(Betty's POV)
Haay. Ayan na. Ano ba yan? First time mag-JS? Maka-react naman itong mga ito.
Bukod sa sayang din yung 500 na magagastos ko, (Hindi ako pulubi ah. Baka kasi isipin niyo na sobrang naghihirap na kami kaya ganito lagi ang eksena sa buhay ko.) alam ko naman na hindi ko ito masyadong mae-enjoy.
Pero kahit ganoon, siyempre, gusto ko pa ring pumunta. Para sa experience man lang, ganon.
Nakakainis naman kasi si Joshua eh. Despedida party niya rin kasi sa gabing iyon eh. Half-Canadian kasi na hindi halata yung nabingwit ko. Haha. (Singkit kasi siya eh. Akala ko nga, Chinese yung lahi.) Pupuntahan niya yung Papa niya doon na may malubhang sakit. Medyo nagtampo pa nga yun. Ipagpalit ko daw ba siya sa JS?
Bahala siya. JS pa rin ako. Hoho.
Mean na kung mean sa paningin ng iba. Basta, wala akong pakialam. Hindi naman nila alam yung tunay na nararamdaman ko. At magpaliwanag man ako o hindi, may masasabi at masasabi pa rin sila.
So ang gagawin ko? Kung ano yung gusto ko.
Enough of that. Argh. Tama na. Feeling ko, pag umaabot na sa ganoong punto yung mga iniisip ko, sobrang drama na talaga.
Iwan ka ba naman ng taong mahalaga sayo. At ang masaklap pa, wala akong idea kung kailan yung balik niya. Worse, hindi ako pwedeng mag-emote sa bahay.
Illegal kasi kami eh.
Sino ba namang maniniwala sa sobrang GC ko tingnan, eh, suma-sideline din pala ako? Advantage ko na rin yung ganito kong image. At least, mas madaling itago yun sa pamilya ko.
Teka. May sinabi si Maam. Hindi ko narinig. Kinalabit ko si Aiza. Siya katabi ko eh. "Ano daw yun, Ice?"
"Si Cindy nalang daw yung gagawing committee chairman sa attendance natin sa Senior's Night?"
"Bakit naman siya?"
Parang napantastikuhan siyang tumingin sa akin. "Eh sa siya yung pinili ng klase eh. Absent kasi si Pres lagi."
Ah. Akala ko naman favorite na siya ni Maam.
Ok sa akin si Cindy. Medyo close na nga kami ngayon. Who would've thought na magiging kaibigan ko siya? Napaka-outgoing niya. At ako, hindi.
"Sino ang class treasurer niyo?"
Heck. Ako yun. T.T
"Si Betty po!"
"Uhm.. Betty? Ikaw na ang bahala sa collection ah? Daily ang remittance mo sa office, ok ba yun?"
"Yes, Maam."
"Well and good." Ngumiti si Maam. "Gusto ko sana, mag-participate lahat ah." Nag-yes, Maam naman lahat.
"By the way, I just want to congratulate the representatives of Math Club sa classroom na ito, especially to Cindy, Kent and Dan. 98 na ang grade niyo sa akin."
Sobrang nabigla ako doon. Lahat ng mga kaklase nga namin, napasinghap. Anak ng Pasig nga naman. Paano ko nagawang palagpasin yung pagkakataon ng 98 na yun? Sana pala, mas nagpursige ako sa math. Kaasar.
"Aries and Jom. Don't worry. 95 naman kayo. You guys did a great job. Again, congratulations. Let's give them a round of applause."
Ang lakas ng palakpakan namin. Wew. Ang galing nila. (Ako na hindi.)
(Cindy’s POV)
Asar naman. Bakit ako? Sabagay, marami naming pera yung mga kaklase ko eh. Hehe. Saka makakatulong din sa task ko yung bonus grades na ibibigay ni Maam. Haha.

BINABASA MO ANG
I'll Stay in Love
Novela JuvenilCindy: "Hindi naman interesting ang buhay ko. Bahala kayo kung gusto niyong maki-usyoso. Anyway, gusto kong makilala niyo ako. Para masaya. :))"