Chapter 5: Same Person
[Erisa's POV]
I woke up early that day, medyo sinisipag akong bumangon ng maaga lately. I went down stairs to take my breakfast at nakita ko si nanay Ising na inahanda na yung table, kasama si ate Mimi yung isa pa naming kasambahay.
"Gising kana pala Risalet, umupo kana at kumain" Risalet from Erisa and kulet, nakakatawa talaga tong si nanay. hindi naman ako makulet ehhh.
"nay asan si papa?"
"umalis na ang papa mo, ang aga-aga nga niyang umalis. doon na raw mag aagahan." napa pout ako.
"napapadalas naman yung pag alis niya ng maaga. rarely ko nalang siyang makasabay mag breakfast." one of the reason kung bakit ako bumabangon ng maaga eh para makasabay si papa ang kaso super aga niyang umalis.
"Hayaan mo na yung papa mo baka busy lang talaga sa trabaho. babawi at babawi rin naman yuon sayo." tama nga si nanay, parati naman siyang bumabawi eh kaya pinagbibigyan ko siya.
tinapos ko na yung breakfast ko and got back upstairs to get ready for school. after 30 minutes natapos din yung every girls ritual though hindi naman ako sobrang nagpapaganda, sakto lang.
bumaba na ako ng stairs "nay aalis na po ako" at tumuloy tuloy nako palabas ng pinto. andoon na si manong Rico our driver.
"mag-ingat ka, Rico ingatan mo yang alaga ko."
"opo" sagot ni manong.
"Manong pwede ba na daan muna tayo kina Cleo."
"sige po Ma'am Freya." sagot ni manong Rico. it only took 15 minutes at nasa harapan na kami ng bahay nina Cleo.
"sandali lang po manong ah. check ko lang if nandito pa siya" bumaba ako ng car at nag doorbell sa gate nila.
"manang Agi ako na po" may narinig akong familiar voice na nagsalita, biglang bumukas yung gate. si Dean pala ang nagbukas ng gate. tagal na rin nung huli ko siyang nakita. bakit kaya andito 'to ngayon? hindi na ba siya nakatira sa condo niya?
"Erisa, anong ginagawa mo rito?" tanong niya
"kahapon kasi hindi pumasok si Cleo, I just wanna check kung nakauwi na ba siya from her trip"
"Ah ou, kakauwi lang niya kagabi galing Bohol. hindi ka ba niya natawagan?" so sa bohol pala namasyal ang dalawa ha.
"hindi eh, baka pagod siguro kaya hindi na nakatawag. andiyan pa ba siya o nakapasok na ng school?"
"Yap, nag brebreakfast. hintayin mo ba?" sabi niya. tumango ako at nag smile.
Pumasok na kami at nakita ko si Cleo na kumakain ng agahan.
"Erisa anong ginagawa mo rito?" sambit niya na may pagkabigla.
"to pick you up."
"to pick me up? why? kumain ka na ba? tara kain muna tayo."
"kumain na ako, salamat. umh, kasi hindi ka pumasok kahapon, kaya I check up on you."
"Ang bait talaga ng bestfriend ko. give me 5 minutes then pasok na tayo." binilisan niya ang pagkain.
"hey take your time, maaga pa naman. baka mabulu-" hindi pa natatapos ang sasabihin ko ay nabulunan na nga siya. napangiti ako.
After niya mag ready lumabas na kami ng house nila. "sorry po manong Rico. natagalan."
"ayos lang po yon Ma'am Freya." at inihatid na kami ni manong Rico sa school
"hey sis, sorry kung hindi ako nakatawag kahapon ah. pagod na pagod kasi ako kagabi kaya ayun higaan agad ang bagsak."
"okay lang yon, just glad you're back." at ngumiti siya.
nakarating na kami sa school at pag dating sa classroom napasulyap ako kung saan naka upo si Mr. Snob. at naroon na siya. Ang aga talagang pumasok neto. biglang napalingon rin sa akin si Mr. Snob. pumula tuloy yung pisngi ko. weird.
"Heeeeeeeyyyyyy GUUUUUYYYYYYYYYS!" sabay kaming tumingin ni Cleo sa likuran.
"Ayra, kung maka tawag talaga WAGAS." sambit ko at napangiti kami ni Cleo. umupo na kaming tatlo at nagkwentuhan about sa adventure ni Cleo sa bohol. Sabi na nga ba kasama niya si Aron. at ayun ang taas-taas ng kilay ni Ayra. pero hindi siya umiimik. hindi kaya may crush lang siya kay Aron? haha. imposible.
"hey, sis. how about you? kumusta summer mo?" tanong ni Cleo sa akin.
"umh wala naman, andoon lang ako sa foundation at tumutulong sa pag aasikaso ng mga bagay roon. ang cucute nga nung mga bata eh." napangiti ako.
"Anghel ka nga mula sa langit. biruin mo nagagawa mong ibigay ang vacation mo sa pagtulong sa kanila. pero baka ganyan din ang gawin ko, I also love helping childrens" sabi ni Cleo.
"Goddess nga siya hindi siya anghel." singit ni Ayra.
"Ay ou nga pala, Miss Goddess." napa smirk pa siya.
"magtigil nga kayo, masaya kaya. nag enjoy nga ako eh." hingil ko. nakakainis talaga dalawang to, pinagtulungan nanaman ako.
"Alam mo kaya siguro hindi mo nahahanap si Mr. right eh, focus ka sa ibang bagay" sabi ni Cleo
"Yah, tara gala tayo this weekend" singit muli ni Ayra.
"Good idea Ayra babes" at nagkasundo talaga ang dalawa.
"mga peste kayo, wag niyo nga pakeelaman ang lovelife ko." inis kong sagot.
"hala, nagtataray si Miss Goddess. o di kaya eh nahanap na niya si Mr. Right at hindi niya pinapaalam sa atin?" si Cleo
"wala noh!" napalakas nanaman yung boses ko at napalingon ako ng kaonti sa likod. baka kasi tumitingin nanaman si Adriel sa amin. At buti naman ay hindi, focus ata sa binabasa niya na kung ano, but I bet it's a science book.
"chill, nag jojoke lang naman ako. hindi ba Ayra?"
"Yap, guilty siguro"
"Precisely" at nagka apiran pa ang dalawa. nakakinis talaga ang dalawang 'to, parati nalang nila akong pinag kakaisahan. HMMMP! napansin nila na naka pout ako at nagtawanan silang dalawa. buti nalang at pumasok na si Prof at tumigil din sila sa kakatawa.
After ng long discussion ni Sir, we took our lunch. as usual sa dating spot. at sanay na ang mga estudyante rito sa amin, parating vacant yung pwesto kung saan kami kumakain nina Cleo and Ayra. though naiinis din ako minsan kasi hindi naman nila kailangan gawin yon. lalo na kapag may nakakasalubong ako na student o professor, most of them nag bobow sila pag nakikita nila ako. nakakahiya, hindi naman nila kailangan gawin yun ehhhh! Hanggang ngayon nahihiya parin ako pag ngyayari yun.
linapag na namin ang mga foodtray sa table. at habang kumakain ay patuloy parin ang pang aalaska ng dalawang 'to sa akin. hindi ko na lang sila pinapansin. tumitingin na lang ako sa mga students na napapadaan habang ako'y kumakain. napansin ata nila na hindi na ako nakikinig sa pang aasar nila at nag-usap nalang sila sa ibang bagay.
Then suddenly may familiar eyes akong nakita, saglit lang pero I'm 100% sure na siya yun. napatayo ako bigla
"Erisa?" napatingin si Cleo sa akin, pero hindi ko siya sinagot at tinungo kung saan papunta yung guy.
"Riiis! saan ka pupunta?!" sigaw ni Ayra, pero hindi ko sila liningon at nagmadaling sundan yung lalake.
lumiko yung guy sa isang school building. at parang nagmamadali siya. lumiko muli at lumiko nanaman. ano ba naman tong lalaking ito. pa liko-liko san kaya siya pupunta? at pag liko ko papuntang GYM kung saan lumiko si Mr. Good looking eyes ay bigla nalang siyang nawala. tumuloy-tuloy ako pero hindi ko na talaga siya nakita, then parang may nasipa akong something, tumingin ako sa bagay na tumama sa paa ko. it was a book. chem book ata 'to. baka nabitawan ni Mr. Good looking eyes. napansin ko din nga kanina na may daladala siya na kung ano. iniscan ko yung book and opened it to check kung sino ang may ari, then I am shocked sa nabasa ko 'Property of Adriel Horiento, paki balik na lang pag nakita ninyo', Si Mr. Snob at Mr. Good looking eyes ay iisa?! O____O
Yung masungit na yon yung guy na hinahanap ko for several days na?! NOOOO WAYYYY! >___<
BINABASA MO ANG
The Vampire and The Goddess
VampireMeet Mr. Snob and Ms. Kulet. isang half-vampire at isang tao. si Ms. kulet ang destiny ni Mr. snob at si Mr. snob ang matagal ng hinahanap ni Ms. kulet. There is this dream where the Goddess was killed by a Vampire, can they be together? The Vampir...