Chapter 15: A visit, A beach party and A little sister?

6.2K 126 2
                                    

Chapter 15: A visit, A beach party and A little sister?

[Adriel’s POV]

Gumising ako ng maaga nung araw na yon, hindi para pumasok sa school. Mag dadalawang araw na pala akong hindi pumapasok. Naririto ako ngayon sa bahay ni mama, ewan ko lang kung forever na ba kaming dito titira o pansamantala lang.

Naligo na ako at nagbihis tapos ay bumaba na para kumain. Ng pagkarating ko sa may dining hall, nakita ko na naroon na sina mama at mr. Smith. “kumain ka na rito Addy” sabi ni mama, umupo na ako at nagsimulang kumain. We all kept silent.

Pagkatapos kumain ay lumabas na kami ng bahay at sumakay sa isang magarang kotse, pagmamay-ari raw ng pamilya. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating narin kami sa Philippine’s memorial cemetery. We’re here to visit my real mother. pagkarating sa puntod niya ay may nakita akong mga bulaklak, I think they were daisies. maybe from one of her friends. I laid the flowers I brought next to them.

Tama, naririto kami upang bisitahin ang tunay kong ina. Mom said, she died giving birth to me. Ngayon alam ko na kung bakit walang gaanong alam si mama tungkol sa tatay ko. hindi pala niya ito ganoon kakilala.

Tutol daw sina lolo at lola sa relasyon ng tunay kong ina at ang bampira kong tatay kaya raw malungkot ang aking ina nung kinuhanan yung larawan na nakasabit sa may dining hall. Pero ipinaglaban parin daw nila ang pag-iibigan nila.

Nagtanan daw ang dalawa, hindi pa noon alam ni mama na bampira ang ama ko, hindi raw sinabi sakanya ng tunay kong ina. Hindi niya raw nakakausap ang tunay kong ina sa loob ng limang taon. Nakausap lang niya muli ito nung nabalitaan ng tunay kong ina na namatay sa isang aksidente sina lolo at lola.

Nalaman ni mama na buntis na pala noon sa akin ang aking ina. Sinabi niya na nakatira lang sila sa isang hotel dahil tutol rin ang pamilya ng tatay ko sa relasyon nila. Kaya mungkahi ni mama na manatili na muna sila sa mansion. Nalaman din niya na bampira ang ama ko. nung una hindi siya pumayag pero ipinaintindi ng aking ina na hindi naman raw masama ang aking ama.

Sabi ni mama, nakasama nila ang aking ama ng tatlong buwan pero umalis din raw ito sa mansion para asikasuhin ang mga bagay bagay sa kanila. Mayaman din raw ang angkan ng aking ama at itinatago nila ang tungkol sa pagbubuntis dahil isa raw kasalanan ang magsalin ng lahi sa isang ordinaryong tao.

Kapag raw nalaman nila ay ipapapatay nila ang bata at ang babaeng nagdadala nito. Dumaan ang anim na buwan at handa na akong isilang ng aking ina. Dumating ang aking ama sa araw na iyon, nakita ni mama na duguan siya.

Ang sabi raw ng aking ama ay nalaman daw ng kaniyang kapatid ang itinatagong lihim, kaya daw hindi siya agad nakabalik dahil ikinulong raw ito at pinarusahan. Buti raw ay nakatakas siya. And the time came for my real mom to deliver me, hindi niya kinaya ang pagbubuntis. She died…

Nagkulang raw siya ng dugo. Ganoon pala ang ngyayari kapag ang isang normal na tao ay nagsilang ng isang bampira. Alam naman daw ng aking ina ang mga posibleng mangyari kapag ipinagpatuloy ang pagbubuntis pero itinuloy parin niya yuon. She just took the risk, hindi siya napigilan ng dalawa para hindi ituloy ang pagbubuntis. Ganoon daw ako kamahal ng aking ina. She gave her life for me to live.

Tapos ako hinihiling ko pa na sana I never existed. I’m so ashamed of myself. I should be rejoicing it. My real mother sacrificed her life for my life.

Nagsinungaling raw si mama na iniwan kami ng aking ama upang magalit daw ako sakanya at hindi ko siya hanapin dahil yun daw ang hiling ng aking ama. Para daw malayo ako sa panganib. Ganoon din ang dahilan kung bakit itinago niya ang tungkol sa tunay kong ina at yung about sa pagiging mayaman niya ay dahil natatakot raw siya na baka hanapin kami ng mga angkan ng aking ama. It’s a disguise kung baga.

The Vampire and The GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon