Abala ako sa pagbabasa ng tabloid nang narinig kong umungol si Eral, tumigil ako sa aking ginagawa at tumayo mula sa sofa ng kwarto ko at nilapitan siya na kasalukuyang nakahiga sa kama ko, saktong iyon ay dumilat ang kanyang mata at dumapo ito sa akin.
"Bakit nandito ka sa kwarto ko?" Tanong nito sa akin, kinusot kusot pa niya ang kanyang mata, hindi ako umimik, pinasadahan niya ng tingin ang buong silid at suminghap, "ano ang ginagawa ko dito sa kwarto mo?!"
"Ask yourself." I shrugged.
Bumalikwas siya sa kama at agad na tumayo, tinignan niya ang kanyang suot na damit, "why am I wearing your shirt? Asan ang dress ko?!"
"Nasukahan mo ang dress mo last night kaya pinalabhan ko, wala kang maalala?" Takang tanong ko sa kanya, "you were drunk but I know you still have memories, especially when you puked on my car's window."
Suminghap siya at mabilis na ininspeksyunan ang sarili. "May nakita ka?"
"Huwag kang mag-alala, hindi kita ginalaw this time." I smirked, "you should be thankful that I changed your clothes at inalagaan kita magdamag, but you have to pay for what you did to my car."
Bigla siyang napahawak sa ulo niya, "I feel dizzy, damn hangover." Umupo siya sa gilid ng kama ko, "hindi ko na kasalanan na nasukahan ko yong kotse mo, saka bakit naman ako magbabayad para doon? Sinadya ko? Ipalinis mo na lang. Pero sige, thank you sa pag-aalaga mo sa akin."
Tumango lang ako, "you may go home after your dress gets dry."
"Surprisingly, mas komportable ako sa maluwang mong shirt." Ngumiti siya, "akin na lang ito."
"No."
"Thank you!"
Sinimangutan ko siya, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad si Mama, halatang nagulat siya na kasama ko si Eral at suot niya ang damit ko sa loob ng kwarto ko, right, nakalimutan kong ipaalam sa kanila since tulog na sila ni Papa by the time na dumating ako dito sa bahay.
It seems like Mom is thinking of a thousand possibilities inside her mind about what happened between us, she might be smiling but inside she is frantic, alam ko na yan. And she is also looking at me suspiciously.
"Oh, Flemeral." Ngumiti si Mama kay Eral saka tumingin sa akin na tila ba nagtatanong kung ano ang ginagawa niya dito sa loob ng kwarto ko, "breakfast time. Gusto mo bang sumama Eral?"
"Sure Tita!" Masayang sagot ni Eral, "let's go Ice." Saad nito na tila ba nakalimutan na ang hangover, tumayo na siya at kinaladkad ako palabas ng kwarto ko, sumunod kaming dalawa kay Mama na naglakad na pababa, nang nasa dining hall na kami ay agad kaming umupo para kumain.
"Asan po si Tito?" Takang tanong ni Eral.
"Kaninang madaling araw ay pumunta siya sa Cagayan de Oro, may inaasikaso siya doon hija." Sagot ni Mama, mukhang may business trip na naman si Papa.
Kumuha na ako ng sliced bread, hindi ko na nilagyan ng palaman dahil ayaw ko ng nalalagyan ng ganon, gusto ko yong wheat bread lang siya at walang halo, nagtimpla na rin ako ng coffee, tinignan ko si Mama, halatang kating kati na siyang magtanong kung ano ang nangyari at magkasama kami sa kwarto ko.
"Nothing happened between us." Paglinaw ko kay Mama, "she was drunk and I took care of her. That's all. Huwag mag-isip ng kung ano ano, Ma."
Tumango si Mama at nagbuntong hininga, "akala ko may nangyari, excited pa naman na akong magkaapo!"
Nanlaki ang mata ni Eral at agad na tumingin sa akin, yong tingin na kaming dalawa lang ang nakakaintindi.
Right, we already did it. At my car. Three years ago. Pero may protection.
"You have no idea how caring Ice is, Tita." Ngumiti si Eral, what is she planning to do? Tumingin ako sa kanya at siningkitan ko siya ng mata, mas lalong lumaki ang ngiting nakaukit sa kanyang labi, "sobrang caring niya."
Is she being sarcastic right now?
Ininom ko na lang ang coffee ko at hindi nagsalita, "di mo lang alam hija ikaw pa lang ang kauna unahang babae na nakapasok sa kwarto ni Ice." Tumawa si Mama kasabay ng pagkabulol ko sa iniinom ko, I coughed and glared at Mom.
"Ang sweet, so ako pala ang first girl na nakapasok sa kwarto mo? Wow, first to enter." Diniinan niya ang huling pangungusap, nilunok ko ang bara sa aking lalamunan.
"Actually no, ikaw ang pangalawa, maybe pangatlo, o pang-apat, my Mom first, tapos sunod na yong mga kasambahay." I smirked. "So yes, you're not the first."
Nang matapos na kaming kumain ay agad kong inutusan ang isa sa mga kasambahay namin na kunin ang dress ni Eral na pinalabhan ko, "thank you for the breakfast, Tita."
"Of course, hija." Ngumiti siya kay Eral.
Dumating ang isang katulong dala dala ang bestida niya, agad naman itong kinuha ni Eral at nagpasalamat, "let's go Ice, di ba ihahatid mo ako?"
"You can commute. Magpalit ka na rin ng damit."
"Akala ko ba ibibigay mo sa akin itong damit mo?" She pouted.
"Ice, just let her have your shirt, and take her home too." Utos ni Mama. Suminghal na lang ako at naglakad palabas ng dining hall. Narinig kong nagpaalam na si Eral kay Mama bago ako sinundan palabas ng bahay.
Ang isang kotse na lang na pagmamay ari ni Kuya Cloud ang ginamit ko dahil hanggang ngayon ay nililinisan pa rin ang kotse ko, mabuti na lang wala si Kuya, mahilig kasi siyang mag-travel. Hindi ko alam pero may hinahanap raw siyang babae kaya siya nagbibiyahe.
"Bakit hindi kotse mo ang ginagamit natin?"
Sinamaan ko siya ng tingin, "shut up."
"Ang cold ha, parang pangalan mo lang." Tumawa ng marahan si Eral, she buckled her seatbelt, nilagay ko ang susi ng sasakyan sa ignition at pinaikot ito dahilan upang mabuhay ang makina ng kotse, matapos ang ilang sandali ay pinatakbo ko ito palabas ng bahay, nang nasa kalsada na ako ay binilisan ko na ang pagpapatakbo ko sa kotse.
"Ice, thank you nga pala."
"For what?"
"Basta."