Hello Kitty ang tatak.

"Are you planning to make our baby boy Frost a baby girl?"

Ngumiti siya, "oh, was our baby a baby boy?" Mas lalong lumaki ang ngiti niya, "we can just buy both..."

"No, put it back." Umiling ako, bigla siyang sumimangot saka niya ako tinignan ng masama na tila ba nagtatampo, I sighed, "fine, we will just take both." Saad ko sabay kuha na rin sa pink pacifier, nilagay ko itong dalawang pacifier sa blue basket na hawak ko, muli kaming naglakad at tumigil sa harap ng stuff toys.

Tumingin ako kay Eral na nasa harap lang ng Hello Kitty stuff toys, umiling na lang ako saka ako tumingin sa mga animal stuff toys, then I saw the stuff toy version of Jack Frost, smirking, kinuha ko ito saka nilagay sa basket, meanwhile, upon looking at Eral, nakita ko siyang lumapit sa akin na punong puno ng Hello Kitty stuffs ang magkabilang kamay.

"No, Eral. Put them back. Anything but Hello Kitty, please."

"But ang cute!" She pouted, "it's not for our baby, it's for me..."

"Hindi ka baby."

"Pero tinatawag mo naman akong baby minsan..." her eyes sparkled in hope. Sighing again, I nodded and let her put the stuffs inside the basket I am carrying.

A Frozen Man's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon