Kabanata 10

30.7K 761 58
                                    

Sa gitna ng pagtitig ko sa kisame ng kwarto ko ay biglang tumunog ang cellphone ko, mabilis ko namang kinuha ito at nakita na tumatawag si Kuya Cloud sa akin, "bakit ka tumawag, Kuya?"

"Ginamit mo raw ang baby ko? Damn you, Ice! You know hindi ko pinapagamit ang babies ko sa kung sino man!"

"You mean your car? Uh, I have a good excuse Kuya. Kung iyon lang ang rason ng pagtawag mo sa akin then wow Kuya, that is really great." Sarkastikong saad ko.

"Of course not li'l bro, tumawag din ako para mangumusta. So kumusta?" Tumawa si Kuya Cloud. Umiling na lang ako.

"Ayos lang naman ako, Kuya. How about you? Sana naisip mo na nasa tamang taon ka na at dapat sa mga oras na ito ay ikaw na ang nagha-handle sa negosyo ni Papa." Ngumisi ako, gustong gusto ko talagang inisin ang kapatid ko. Hindi naman sa magkaaway kami, ganito lang talaga kami maglambingan.

"Fuck off, bro. I still have one year na palugit ni Papa saka maghahati tayo ng responsibilidad, alam mo iyan."

"So saan kang dako ng bansa naroroon naman ngayon?" I changed topic.

"Alta Rio, I have a feeling that I will find her here." Saad nito. He is really obsessed with a girl who loves the chase, umiling na lang ako.

"Halos isang taon mo na siyang hinahanap Kuya, what if ayaw niyang magpahanap? You should stop. Marami pang babae dyan."

"She is the only woman to me." Mariing sagot ni Kuya, "bye bro, tell Mom and Dad that I missed them." Bigla niyang binaba ang tawag, umiling na lang ako.

Nagbuntong hininga ako, pinikit ko ang aking mga mata nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Ice Apolonio de Mayor!"

Agad akong tumayo nang may sumigaw, it was Eral. Nakasuot siya ng formal dress at nakangiti sa akin, "please drive me to St. Paul Cathedral!"

Kumunot ang noo ko, "for what?"

"I am hired as one of the wedding photographers at malayo ang simbahan at kung magtataxi pa ako ay for sure malaki ang babayaran ko saka mahirap ang commute at for sure kapag nakarating na ako sa simbahan ay patapos na ang wedding, please drive me."

"Hindi ako ang driver mo, Eral." I scowled.

"Obviously, not unless you want me to hire you." Ngumiti siya, "pretty please?"

Pumasok siya sa kwarto ko without asking for my permission, "just buy your own car."

"May kotse naman ako kasu naiwan sa Vancouver." She smiled, "or just let me borrow your car kung ayaw mo."

Bigla kong naalala ang ginawa niya sa Bugatti Veyron ni Aisaia. Mabilis akong kinilabutan. "No thanks."

"Ice, go drive Flemeral. Is that how a gentleman acts?" Biglang sulpot ni Papa, nagbuntong hininga ako.

"I am tired." I whined.

"Wait, what happened to your lips?" Kumunot ang noo ni Papa saka lumapit sa akin para suriin ang labi ko, "you got in a fight, didn't you?" He raised one eyebrow, ayaw sa lahat ni Papa ang nalalaman na nakikipagbasag ulo ang kanyang dalawang anak, lumunok ako at tumingin kay Eral na ngumisi sa akin.

"Actually Tito, he got it in a fight..." sinamaan ko ng tingin si Eral, sinamaan din naman ako ni Papa ng tingin, "he got in a fight to save me." She smiled slyly.

Biglang nawala ang sama ng tingin ni Papa sa akin at saka mabilis na tumango, "a fight for good cause, I see. Well done, son." Tinapik niya ang balikat ko at bumulong, "get changed, you don't want to drive Flemeral with only your boxer." Then he went out of my room, leaving me with Eral's company.

Doon ko napansin na boxer nga lang pala ang suot ko, hindi ko alam pero parang komportable ako na hindi nakasuot ng damit sa harap ni Eral, walang awkward sa aming dalawa, maybe because we have an intimate relationship. With no attachment. No strings attached.

"Magbibihis lang ako."

She nodded, pumasok na ako sa walk-in closet ko at saka naghanap ng decent attire, isang three-fourth dark green shirt at pantalon ang sinuot ko, matapos iyon ay lumabas na ako, nakita ko naman si Eral na nakahiga sa kama ko at tila ba inaamoy ang unan.

"Ano ang ginagawa mo?"

"I'm breathing your scent..." she dreamily sighed, agad siyang bumangon habang namumula nang napagtantong ako pala ito, "a-ano... inaantok ako!"

Ngumisi ako, "really?" Lumapit ako sa kanya, "you know you are a bad liar, right?" I whispered in a deep and husky voice.

She gulped. "T-Tara na." Nauna na siyang lumabas sa kwarto ko, sumunod naman ako habang nakangisi pa rin.

Sumakay na kami sa kotse ko at agad akong nagmaneho, habang nasa kalsada ay nagnanakaw ako minsan ng tingin sa kanya, tahimik kaming dalawa sa buong biyahe, isang oras makalipas at narating na namin ang simbahan, tulad ng inaasahan ay maraming tao sa labas, mga bestman, maid of honor, ring bearer, at kung ano ano pa ang nakikita ko, seems like the bride is a little late kaya di pa nagsisimula ang entourage, saka lang naman magsisimula kapag dumating na siya.

I parked my car to a vacant space in the parking lot at bumaba na, si Eral naman ay binitbit ang spare lens ng DSLR niya at camera mismo, "you can come with me inside the church."

"I'd rather wait here." Sagot ko.

"Sige na, sumama ka na. You will get bored if you stay here, sa loob ng simbahan kikiligin ka pa sa kasal."

I shrugged and nodded, sinara ko ang kotse ko at sumama kay Eral, sa entrada sa gilid ng simbahan kami pumasok at hindi sa harap nito mismo dahil nakasara ang pinto nito, saka lang bubukas kapag magsisimula na ang entourage, nakita ko ang groom na nasa harap ng altar at halatang naghihintay, marami na ring mga nakaupo sa mga silya na halatang mga naimbitahan ng kasal.

"Wait here." Utos ni Eral sa akin, tumango naman ako at umupo sa pinakagilid at dulong upuan ng simbahan, iniwan ni Eral ang ibang equipments niya sa tabi ko at dinala lang ang DSLR niya saka siya umalis at tumungo sa mga kapwa photographers para sumama.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto ng simbahan at nagsimulang tumugtog ang musika. Nagsimulang maglakad by partners ang mga nakita namin kanina sa labas ng simbahan. So the bride has arrived, huh?

Sa kahuli hulian ng prusisyon ay naglakad ang ikakasal, kumunot ang noo ko nang napansing parang pamilyar ito, nang mamukhaan ko ang bride sa see thru veil nito na nakatakip sa kanyang mukha ay napatayo ako, tila ba bumalik lahat ng sakit, sinaktan niya ako at nagpabuntis siya sa pinsan ni Aisaia, tapos sa ibang lalake siya ikakasal at hindi sa mismong bumuntis sa kanya, huh?

Kumuyom ang kamao ko. Ibang klaseng babae. Humugot ako ng malalim na hininga, damn that woman.

Lessandra...

A Frozen Man's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon