Eral and I already confessed to her parents as well through Skype, sa una ay nagalit sila, hindi parang reaksyon ng mga magulang ko, ramdam na ramdam mo ang galit sa kanilang boses, pero natanggap naman agad nila at sinabing uuwi daw sila mula Canada patungong dito sa Pilipinas lalo noong nalaman na magpapakasal na kami. And so they did.
Isang linggo na matapos ang proposal ko, nakahanap at nakabili na rin ako ng bahay, walang alam si Eral patungkol doon, since meron naman na ang mga magulang niya ay sa bahay ko na ako mismo umuuwi at hindi na sa bahay nila, pero syempre dinadalaw ko pa rin siya para alagaan, nagkausap na ang pamilya namin at halatang excited na sila sa kasal, tumawag na rin ang mga pinsan ko pati si Kuya Cloud nang nalaman nila na ikakasal na talaga ako para kompirmahin kung totoo.
Maayos na ang lahat at nakaplano na rin ang kasal namin. It will be in one month. Malapit na.
"Ice, why is it that you dyed your hair white?" Nakangiting tanong sa akin ni Tita Freia-the mother of Eral-habang kumakain kami ng dinner, napatingin sa akin sina Mama, Papa, Eral, at Tito Emerald-father of Eral-na tila ba hinihintay ang sagot ko. Tahimik lang sila habang hinihintay ang sasabihin ko.
"I have a serious obsession with white hairs." Sagot ko, tumango naman siya. "I mean... uh, well, I am a Jack Frost fan." Pabulong na dagdag ko.
"Don't tell me kaya Frost ang magiging pangalan ng baby natin because of Jack Frost?" Siningkitan ako ng mata ni Eral, mabilis lang siyang mainis sa mga simpleng bagay tulad ngayon, dala siguro ng kanyang pagdadalang-tao, lumulubo na rin ang tyan niya at ayaw na ayaw niya sa lahat ang nasisita ang tyan niya, minsan nga nag-breakdown na siya kasi baka hindi ko na raw siya magustuhan kasi lumalaki na tyan niya, and I told her hindi naman ang katawan niya ang hanap ko and I told her being pregnant is sexy to someone who is about to become a father.
"Chill." Tinaas ko ang dalawang kamay ko nang sinimangutan niya ako, "my name is Ice, somehow related sila sa Frost, tapos first name initial mo is F, magkatugma sa Frost."
Siningkitan niya ako ng mata, "seryoso ka ba dyan?"
I nodded. "Deadly serious."
"So Cassandro, kumusta nga pala ang tatlo mong kapatid?" Tanong ni Tita Freia, madaldal siya habang si Tito Emerald naman ay tahimik, tila ba magkasalungat silang dalawa, speaking of Dad's brothers, apat silang lalake na magkakapatid at lahat sila ay parehong may dalawang anak na lalake, bale may anim akong pinsan na Apolonio de Mayor din.
Nagkibit balikat lang si Papa, "hindi ako sigurado pero alam kong lumalawak ang negosyo nilang tatlo." Sagot nito.
Matapos ang dinner ay nag-usap muna sila bago tuluyan nang umalis, walang masyadong nangyari sa mga sumunod na araw pero habang palapit ang araw ng kasal namin ay nagiging abala kami sa paghahanda, nakasulat na ang listahan ng mga magiging bestman, bridesmaid, maid of honor, ring bearer, at flower girls, nasukatan na rin kami ng mga isusuot namin, tila ba dapat perpekto ang lahat, si Eral naman ay gustong i-postpone ang kasal, gusto niyang pagkatapos niyang isilang si Frost ang kasal namin para raw hindi malaki ang tyan niya at sexy.
Bago ang linggo ng kasal ay dumating si Kuya Cloud, nakasimangot siya lagi kasi inaasar siya ni Mama na naunahan ko pa raw siya, sunod sunod na ring dumating ang mga kapatid ni Papa at mga pinsan ko, sina Thunder at Tornado, Hunter at King, saka sina Ink at Chain.
Hindi naglaan ang araw at araw na ng kasal, nasa harap na ako ng altar kung saan kami magpapalitan ng vows habang hinihintay ang pagdating ng mapapangasawa ko, syempre puti pa rin ang buhok ko kahit na gustong ipakulay ng itim nina Mama.
White wedding ang itsura ng kasal ko, bumukas na sa wakas ang matayog na pinto ng simbahan at bumungad si Eral kasama ang Papa niya, naglakad siya palapit sa akin habang may ngiting nakaukit sa kanyang labi, naglakad siya sa gitna ng pasilyo habang tumutugtog ang malakas na musika, lahat ng tao ay nakatingin sa kanya.
Ngumiti ako nang malapit na siya sa akin, nang nasa harap ko na siya ay binigay sa akin ng kanyang Papa ang kanyang kamay, kinuha ko naman ito at sabay na kaming naglakad pataas sa mismong altar.
Nagsimula na ang seremonya ng kasal namin hanggang sa oras na para magpalitan kami ng vows...
"I, Ice Apolonio de Mayor, take you, Flemeral Lenessia, as my lawfully wedded wife, promise to be a good father and a good husband, promise to be with you until your hair looks like mine, promise to cherish you until my last breath, promise to take care of you, promise to be your confidant, promise to be your home, promise to love you, and promise to make love to you until you want."
I inserted our wedding ring on her ring finger and she smiled, not minding my last line that made everyone laugh.
"I, Flemeral Lenessia, take you, Apolonio de Mayor, as my lawfully wedded husband, promise to be a good wife and a good mother, promise to be beside you until my last breath, promise to cherish you, I promise to love you until my heart stops beating, and I also promise to give you the desired amount of kids you want to have in front of the angels, in front of God."
She smirked as she inserted my wedding ring into my ring finger.
"You may now kiss the bride." Saad ng pari, ito na ang pinakahihintay ko sa lahat. Dang it. Halos dalawang linggo na kaming hindi naghahalikan dahil abala sa maraming bagay, I can kiss her again!
Tinaas ko ang puting veil niya saka siya sinunggaban ng isang malalim na hininga, sa sobrang lalim ay nakalimutan ko na nasa harap pala kami ng altar at hindi nasa kama...
"Whoa live porn!" Napatingin kaming lahat kay Kuya Cloud na sumigaw, sinimangutan ko siya kasabay ng pagtawa ng mga tao, binalik ko ang atensyon ko kay Eral.
"Another kiss, please?" I whispered.
Ngumiti siya, muli niya akong hinalikan, I put my hand on her back and she bent as we kiss, nagpalakpakan agad ang mga tao.
I stared at her eyes for a while, nang tapos na ang kasal ay nagkaroon ng pictorial, nilapitan ako ng mga pinsan ko at saka binati, matapos iyom ay pumunta na kami sa Windshield Hotel para sa wedding reception, para i-celebrate ang kasal.
Matapos iyon ay napagdesisyunan kong tumakas sa celebration kaya habang abala ang mga tao sa panonood ng music video namin ay hinila ko si Eral papuntang parking lot at sumakay na sa kotse. "Saan mo ako dadalhin? Honeymoon?"
Ngumisi ako sa kanya, "nope, it is a surprise."
"Alam mo naman na ayaw ko sa lahat ang surprise, right?" Sumimangot siya.
Hinalikan ko siya sa kanyang noo, "you will like it." Saad ko at nagmaneho na, nag-iwan na lang ako ng message kay Kuya Cloud at sinabing nauna na kami ni Eral dahil may gagawin pa kami, bahala na siyang magbigay ng ibang kahulugan doon.
Halos kalahating oras ang biyahe at pumasok kami sa Alta Mira subdivision, mga ilang ikot ang kotse bago narating ang isang matayog at malawak na kulay puting bahay, tinigil ko ang sasakyan sa labas at saka tumingin kay Eral.
"Welcome to our new home."