Entry 5.0

42 4 0
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: I'm so happy nakaabot pa ako sa entry kong ito! Hahaha. Sa sobrang pagmamaganda ko, naburo na ako. Ang bagal ng usad ko. Anyways, thanks nga pala dahil medyo masarap na sa mata yung pagtingin sa kung sinu-sino ang readers. (Although karamihan eh kilala ko lang din. Hehehe.) Sana naman, maalala niyo na mag-fan at mag-vote. That's all, thank you. 

*Bow*

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Cindy's POV)

Nice, uwian na. Haha. Yun nga lang, eto na. Umpisa na ng endless training para sa Math Club Interschool Competition. Now I know kung bakit halos ilaan ni Sir (Balik na uli yung karapatan niya sa pagiging Sir, kasi, naiintindihan ko na siya.) Nolasco yung lahat ng oras niya para lang i-train kami. Pressured pala siya since first time i-turn over sa kanya yung pagiging trainor at consistently ay nasa top ang school namin. Ewan ko kung bakit di ko alam ito. Wala man lang kasing banner ng 'Congratulations!' sa gate namin. Di ata supportive si Madam Principal. (Kuu. Di uubra sa akin yan pag kami na ang nanalo. Hahaha. Sabagay, natsugi na naman sa ibang school ang unsupportive principal na yun.)

Uy. Palabas na sina Kent, Jom at si Babe. Wait. "Keeeeent! Hintay naman."

Nilingon naman nila akong tatlo. Thank goodness. Si Jom agad yung nakapuna sa akin. "Ayan na pala ang mahal na Prinsesa Cinderella. Muntik na natin siyang maiwanan. Too bad."

"Too bad what?" Si Kent.

"Too bad hindi natin siya naiwan ng tuluyan." Ahh. Here thay are again. Pinagtatawanan na naman nila ako. 

"Hey. Ansasama niyo." T.T

"Okay lang yan. Babayaran naman ka naman uli ni Kent dahil pinagtawanan ka namin eh. Hahaha." Ok lang. Basta Dan, sinabi mo. Hehe. 

Dinala nila ako sa Cravings International. Grabe, 40 minutes pa bago kami nakakain.Over. But as usual, feeling super ganda na naman ako. Hehe. 

So dahil natagalan nga kami dun sa pinagkainan namin, nagsitakbuhan agad kami pabalik sa school, regardless of appendicitis. (Hay. Habang tumatakbo ako, ang lakas ng dasal ko.) Awa ng Diyos, 25 minutes late kami sa aming training. Ang sama lang naman ng tingin sa amin ni Sir pagkaupo namin.

"People, if you aren't serious with this training, you might as well inform me right away. Hindi yung parang naglolokohan lang tayo." Nilibot niya yung paningin niya sa amin. "Do you get me?"

"Yes, sir."

Since late kami, dun lang kami nagsi-upo sa harap. Medyo napahiya ako nun ha. Pero ok lang. Medyo sanay na ako. Madalas kasi talaga akong late sa klase eh.Yun nga lang, medyo nainis pa rin ako sa sinabi niya. Sana naman kasi, alam niya kung gaano kabagal yung service ng pinagkainan namin kanina. Tsk. OA mo teh.

Nagulat nalang ako nung biglang magsalita si Kent. "Pabayaan mo nalang siya. Wag mo nalang pansinin yung mga pinagsasabi niya."

Ang sweet niya, no? Haha. Kakaiba talaga yung feeling pag nag-comfort sa iyo ang isang taong hindi mo kailanman inakalang iko-comfort ka. Kahit na ok lang sa akin yung pinagsasabi ni Sir Nolasco, para tuloy feeling ko, gusto ko pang magpa-comfort. Ang bait pala niya talaga. Sayang at ngayon lang kami naging friends.

Well, di pa naman huli ang lahat. 

Enjoy naman din pala yung training namin. I thought it will bore me to death. Hindi naman pala. Hahaha.  Sa sobrang saya ko nga, di ko namalayan na tapos na pala yung training session namin for today. Ang technique para mag-enjoy ka? Recite ka lang ng recite. Hehe.

I'll Stay in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon