Chapter 13: truth or lies?

5.2K 120 0
                                    

Chapter 13: truth or lies?

“bakit mo ako pinadukot?!” sabi na nga ba bad news ‘tong men in black na ‘to.

“hindi kita pinadukot, pinasundo kita. nagkamali lang ng dinig ang mga bata ko.”

Seriously? =___= “dapat magpalit ka na ng mga tauhan”

“ou nga eh, kaso kulang sa budget” na pa bugtong hininga siya.

“eh bakit nilagay mo ako sa madilim na kwarto? Parang kidnap talaga ang dating”

“pagpasensyahan mo na, nagkamali nanaman yung isa kong tauhan, sabi ko sa guest room hindi sa spare room. Kaya hinahanap kita kagabi pa, dito ka pala niya dinala”

What the?! “seriously, you need to change your men” kumusta na kaya si mama, kailangan ko siyang sabihan. Panigurado hinahanap ako nuon. kinapa ko yung bulsa ko and luckily andito pa ang phone ko. so hindi nga talaga ako dinukot or nakalimutan lang icheck ang pocket ko? tinignan ko yung cp pero lowbat na “nga pala Mr. black(men in black haha) pwede ba akong manghiram ng telepono? Lowbat kasi ako, tatawagan ko lang sana ang mama ko”

“you can call me mr. Smith or Smith nalang kung gusto mo”

“okay mr. Smith” parang mafia boss. “pahiram naman ng telepono o kahit ano na pwedeng gamitin pantawag”

“bago yan  master, kumain ka muna” ano daw? Master? Isa pa atang nababaliw ‘to katulad ni Aron.

“kailangan ko ng umalis, baka kasi hinahanap na ‘ko ni mama. Nagwoworry na rin ako sakanya”

“wag kang mag alala master, she’s safe”

“WAIT?! Kinidnap niyo rin ba siya?!”

“bakit ko naman siya kikidnapin master? Siya nga ang nagpasundo sa iyo”

“ehhhh?!”

-tok tok tok-

“pasok” sabi ni mr. Smith

May pumasok na naka men in black outfit rin, siguro isa ‘to sa mga tauhan niya. Baka ‘to yung nagtapon saken rito! Masapak nga mamaya! Kakainit ng ulo.

“boss anjan na po ang senyora”

Napatingin muli sa akin si mr. Smith “tara na, anjan na siya”

“sinong siya? senyora? Siya ba yung master mind?”

“malalaman mo rin master” at bumaba na kami, WOW anlaki pala netong bahay! Parang mansion katulad nung kina Cleo, tapos pinatulog ako sa spare room, grabe lang.

Papunta na kami sa main hall at may familiar face na sumalubong sa amin “Addy!”

“ma?!” si mama nga! “ma ano ginagawa mo rito?” ngayon nalilito na talaga ako.

“maiwan ko na po kayo senyora” sabi ni mr. Smith

“salamat Marco” at nag bow si mr. smith kay mama. WTH is happening here?!

“siguro gulat na gulat ka sa mga pangyayare, maupo ka muna. Kumain ka na ba?” umiling ako, napansin ko hapon na pala.

“paghahanda muna kita ng makakain” imbis na naupo, sinundan ko si mama kung saan siya papunta. Mukang alam niya ang pasikot sikot rito. Wait, don’t tell me?!

“ma, kanino ba bahay ‘to? Bigay sa inyo nung Marquez?” yun lang ang pinaka reasonable na answer sa lahat ng ‘to, At baka yung mr. Smith na yun eh tauhan nila miss goddess. Sabi na eh, pinapasundan niya ako! Wait, pero tinawag niya kong master? Agggh! Sakit sa ulo naman ‘to!

The Vampire and The GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon