Kabanata 6

38.5K 849 73
                                    

The next day after my photoshoot in Tagaytay with Eral and Reina, bigla akong naka-receive ng tawag from an unknown number, sinagot ko naman ito.

"Ice!" A familiar voice said in a high pitch.

Nilayo ko sa tenga ko ang phone ko at kumunot noo. "Where the hell did you get my number, Eral?"

"Certainly not in hell." Sagot nito, mas lalong kumunot ang noo ko, "nakuha ko ang phone number mo kay Manager Ris, okay?"

"Why did you call me?"

"To offer you a date today!" Masayang sagot ni Eral.

"I don't do dates."

"Apektado ka talaga sa akin kapag hindi ka pumayag makipag-date." Saad ni Eral, mas lalong kumunot ang noo ko. Why would I even date her and why would I even be affected to her? She needs to get over herself.

"Think what you want." Akmang tatapusin ko ang tawag nang nagsalita muli siya.

"Pumayag ka na!"

"Why?"

"K-kasi... isusumbong kita kay Tita! Hindi ka nakiki-cooperate!" I almost chuckled with her answer, is she for real? Umiling na lang ako.

"Fine, let's have a lunch date. Be ready at 12PM." At tinapos ko na ang tawag bago pa man siya makapagsalita.

Naging mabilis ang oras, naligo na rin ako at nagbihis sa isang kaswal na suot, simpleng white v-neck shirt at dark blue shortpants ang suot ko, matapos iyon ay napatingin ako sa buhok ko at biglang naalala ang sinabi ni Eral sa akin kahapon. Nagkibit balikat ako at agad na inayos ito.

Matapos iyon ay nagpabango na rin ako, kinuha ko na ang susi ng kotse ko sa sabitan at mabilis na naglakad palabas ng kwarto ko.

"You have a photoshoot today?" Napatingin ako kay Papa at saka umiling.

"Date."

Tumaas ang isang kilay niya at halatang nagulat siya, ngumiti siya at agad na tinapik ang balikat ko, "go for it son." He encouraged with a smile.

I nodded and stormed off of the house, dumiretso ako sa garahe saka sumakay sa kotse ko, minaneho ko ito palabas ng bahay at nang nasa kalsada na ay mabilis ko itong pinaharurot, tumigil ako sa harap ng bahay nina Eral, bumusina ako at naghintay ng halos limang minuto bago lumabas si Eral.

Naglakad siya palapit sa akin at mula sa tinted na bintana ay pinagmasdan ko siya, she was wearing a dark red dress an inch above the knee, the dress perfectly emphasized her curves, she looked elegant, she had the red lips that made me crave, and that wavy hair that I want to caress. Bumalik ako sa huwisyo nang kumatok siya sa bintana.

Agad ko namang binuksan ang passenger's seat door, pumasok na si Eral saka tumingin sa akin, "if you are not a jerk say something."

"I'm not a jerk."

She sighed, "hindi ka lang jerk, manhid at insensitive pa." She pouted and rested her head on the back of the car, "sa Deluxé Restaurant tayo, isang italian cuisine resto."

Tumango ako at agad na nagmaneho, nang nasa restaurant na kami ay pinark ko ang kotse sa parking lot nito, lumabas na ako at saka tumingin kay Eral, "if you plan to stay in the car just tell me."

"Ay wow, gentleman." Sarkastikong sabi niya saka lumabas na sa kotse, "is this even a date? Grabe wala ka man lang romantic bones! Hindi mo man lang ako magawang pagbuksan ng pinto!"

"Sino ba ang nagpilit na makipag-date sa akin?" Nagkibit balikat ako sabay sara sa kotse, tinuro ni Eral ang sarili niya at nagbuntong hininga ng malakas.

A Frozen Man's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon