(Jessica's POV)
Ang sarap talagang maglaro. Lalo na pag badminton. Buti nalang, dating varsity ng badminton yung PE teacher namin.
Hay. Ang kulit talaga ng kaibigan ko. (Shoo, Cindy, shoo.) Alam naman niyang nagba-badminton ako eh. Sa mga ganitong pagkakataon talaga, walang iba pang pwedeng mang-istorbo sa akin.
"Eeeh.. Nagugutom na talaga ako eh. Punta muna tayong canteen. Sige na."
"Are you telling me na magka-cut tayo ng klase? At sa PE pa ha?"
"Oo."
"No way."
Sinimangutan ako ni Cindy. "OA ka talaga kahit kailan. Di naman cutting. Kakain lang."
Inirapan ko siya, "Kay Sir Morgan, they're one and the same. Kaya nga pinagsi-CR niya tayo bago yung klase niya, di ba?"
"Jess, please." She's now pulling my sleeves. Oo, kabilaan. "Pag di mo ko sinamahan... uhm.. pupunta ako sa canteen mag-isa."
"Good to hear that."
"Bahala ka na nga."
Nakita ko kasi si Philip doon sa daanan papunta sa canteen. Hindi ko naman talaga siya tinanggihan dahil sa ganado akong maglaro. Ayoko lang talagang makasalubong ng landas yung lalaking yun. Basta, affected pa rin kasi ako eh. Ayoko lang uli maramdaman yung naramdaman ko noon nung kami pa. Ayokong ipagsapalaran yung feelings ko.
Basta. Ang labo kasi ng break-up namin eh. Bigla nalang kaming nawalan ng communication. Tapos yun, kumalat nalang yung balitang nililigawan niya si Leila. Sa sobrang sama ng loob ko noon, pareang nawalan na ako ng ganang pumasok. Yung feeling na lagi nalang akong natatakot na baka makita ko silang magkasama. Takot ako kasi alam ko sa sarili ko na talagang masasaktan ako.
Hindi naman kasi kami yung may typical high school relationships. Nasanay ako noon na siya lagi yung kasama- mula pagpasok, pag break time, saka pag uwian. Ewan ko kung anong nangyari. Nung una, napansin ko na parang medyo nagiging busy siya. Pero di ko naman yun ipinag-aalala dahil nga alam kong mapagkakatiwalaan siya.
Hanggang sa yun nga. He broke up with me. Hindi ko alam kung anong nangyari. Siguro masyado akong naging kampante. O baka nagsawa lang talaga siya.
He didn't even tried to explain kahit na binibigyan ko siya ng chances. Sa tuwing lalapitan ko siya para i-confront, umaalis agad siya. Hanggang sa napansin kong nagmumukha na pala akong tanga. At luminaw yung isip ko at bigla ko nalang naramdaman na ayaw ko siyang makita. Hanggang sa dumating yung point na ako na mismo yung umiiwas sa kanya. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nahirapan sa pag-iwas eh. No sweat. Sa kanya kasi nagsimula yung effort ng pag-iwas.
Di ko talaga siya maintindihan. Masaya naman kami dati eh (Or so I thought).Tapos, bigla nalang nag-end up sa ganun yung lahat. Dati pa naman, sabay kaming nangangarap ni Cindy na pag nasa legal age na kami, magdo-double date kami. Ako, si Philip, si Cindy at Dan. Third year pa kasi kami nung naging crush ni Cindy si Dan Karlo.
Nung nabalitaan yun ng classmates ko, maramin talagang nagalit kina Philip at Leila. But it seems like they didn't mind. Para siguro mapalubag yung loob ko, sinasabi nila na makakahanap pa daw ako ng mas higit pa kay Philip- yung mas gwapo, mas mabait, mas matalino at yung di daw magulo.
But it's ok to play stupid at times.
---------------------------------------------------------------------------------
Someday you'll gonna realize
One day you'll see this through my eyes
But then i won't even be there

BINABASA MO ANG
I'll Stay in Love
Teen FictionCindy: "Hindi naman interesting ang buhay ko. Bahala kayo kung gusto niyong maki-usyoso. Anyway, gusto kong makilala niyo ako. Para masaya. :))"