Chapter 16: A nasty Volleyball game

5.7K 118 0
                                    

Chapter 16: A nasty Volleyball game

[Adriel’s POV]

“Big brother!” what the?!

“ang cute niya! Bakit hindi mo sinasabi na may kapatid ka pala?” tanong ni miss goddess

“hindi ko din alam na may kapatid ako” pilit parin ang pagyakap niya sa akin. Odd though, her smell is different.

“hello what’s your name?” lapit ni Cleo sakanya

Nagtago siya sa likod ko “Ca-Caelen”

“ang cute naman ng name mo, can you understand tagalog?” tanong muli ni Cleo, tumango lang siya.

“ohmy! Ang cute talaga niya! Sigurado ka ba na kapatid mo ‘to” sabay turo sa akin ni Erisa “hindi kayo magkamukha, ikaw anghel, siya demonyo” she let out a tongue, tsk! Sumosobra na ‘to ah!

“are you alone?” tanong ni Erisa at lalo pa siyang sumiksik sa akin “onii-chan” higpit na hawak niya sa dulo ng shirt ko.

“hindi mo ba talaga siya kilala Adriel?” tanong ni Drake

“hindi eh” hinimas ko yung ulo niya, I don’t know pero magaan ang loob ko sakanya.

“mukhang wala siyang kasama, should we take her with us?” mungkahi ni Cleo.

“Cleo’s right we should take her with us” sabi ni Erisa, tumingin ako sakanya at nakangiti siya sa akin.

“she’s a vampire” bulong sa akin ni Aron, hindi na ako nabigla dahil may hinuha narin ako. She smells different. Pero hindi siya half vampire, iba ang amoy niya sa amin but there are similarities. Is she a pureblood? Anak ba siya ng ama ko? but I’m not yet sure kung buhay pa nga ang aking ama, wala pa naman balita about sakanya, matawagan nga si Mr. Smith mamaya. Plus she seems fine kahit napapalibutan siya ng mga tao.

Pasakay na kami ng sasakyan “Adriel, dito nalang siya sa amin sumakay” yaya ni Cleo. Pero hinigpitan niya ang hawak sa akin.

“dito nalang siya sa aming mga lalake, tutal mukang gusto niyang makasama ang kuya niya ng sobra eh” sambit ni Aron.

“Ingatan niyo siya ha” sabi ni Erisa

“wala ka bang tiwala sa amin?”

“sayo wala”

“ang sama mo talaga miss goddess”

“tse! Tara na nga Cleo” at pumasok na sila sa sasakyan. Pumasok narin kami.

“wala ka ba talagang kasamang pumunta rito?” umiling lang siya sa tanong ko. papaano kaya nakapunta ng airport ang batang ‘to? Wala pa naman siyang kagamit gamit.

Nasa likod kami ngayon ng sasakyan kasama si Drake at Aron, nasa harapan naman yung Dean na kapatid raw ni Cleo, kasama yung driver. Masama yung pakiramdam ko sa Dean na ‘to. Iba kasi yung amoy niya. Isa siya sa mga dirty blood at mukhang malapit sila ni Erisa.

Napansin kong nakatulog na pala si Caelan sa lap ko. she has a cute sleeping face like miss goddess. Kapatid ko ba talaga siya? Kung totoo nga, paano niya ako nakilala? And she said she finally found me, hinahanap niya ako for how long?

Nakarating nakami sa villa, malaki yung lugar at ang ganda ng view. Tanaw ang buong dagat. Inimpake nina Aron ang mga gamit habang karga karga ko si Caelen. Mukang pagod na pagod siya, hanggang ngayon mahimbing parin ang tulog niya.

“Adriel, tara sumama ka sa akin, I’ll show you where you can lay her” yaya ni Ayra

“salamat” at sumunod na ako sakanya

The Vampire and The GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon