Chapter 7: Sweetest Scent?

7.8K 158 0
                                    

Chapter 7: Sweetest Scent?

[Erisa's POV]

Nakarating na ako sa bahay, then I rushed to my room. I dropped my bag at dumeretso na sa malambot kong kama. hanap-hanap ko 'to kanina pa! I'm really blushing non-stop. oh my God what's this feeling?! I grabbed my minion pillow. I was really really really blushing a lot. na feel ko pa nga na super init na talaga ng face ko.

ano ba naman 'to?! ano ba yung ginawa ko kanina?! nakakahiya talaga! hindi ko maalis yung mukha niya sa utak ko and those eyes... tinakpan ko muli ng pillow yung super red face ko. para akong sira, cliché na cliché sa mga romance stories na nababasa ko sa wattpad. This scene, I read it a lot. yung girl uuwi sa bahay at magkukulong sa kwarto niya dahil sa sobrang hiya at sa sobrang kilig? kinikilig ba ako? hindi ako sure pero sure na sure akong nakakahiya yung ginawa ko kanina.

iniisip ko kung ano na ang tingin sa akin ni Mr. Snob. na weirdohan na siguro yun sa akin. no wonder, ang weird talaga ng ginawa ko kanina. para akong nagmamakaawa na tignan yung mga mata niya. actually nagmakaawa nga talaga ako, aish!!! my God Freya ano ba yung ginawa mo?! nakakahiya ka SOBRA! na massacre ko na ata yung salitang "nakakahiya" dahil sa sobrang hiya ko!

[Adriel's POV]

it was really him, Aron Ramirez. it's been so long since we've seen each other. 7 years old lang ata kami noong lumipat sila ng papa niya sa ibang bansa, since then wala na kaming komunikasyon sa bawat isa.

..

"Heto" inabot ni Aron sa akin yung popsicle na binili niya. I remembered this, nung bata kami umuupo kami dito sa may river bank at kumakain ng popsicle while watching the sunset. Ang ganda-ganda talagang pagmasdan ng sunset rito. parang antagal-tagal ko ng hindi ito ginagawa. simula kasi ng lumipat sila ay hindi na ako pumapasyal at tumatambay dito.

"kelan pa kayo bumalik?" tanong ko sa kanya.

"matagal na, 2 years na kami sa pinas" sabi niya habang dinidilaan yung popsicle.

"saan kayo nakatira? kumusta na si tito?" usisa ko habang kinakain rin yung akin.

"Malapit sa school na pinapasukan ko, bumili si papa ng maliit na bahay malapit doon. ayun mahilig pa rin sa night life." sabay kaming napatawa.

"saang school ka ba pumapasok?" tanong ko sa kanya. baka malapit lang, pwede kaming magkita ng madalas.

"sa Imperial Sky Academy"

"EH?!" nagulat ako sa sagot niya.

"hmmm bakit?"

"duon rin ako pumapasok!"

"EH?!" siya naman ngayon ang nagulat. hahaha! akalain mo nga naman. hindi kasi siya naka uniform at ako, inalis ko kanina yung black blazer na may logo ng school namin, ang init-init kasi eh. kaya siguro hindi namin napansin o hindi niya din napansin na parehong eskwelahan lang pala ang pinapasukan namin.

"Hindi kita nakikita sa school" ang sabi niya.

"same here" sabi sa inyo malaki yung school namin eh. Sabay muli kaming tumawa.

"hindi ka talaga mahilig makipag socialize noh Addy. kasi kung ou, alam mong ako yung captain ng basket ball team ng school natin"

"WHAT?! " nabigla ako sa sinabi niya.

"yap" sabay hagis dun sa stick ng popsicle niya.

"ehhhh, pero how can you control it? andaming royal blood sa school, tapos panigurado maraming sumusunod-sunod sayo dahil jan sa pagiging captain mo" oh didn't I mention? may isa pa akong ka kilala na half vampire tulad ko. siya si Aron, pero ang mama niya ang vampire. hindi ko gaanong alam yung storya ng kay Aron, pero alam ko na namatay yung mama niya sa kamay ng isang pureblood.

The Vampire and The GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon