Kabanata 4

34.1K 992 101
                                    

Sa gitna ng pagtulog ko ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya nagising ako, agad ko namang kinuha ang phone ko at tinignan ang screen nito, tumatawag si Manager Ris, siya ang may ari ng Calflex Studio kung saan ako nagmomodelo.

"Ice, this might be sudden but you need to go to Tagaytay, you will have a photoshoot there today." Biglang saad ni Manager Ris.

"Why so sudden?"

"May lagnat si Jasper, siya dapat ang pupunta sa resort sa Tagaytay. You need to replace him. Take his place. Sagot ko na lahat ng bayad, may na-rent na rin akong cottage para sa yo at para sa bagong photographer natin at assistant niya."

"Okay, saan sa Tagaytay, Manager Ris?"

"Leaflet Resort." Sagot nito, "pack your things, make sure to bring floral pants, beach clothes, and such things related to the beach and stuffs, sorry to rush you but you need to do it now, since may kotse ka sa iyo na rin sasama ang bagong photographer natin, make sure to be in Tagaytay before 10AM." Walang tigil sa saad ni Manager. "Oh, and she said that she knows where you live kaya naman pupuntahan ka na lang ng photographer natin."

Matapos iyon ay binabaan na ako ni Manager Ris, bumuntong hininga ako at agad na nilabas ang mga damit na maaaring pangdagat like trunks for swimming, floral shorts, kumuha na rin ako ng shades just to make sure, matapos iyon ay agad akong naligo, mabilis lang naman, matapos iyon ay pinulupot ko ang twalya sa baba ng bewang ko at agad na naglakad palabas ng banyo ng kwarto ko, nagulat ako dahil agad kong nakita si Eral na kasalukuyang nakaupo sa kama ko.

"What are you doing here?"

Tumingin sa akin si Eral at agad na tinakpan ang mata, "bakit ka nakahubad?!"

"I am not. My tuwalya naman." Ngumisi ako, "apektado?"

"Hindi!" Agad niyang tinanggal ang pagkatakip sa mata, "see?" Namumulang saad nito habang nakatingin sa akin, saktong iyon ay nahulog ang tuwalya ko.

"Shit." Mabilis kong tinakpan ang pagkalalake ko sa kanya sabay pulot sa tuwalya, mas lalo namang namula si Eral.

"You are doing it on purpose, aren't you?" She accused.

"Of course not! Sino ba kasi nagbigay ng pahintulot sa yo na pumasok sa kwarto ko?"

"Well you could have locked the door para hindi ako makapasok!" She whined.

"Why should I lock it? Hindi ako nagpapasok ng iba dito, walang papasok dito, unless it is you." I frowned.

She sighed. "That's cool."

"Ano pala ang ginagawa mo dito?" Tugon ko at naglakad papuntang walk-in closet.

"I'm your photographer! Wow, what a coincidence! It is my first job dito sa Pinas and you are going to be part of my masterpiece!" She smiled as if forgetting that she just saw my manhood. "Naghihintay pala sa baba si Reina, she's my assistant for now. At ako na nagtupi ng mga damit mo habang hinihintay ka sa matagal mong paliligo, bakit pala ang tagal mong maligo? Hmm. And oh, nilagay ko na mga gamit mo sa travel bag mo." Saad niya sabay turo sa bag na nasa tabi niya.

Kumuha na ako ng mga damit ko sa walk-in closet at nagbihis na, lumabas na ako sa walk-in closet at kinuha ko ang susi ng kotse ko sa sabitan, "let's go."

"Wait!"

"What now, Eral? We are losing time."

"You should fix your hair," saad niya, "wait, let me." Lumapit siya sa akin at agad na inayos ang magulong buhok ko, "that is better, if you keep a granny hair mas bagay sa iyo ang style na yan."

"What is the point of fixing my hair? Magugulo lang rin naman ito later."

"Your hair is like your life, you fix it and everything will be fine, but not for long because it will be ruined as time passes, so fix it again." Ngumiti siya sa akin.

Hindi na ako umimik pa at lumabas na sa kwarto ko, kumatok ako sa kwarto nina Mama at Papa, bumukas ang pinto at bumungad si Mama, "where are you going?"

"Photoshoot in Tagaytay, Eral will be my photographer."

Tumango si Mama at agad na tumingin kay Eral, "Flemeral!" Nakipagbeso siya kay Eral, "if my son does not cooperate, call me."

"I will do that Tita." She smiled. "Pupunta na kami, Tita." Pagpaalam niya, tumango naman si Mama at agad kaming bumaba, sa mismong porch ng bahay ay nakita ko ang assistant ni Eral na tinawag niyang Reina.

"Reina, let's go." Sabi ni Eral, tumungo kami sa kotse kong nakapark sa garahe at agad na sumakay, inunahan ni Reina si Eral sa tabi ko kaya naman walang nagawa si Eral kundi umupo sa likod ng kotse katabi ng mga cameras at lightings.

"Reina, right?" Walang emosyong tanong ko sa katabi ko, ngumiti siya sa akin at tumango.

"Reina Fiore. Bakit... Ice?"

"Turn the radio on."

Tumango ito at agad na binuksan ang radio, agad namang tumugtog ang kanta ni Troye Sivan na Youth, tumingin ako sa rearview mirror at nakita si Eral na nakasimangot.

"Is something wrong, Eral?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti, "wala naman."

I shrugged and just focused on driving, "I-Ice, mas gwapo ka pala sa personal." Manghang sabi ni Reina, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Eral.

Tumango lang ako.

"I like your hair." Reina complimented.

I nodded.

"Pinakulay mo?"

"Obviously."

Eral snorted at Reina who flushed, she seems to be embarrassed, hindi na siya nagsalita pa. Good. Nakikinig ako sa music e.

"Ice, alam mo bang bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo?" Tumawa si Eral, tumaas ang isang kilay ko.

"Why?"

"Kasi ang cold mo, kasing lamig mo ang yelo." Tumingin siya kay Reina, "naku Reina, pasensya ka na kay Ice, ganyan talaga yan." Ngumiti lang si Reina at agad na tumingin sa tanawin sa bintana.

"So you are comparing me to an ice?"

"Yes, you are as cold as an ice." Sagot ni Eral, "and I will melt you."

"Are you giving me a threat, Eral?"

"No, Ice. I'm informing you." She smiled as she plug her earphones on her ears.

"Tsk."

A Frozen Man's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon