Chapter 4: Lab Partner

8.6K 201 4
                                    

Chapter 4: Lab Partner

[Erisa's POV]

Hmmm, Lab partner kami ni Mr. Snob. Yun na ang tawag ko sa kaniya mula ngayon. nag discuss lang ng kaunti si Sir, then he let us be with our partners.

"Hi" Sabi ko kay Mr. Snob with a smile

"Hey" napaka serious naman ng tone ng voice niya.

"umh, ikaw na bahala sa mga mahihirap na parts ah. hindi naman kasi ako ganoon ka talino o kagaling jan eh." at sa expression niya mukang nabigla ata. totoo naman kasi, average lang IQ ko. well, above average na nga sige! pero hindi talaga ako ganoon ka talino o kagaling when it comes to experiments. may kakambal akong kamalasan pag dating sa mga ganyan.

Naalala ko tuloy nung 5th grade, ako yung may kasalanan kung bakit imbis na volcano ang labas nung project eh naging fountain of bubbles. buti na lang at mabait yung prof, na amaze pa siya at pinuri ako. kung alam ko lang, takot lang yun kay papa *Let out a tongue*

pero si Mr. Snob mukang matalino at marunong sa chemistry. dami niyang books about science and chem eh at mukang mahilig siyang mag read talaga. sabi nila pag mahilig magbasa ang isang tao at naka glasses, MATALINO. totoo kaya yun?

"sinong niloko mo?" nabigla ako sa sagot niya sa akin.

"totoo naman eh, hindi ako ganoon kahusay jan"

"isa sa Top 10 sa school? yeah right." biglang lingon niya sa other side para kunin yung mga gamit. hindi lang pala siya snob, masungit pa. Eh kasalanan ko ba kung Isa ako sa Top 10? masipag lang po ako! binabawi ko na yung sinabi ko na cute siya! >___<

"ano tutulala ka nalang ba d'yan?" sambit niya with a cold voice.

"sorry" bakit ang cold cold naman niya bigla. wala naman akong ginagawa sa kanya ah. kinuha ko yung beaker na inabot niya.

Then we started the small experiment. ayun dahil natatakot akong magka mali, actually hindi naman talaga ako natatakot magka mali. nahihiya akong magka mali sa harapan niya. why kaya? weird. hinayaan ko nalang siya at sinusunod kung ano man ipaabot niya. pero super into it talaga tong lalaking 'to, akalain mo naka mask pa siya eh kahit walang mask matatapos naman namin yung experiment. siniseryoso ata. napangiti ako, ang cute niya.

"ansabi ko stirring rod, thermometer to eh. ayun po goddess oh." inis na sabi niya sabay turo dun sa stirring rod. binabawi ko na uli, HINDI SIYA CUTE! naasar ako nung tinawagan niya akong goddess. pati ba naman siya? HMP!

"Ayan na stirring rod mo!" konti na lang ay ihampas ko yung stirring rod sa pagmumukha niya, buti hindi nahagip yung glasses niya nung inurong ko yung angulo ng pagbigay ko. alam ko naman na nagka mali ako pero hindi naman dapat siya mainis ng ganoon.

"SALAMAT" inis na sagot niya at biglang hablot dun sa rod.

"WALANG ANO MAN PO!" napalakas ata yung pagkasabi ko, napatingin yung prof. napayuko tuloy ako, ihhhh! kainis ka Horiento!!!

At natapos na din ang masalimuot na 1st chemistry experiment na yon. walang usapan na naganap between me and him. after mag paalam ni Sir, dali daling lumabas si Adriel ng room. weird ng guy na yun, pero inis pa din talaga ako sa kanya. super sunget, super mean at super snob! 1st time ko naka meet ng guy na tulad niya.

[Adriel's POV]

Dali dali akong lumabas ng chem lab. shet ang hirap iwasan ng scent niya. naka mask na ako pero amoy ko pa din, lumabas tuloy mga pangil ko buti naka mask ako at hindi niya kita. uminit tuloy dugo ko at hindi napigilan yung inis. naibunton ko tuloy sa kaniya kahit hindi naman talaga niya kasalanan. yung dugo lang niya >___<!!!

hindi naman mabilis mawala yung pasensya ko eh. alam ko naman na nagkamali lang siya. Gusto ko lang talaga matapos agad kaya ayun nakagalitan ko siya. at mukang nagalit siya sa akin. napasigaw pa siya.

pa uwi na ako sa amin at hindi ko na din gaano inisip yung tungkol sa kanina. wala din naman mangyayari. mas maganda na siguro kung magalit na lang siya sa akin para layuan niya ako.

pag uwi ko ng apartment, may black suited na guy, parang men in black ang dating na nasa harapan ng pinto ng apartment namin. pero hindi naman siya kumakatok. nung pa lapit na ako sa kanya, napansin niya at biglang humarap sa akin.

"Are you Adriel Horiento?" tanung nung malaking mama.

"Yep, may kailangan po ba kayo?"

"Nothing, just confirming something." huh? ano daw? confirming what?

"until we meet again." at umalis na siya. weird naman nun. naka men in black outfit pa. at bigla akong na pa isip. OH SHIT?! may naka alam na kaya ng sikreto ko?! O___O baka MEN IN BLACK NGA YON! WAG NAMAN! pero alam ko alien yung habol ng mga men in black hindi ba? ehhhh Half vampire and half human naman ako. hindi naman ako half alien! kinakabahan tuloy ako, kailangan kong mag doble ingat. nasa alanganin pa naman yung identity ko ngayon dahil nga ang lapit-lapit lang sa akin ni Miss Goddess pag nasa school... this is madness!

pumasok na ako ng apartment at inilapag yung bag sa silya. wala pa si Mama, mukang duon nanaman siya matutulog sa work place nila. hindi ako gutom kaya deretso higaan na. pagod na pagod ako at antok na antok. kailangan kong mag-ipon ng lakas para bukas. "sorry Erisa..." bulong ko bago tuluyang naka tulog.

[Erisa's POV]

I'm on my room's veranda watching the moonlight. it was so beautiful tapos andami pang stars. someone once told me, yung daw pumanaw na mahal mo sa buhay. They were reborn as stars. kaya nga masaya talaga ako na pinagmamasdan yung mga stars lalo na pag super bright ng moon. I always think na nandoon si Mama at binabantayan ako. I really miss her a lot.

kung buhay pa siya hanggang ngayon panigurado pinaguusapan namin si Adriel Horiento at ang kasungitan nito. mahilig kasi akong magkwento kay Mama ng mga pangyayari sa school and the only interesting thing happened today was meeting that snobbish, cold and mean boy.

After awhile nag decide na din akong matulog, medyo antok na din. bago ako tuluyang naka tulog, na isip ko muli si Mr. Snob and his DORKY glass. I smiled then totally fell asleep.

The Vampire and The GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon