Chapter 20: I’m not the antagonist in your story
[Adriel’s POV]
Higit pa sa buhay ko, dahell it’s not just a dream. How did I not see it coming? A human and a vampire can never be together.
Mali si Aron, hindi talaga pwedeng mag exist ang pagmamahalan between a Human and a Vampire. The human will always be at risk. Pinairal ko kasi ang nararamdaman ng puso ko. I should have never gotten too close with her. Now her life is in danger.
‘if you want to save her you have to leave her… brother’
“paki-abot naman yung stirring rod”
“hmmm?”
“ang sabi ko paki-abot nung stirring rod” itinuro niya sa akin kung nasaan iyon.
“ahh, sorry”
“something wrong Horiento?” tanong niya sa akin. Inabot ko na yung stirring rod sakaniya at hindi na muli siya pinansin. Alam kong inis na inis na siya sa akin dahil sa pag-iwas ko sakan’ya but she keeps on accepting everything. Hindi niya ako kinakagalitan. Hindi niya pinapakita na inis na inis na siya.
Natapos na yung chem. Lab at pinack ko na yung mga gamit ko. I’m ready to leave the classroom.
“wait lang Adriel” pigil niya sa akin “nasabi sa akin ni Fraust na dinalaw mo raw si Caelen sa kanila, buti naman. Gustong gusto kang makita ng bata. Salamat”
“bakit ka nagpapasalamat? Hindi ko yun ginawa para sayo. Ginawa ko yun para sakan’ya” I saw her feeling hurt on what I said pero she still put up a smile “thank you pa din. Pinasaya mo siya”
Hindi na ako sumagot at iniwan siya, tuluyan na akong lumabas ng room pero bago ako makaalis ay lumingon ako para tignan siya. Nakayuko lang siya habang nakatayo. I felt a stab in my heart. Why can’t we be together? I love her so much higit pa sa buhay ko. oh yeah, it’s because I’m a Vampire… and she’s someone I can’t be with.
“kung alam ko lang na may ganoong panaginip ka sana hindi ko na kayo..” naririto kami ngayon ni Aron sa may river bank. Our old spot.
“wala ka naman kasalanan, hindi ko rin alam na magkakatotoo pala iyon. I thought it was just a crazy dream.”
“are you sure he was the guy?”
“yep, his earrings. Ngayon sigurado na ako kung bakit familiar yung hikaw niya. Noong pumunta ako sa bahay nila mas nakita ko iyon ng malapitan. Then he threatened me. If hindi ko nilayuan si Erisa, he will kill her.”
“he’s your brother, why is he doing this to you?”
“I don’t know”
“kung about ito sa vampire laws bakit hindi ako ang una niyang pinagbantaan? Because my relationship with a human is so obvious”
“I think it’s personal, by the way how did it go? Ang pagtatapat mo kay Cleo?”
“at first she didn’t believed me then I showed her my fangs. She got scared that’s expected but she didn’t run. Tapos linapitan niya ako then touched them. ‘you’re real’ she said. Her fear became amusement. Hindi daw siya makapaniwalang bampira ang kasintahan niya. Ayun nagalit raw siya sa akin bakit hindi ko agad ipinagtapat sa kan’ya.”
“sabi ko na sayo dapat mo ng sabihin sakan’ya agad. Pinatagal mo pa”
“I got scared, pero nagkalakas ako ng loob nung nakausap kita sa beach house. Nung gabi na dapat magtatapat ka na kay Erisa about sa pagiging bampira mo. Kung hindi ko lang kayo inistorbo siguro nakapagtapat ka na”
BINABASA MO ANG
The Vampire and The Goddess
VampireMeet Mr. Snob and Ms. Kulet. isang half-vampire at isang tao. si Ms. kulet ang destiny ni Mr. snob at si Mr. snob ang matagal ng hinahanap ni Ms. kulet. There is this dream where the Goddess was killed by a Vampire, can they be together? The Vampir...