Kabanata 14

28.7K 792 63
                                    

I've really moved on with Lessandra, matagal na yon, pero hindi pa rin maiiwasan na makaramdam ako ng galit dahil sa ginawa niya sa akin noon, normal na yon bilang isang tao, hindi ko ginagamit si Eral bilang panakip butas, hindi ko alam pero may sumisigaw sa loob ko na dapat nga ay panagutan ko siya, I was her first. She was my first...

Tatlong linggo na ang nakalipas, going good naman ang relasyon namin ni Eral although lagi niya akong sinesermunan na dapat daw ay umakto akong parang boyfriend, saka na lang raw ako nagiging boyfriend kapag naghahalikan kami, kahit man na naging kami na talaga ay hindi pa rin ako nagbabago, why would I change myself? I'm better with who I am right now.

"Ice, smile!" Sumimangot si Eral saka tumigil aa pagkuha ng litrato ko, nasa studio kami at kasalukuyan na naman akong nasa isang photoshoot, pansin ko lang ay lagi siyang nagkakaroon ng mood swings, lagi rin siyang late sa shooting dahil may morning sickness daw siya, saka ngayon ko lang napansin na maputla siya. May sakit kaya siya?

"You know I don't just smile." I scowled.

"Tsk! Ngiti! Ganito ang gawin mo oh." Saad niya sabay ngiti ng pilit, "see? Ilang taon ka na ba at hindi ka marunong ngumiti? Kaimbyerna ka!"

Kumunot ang noo ko, si Reina naman ay tahimik lang sa gilid at halatang hindi makapaniwala sa pag-burst out ni Eral.

"Sinisigawan mo ba ako, Eral?"

"Obvious ba?!"

Umiling na lang ako, "let's go back to the shooting."

Biglang nahulog ang DSLR na hawak ni Eral, tinignan ko siya at nakita ko siyang mabilis na naglakad palabas ng silid, "what the hell?" Mabilis ko naman siyang sinundan, nakita ko siya na pumasok sa washroom, mabilis niyang sinara ang pinto nito.

Kakatok sana ako nang narinig ko ang pagsuka niya mula sa kabilang pinto, "Eral? Is something wrong?" Tanging ang pagsusuka lang niya ang naririnig ko, bumuntong hininga ako at saka muling kumatok, "Eral? Baby?"

Bumukas ang pinto at bumungad si Eral na umiiyak, hinila ko siya saka niyakap, hinaplos ko ang likod niya para pakalmahin siya, "are you sick?"

Umiling siya at humikbi. "I-I... I think I'm pregnant, Ice..."

Natigil ako dahil sa sinabi niya, kumawala siya sa pagyakap at tumingin sa aking mga mata, those pair of hazel brown eyes stared against my deep sapphire eyes, "are you sure?"

Tumango siya. "I have a feeling..."

Kinagat ko ang babang labi ko, "let's finish the photoshooting so I can buy you a pregnancy test to confirm, okay?" Tumango siya. "Kaya mo pa ba?" Tumango siya, bumalik kami sa shooting room at muli niya akong kinuhan ng litrato, matapos ang halos isang oras ay natapos na kami.

Niligpit na lahat ng equipments at mabilis kaming umalis, sumakay na kaming dalawa sa kotse ko at saka ko mabilis na pinaharurot ito papunta sa pinakamalapit na pharmacy, "wait here." Utos ko sa kanya sabay baba sa kotse, she nodded and watched me close the door, huminga ako ng malalim at saka naglakas loob na pumunta sa pharmacy, "ano po kailangan niyo, Sir?" Ngumiti ang isang babae sa akin na tila ba nang-aakit.

I scowled. "Three pregnancy tests."

Nanlaki ang mata niya, "may asawa na kayo Sir?"

Umiling ako at saka kumunot noo, "will you just give me what I want?"

Tila nilamon ng lupa sa hiya ang babae at saka mabilis na tumango, kinuha na niya ang tatlong pregnancy test at binayaran ko na ito, mabilis akong bumalik papuntang sasakyan, nang sumakay na ako ay inabot ko sa kanya ang binili ko, "I bought three just to make sure..."

Tumango siya, "I'll drive you home and will sleepover with you tonight." Ngumiti siya at tumango ulit, halatang kinakabahan siya sa magiging resulta, hinawakan ko ang kamay niyang nanlalamig na, "huwag kang mag-alala, Eral. Papanagutan kita kung nabuntis kita, I'll be the father of our child. Hindi kita tatakasan sa responsibilidad."

"You'll marry me?"

Natigil ako dahil sa sinabi niya, lumunok ako, "if I have to..."

Ngumiti siya ng pilit at saka tumingin sa labas ng bintana, muli akong nag-drive papuntang bahay niya, noong nandoon na kami ay mabilis kaming pumasok, si Eral naman ay tumungo sa CR dala ang tatlong pregnancy tests, ako naman ay naghintay sa harap mismo ng pinto ng CR.

Ramdam ko ang pagkabog ng puso ko habang hinihintay ang paglabas niya, gusto kong malaman ang resulta, the result will change my future, I know that for sure.

Matapos ang halos sampung minuto na paghihintay ay narinig ko ang tinig ng pag-iyak ni Eral, mabilis ko namang kinatok ang pinto, "Eral? What's wrong?" She didn't answer, umiyak lang siya ng umiyak, "bubuksan ko na ang pinto, okay?" Pinihit ko ang busol ng pinto at bumukas ito, mabilis akong pumasok at nakita ko siya na umiiyak, tila ba sinasaksak ang puso ko sa bawat pagtulo ng luha niya.

Pinakita niya sa akin ang tatlong pregnancy test, lahat may dalawang pulang linya. All positive...

Hindi ako makagalaw, tila ba naging blangko ang lahat ng nasa isipan ko, ang pumapasok lang sa isipan ko ay ang buntis si Eral at magiging tatay na ako. Tumingin sa akin si Eral, halatang nag-aalala, pinunasan niya ang kanyang mga luha at humugot ng malalim na hininga, "you don't have to marry me, Ice. Kung iyon ang unang pumasok sa isip mo, you can just support our baby financially. I will be okay with that."

"I don't want our baby to be a bastard..."

"So papakasalan mo ako? I can't marry a guy who doesn't love me back, Ice." Muling tumulo ang kanyang mga luha, "I can't marry a guy who can't even say I love you to me, who never said those words to me."

"Masyadong mabilis lahat, Eral. Please let me adjust. I like you, Eral. I like you, and I know that with just time, like can become love. Just wait, Eral."

Niyakap ko siya ng mahigpit, "I love you, Ice. I always loved you..."

Sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko, "I know..."

A Frozen Man's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon