Entry 4.0

102 5 2
                                        

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Nga pala, may kume-kwestiyon nga pala dun sa ginamit kong term na "extensive training". (Sana naalala niyo pa. Basta sa first entry.) Makikita yun mga teh sa google. Pakihanap nalang. Message ko para sa mga nag-aapila? I can't believe I have friends like you. :) Sinisiraan nila ako. Hahaha. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nung tinitingnan ko kung saan siya nakatingin, dun siya nagsalita. 

"Kent."

"Oh?" Siya naman yung binalingan ko ng tingin.

"Kwek-kwek yun di ba?"

"Ha?" Tiningnan ko uli yon. Meron ngang nagtitinda ng kwek-kwek. "Oo."

Nung sinabi ko yun, nakita kong napangiti siya. Tapos kumaripas naman siya ng takbo. Wala naman akong iba pang magawa kung hindi sundan siya ng tingin. Nakow. Bumili lang pala. Iniwan pa naman niya yung bag niya. Ano pa ba? Eh di sundan. Malamang, walang dalang pera yun. Di naman niya dala yung wallet niya eh. 

Nasa kasagsagan ako nun ng paglalakad nung nakasalubong ko siyang kinakain na yung kwek-kwek niya.

"Uy! Thank you, ah? Pabalik na talaga dapat ako. Naiwan ko kasi yung wallet ko sa overexcitement. Buti nalang, yung suki ko pala yun. Kaya, hinayaan niya na akong magkukuha na doon kahit naiwan ko yung pambayad. Haha." Kinuha na niya yung bag niya. "Wooh. Ang ganda ko talaga."

Papunta na kami dun kay Manong na naglalako ng kwek-kwek nang pinigilan ko muna siya. "Hey, don't you think it's dirty?"

Hay. Sa tingin pa lang niya, pinagsisisihan ko na talaga kung bakit nai-brought up ko pa yung topic na yon. Feeling ko, ang laki na talaga ng kasalanan ko sa mundo. I think I saw her pout. "Dirty ka diyan. Di mo ba alam na kasingdumi ng bibig mo yung anus mo? Mas malinis naman 'to ano kumpara dyan. And besides, don't generalize. Sa bahay po natututunan ang kalinisan, hindi lang sa eskwelahan. Hmp."

Hahaha. Pano ba 'to? Wala talaga akong idea. Ok. Give up na ako. Inakbayan ko nalang siya. "Tara na nga. Napikon ka naman agad. Easy lang. Actually, nainggit lang talaga ako. Ano ba yan. Ang konti naman niyang binili mo. Ne, masyado kang diet. Kain tayo. Libre ko." Hahaha. Wala na akong lusot nito. Napasubo na talaga ako.

Pero pakiramdam ko naman, ok na rin yung ginawa ko. Nakita ko kasing pabiro niya akong inirapan. Halatang nagsu-supress ngiti. Ewan ko ba pero may mga certain actions talaga siya na cute talagang tingnan. Haha. Basta. Ang hirap i-explain. Saka na siguro. Makikibaka muna ako dito sa aking challenge-- kumain ng kwek-kwek. Hay. Hindi talaga ako kumakain ng street foods. Nakaka-hepatitis daw kasi iyon dahil nga majority ng street vendors ay, well, madudumi. (Pero since may abogado na sila ngayon sa katauhan ni Cindy, ewan ko nalang kung anong mangyayari sa nalalabing mga sandali ng buhay ko. Hay.. buhay nga naman.)

Nang makita ko yung tindero, nag-abot na ako ng 100. Hindi ko na kinuha yung sukli. Mukha kasing marami siyang pinapakain sa bahay nila. Buti pa talaga si Cindy. Nae-enjoy niya yung kinakain niya. Ako? Happy birthday to me nalang.

Nung tinikman ko yung kwek-kwek, ngayon ko lang na-realize na ang OA pala ng iniisip ko kanina pa. Masarap naman pala. Lasang itlog na may special sauce. Kung kailan naman ganado na akong kumain, narinig kong tumawa si Cindy.

"Haha! Dirty pala ha."

"Kumain ka na nga lang diyan."

Feeling ko tuloy, nagpapaligsahan kami sa pagkain. Haha. Masaya pala. Hayun,sa sobrang tuwa ko, nagpabalot pa ako. Kakainin namin ni Nanay Precy pag-uwi. 

I'll Stay in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon