Kabanata 15

26.1K 727 45
                                    

Tatlong buwan na ang nakalipas, hindi na maitatago pa ang baby bump ni Eral, sinita na rin siya ni Manager Ris at Reina kung bakit daw lumalaki tyan niya, we can no longer hide it, the fact that she's pregnant with my kid.

Sooner or later my parents will find out, sa magulang naman niya ay nasa Canada so we decided na mas maunang ipaalam na sa mga magulang ko na magkakaapo na sila, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila, hindi ko rin alam kung magagalit ba sila, walang kasiguraduhan, basta ang alam ko lang ay kailangan nilang malaman ito.

"Ice, matagal pa ba si Flemeral?" Tanong ni Mama sa akin, hinihintay namin ang pagdating niya, nasa dining hall na kami, sinabi ko na dadating si Eral para sumabay sa dinner kaya naman marami na namang mga pagkain na nahanda.

"Malapit na siya, Ma." Sagot ko naman, tahimik lang si Papa na binabasa ang tabloids, matapos ang halos limang minuto ay nakarinig kami ng tunog ng apak ng takong, seems like she just arrived, bumungad siya na in-escort-an ng maid, nang nakita siya nina Mama at Papa ay halatang nagulat sila.

"Holy gracious, masyado ka atang nasarapan sa mga pilipino foods?" Tumawa si Mama, "ang laking bilbil iyan!"

Namula naman si Eral at saka mabilis na tumingin sa akin, nagkatinginan kaming dalawa at sinenyasan ko siyang umupo sa tabi ko, tumango naman siya at saka naglakad palapit, she was wearing a floral dress that is not fitted, even if she have a baby bump she still looks sexy in my eyes.

Tumikhim si Papa, "let's eat."

Tumango naman ako, "kukunin ko lang ang tamang tsansa para sabihin." Bulong ko sa kanya, she smiled and nodded.

Napatingin ako sa plato ni Eral, puro sweet foods ang laman nito tulad na lamang ng spaghetti, graham, at chocolate marshmallow, kumunot ang noo ko, "you should eat rice first."

"I'm craving for sweet foods." She shrugged.

Tumango na lang ako at hinayaan siya na kainin ang laman ng pinggan niya, "so Flemeral, you don't know we missed you so much, halos isang buwan ka nang di nagpapakita." Sabi ni Mama.

"Busy?" Simpleng tanong ni Papa, ngumiti naman si Eral at saka tumango. "You're getting fat, must be because you're only eating sweet foods, my guess only."

Natigil siya, mabilis ko namang hinawakan ang kamay niya sa ilalim ng table, tumingin siya sa akin na halatang kinakabahan na, "actually Papa, Mama... may gusto kaming sabihin sa inyo."

"Yes, Ice?" Ngumiti si Mama, halatang nagagalak nang malaman ang sasabihin ko, lumunok na lang ako. This is the perfect time to spill the beans, Ice...

"Buntis po ako, Tito, Tita."

Napatingin ako kay Eral na siya nang nagsabi, napabuga si Papa at si Mama naman ay umubo, halatang nagulat silang dalawa. Nanlaki ang mata ni Papa, halatang hindi makapaniwala.

"Are you serious, hija?"

Tumango siya at saka tumingin sa akin, "I... uhm, Papa, Mama, ako ang tatay."

"I knew it!" Tumayo si Mama, "I knew it! O to the M to the G!" Sigaw niya, "Cassandro, we are going to have an apo! Ang pinakahihintay nating dalawa! Kailangan kong i-inform si Cloud at sabihin na mas naunahan pa siya ng kanyang mas nakakabatang kapatid na makabuntis! This is news! A big news!" Histerikal niya.

Ngumiti si Papa, "Jicelle, calm down."

Nagkatinginan kami ni Eral, hindi rin kami makapaniwala sa reaksyon nila. They won't get mad? Why is it the other way around? Aren't they supposed to be angry?

"Kailan kayo gumawa?" Biglang tanong ni Papa.

"Saan?" Pagsegunda ni Mama.

Namula kaming dalawa ni Eral, "can't we finish our foods first before interrogating us?" I asked, tumingin ako kay Eral na hindi komportableng nakaupo, halatang nilalamon na siya ng lupa dahil sa mga tanong ng magulang ko, I just hope her parents will also react the same when they find out.

"Okay," masayang umupo muli si Mama, tinuloy namin ulit ang kumain, nang matapos na kami ay gaya ng dati'y niligpit ng mga kasambahay ang pinagkainan namin, "so, our question, when did my son pop your cherries?" Mom smiled at Eral who blushed.

"Mom!" Suway ko.

"Actually, three years ago?"

Nasamid ako sa iniinom kong juice, "it's good to know my son was your first!" Ngumiti si Mama, what the heck? "Pero kung three years ago ang first niyo, then ibig sabihin dalawang beses na kayong gumawa? Or more than? I mean hindi naman pwede na three years ago kayong gumawa tapos ngayon ka lang nabuntis."

"What the-" naputol ako nang magsalita si Papa.

"So, saan ang una niyo?" Tanong ni Papa.

"Too much details, Papa. Can you please just leave them to us?" Pagsulpot ko.

"I need to know what my son had been up to all this time." Ngumiti si Papa at muling hinintay ang pagsagot ni Eral na pinagpapawisan na.

"Cassandro, our son is right. Sikreto na nilang dalawa iyon." I nodded to Mom in agreement, "when is the wedding?"

Natigil kaming dalawa.

"That look in your faces halatang hindi niyo pa napag-uusapan." Umiling si Mama, Eral looked at me with a worried face.

"It's okay if we don't get married." Ngumiti siya ng pilit kina Mama at Papa.

"No hija, it is not okay. Think of the baby inside your womb, think of his or her future." Saad ni Papa, "I can't accept our grandchild to become a bastard, no, our grandchild needs to have a father and mother. Don't you agree, Ice?" Tumingin siya sa akin.

Tumango lang ako kay Papa, tumingin ako kay Eral, "it's getting late, nakakasama sa katawan ang pagpupuyat, do you want me to take you home? Or you can sleepover here..."

"Of course she will sleepover here! Walang mag-aalaga sa kanya at titingin sa kanya kapag uuwi pa siya, she is alone at her house, bilib ako sa iyo Flemeral on how you managed to be here right now in that state knowing you are alone with nobody to take care of you." Sabi ni Mama.

"Actually, Tita, inaalagaan po ako ni Ice..."

Halatang nagulat sina Mama at Papa, "is he a father material?"

Ngumiti siya at tumango.

"How about husband? Is he a husband material?"

Tumango ulit siya.

"You can stay here, hija, okay? Kung pwede dito ka na rin tumira para maalagaan ka ng anak namin, or kung gusto niyo magsolo, our son can live with you sa bahay niyo, it is both your decision, and Ice, since you are having a family soon, I want you to think ahead of the future, you need to stop modeling and start taking care of the half of our business, mag-ipon ka. Tutulungan kita sa negosyo, I will guide you." Sabi ni Papa.

Tumango naman ako at saka tumingin kay Eral, "I want to live with Eral alone, gusto kong kami lang muna..."

Tumingin siya sa akin, "kaya ko ang sarili ko."

"Oo, alam kong kaya mo ang sarili mo, pero hindi ka na nag-iisa, you are carrying our baby boy."

"Baby girl." Sumimangot siya.

"I have a feeling she is a he." Ngumisi ako kay Eral, "our baby boy's name will be Frost."

"No. Hindi lalake ang magiging anak natin, our baby girl's name will be Flemeral."

"Pero pangalan mo iyon. Hindi babae ang magiging anak natin." Sumbat ko, tila ba wala na sina Mama at Papa at kaming dalawa na lang ang nag-uusap.

"Fine, malalaman naman natin next week e." She pouted.

A Frozen Man's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon