Entry 8.0

33 4 0
                                        

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Kailangan ko ng motivation. 

PLEASE LANG. Bigyan niyo ako ng gwapong lalaki. Now na.

Sensiya na. Medyo demanding ako ngayon. Nape-pressure kasi ako sa kasabay-cum-friend ko. 12 chapters na siya. Siya na. :p

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Jessica's POV)

Bwahahahaha!!

Ang saya ko ngayon. Bakit?

(Labas po dito yung 'something' namin ni Jom ha.)

Eh kasi.. 

*Pa-susupense ba? Ang eps no?*

PASADO AKO SA UP LOS BAÑOS. Yehey!

Di na ako nagtaka kung bakit hindi ako sa Diliman o Manila pumasa. Aminado naman ako sa sarili ko na academically, hindi talaga ganoon kataas yung level ko. Kaya nga tourism yung pinili kong course eh.

Medyo may tension kanina sa room kasi halos lahat kabado sa kung pumasa ba o hindi. 80% kasi sa amin ay nag-take. Yung 10%, tanggap na wala talaga silang pag-asang pumasa. Yung another 10%, wala lang talagang perang pang-exam.

Sa 80% naman na nag-take, kalahati doon ay nagbakasakali lang na pumasa. At kasama ako doon. Hahaha.

Nagbubunyi ako nung napansin ko na nakapangalumbaba si Cindy habang nakatitig sa papel niya. Kahit tiwala ako sa talino ni Cindy, (consistent honor student ba naman simula elementary) medyo kinabahan din ako sa facial expression niya.

"Bakit?"

Tiningnan niya lang ako ng malungkot. Tapos binigay niya sa akin yung result nung exam niya. Nung tinitingnan ko yun, hindi ko alam kung paano ako magre-react na hindi siya mao-offend.

Yeah right. She failed.

Hindi ko alam kung paano nangyari, pero bagsak talaga siya. Nakita ko nalang na napayuko siya dun sa armchair niya. T.T Malungkot talaga siya. Ang lakas pa ng loob ko na magbunyi kanina.

"Huy.. babae. Ayos ka lang?"

Umayos siya ng tayo sabay pilit na tumango.

Ano ba naman yang tanong ko. Malamang, di ok. Bumagsak nga di ba?

Nung napadaan si Kent galing sa labas, (mukhang nag-CR yata. Whatever.) kinausap niya si Cindy. "Mag-e-MSU na ako."

Kumunot yung noo ni Cindy. "Bakit? Sayang naman. Pinaghirapan mo pang ipasa yung UP."

Nagkibit lang ng balikat si Kent. I saw him frown a little.

Oh. Napasabat tuloy ako sa usapan nila. "You mean... di ka rin nakapasa?"

"Oo eh. Ewan ko ba. Bobo siguro yung nag-check."

"Tangeks. Scanner yun."

"Eh di bobo yung scanner. Problema ba yun." Si Cindy uli yung kinausap niya. "Wag ka na ngang mamroblema diyan. Para kang sira. Naipasa mo naman yung MSU di ba?"

Tumango si Cindy.

"Buti naman. Sasapukin na talaga kung hindi pa rin. Ok lang yan. One of the best schools for BSBA naman ang MSU. Ikaw na rin maysabi."

"Oo na."

Tapos nun, bumalik na rin sa upuan niya si Kent. 

Super close na sila no? Minsan nga, feeling ko, sila na yung mag-best friend. Ang iniisip ko nalang, malamang, since sila yung magiging magka-course, mas lalo din silang magiging close in the future. Wala rin naman akong masabi kay Cindy. She's good at handling her friends.

I'll Stay in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon