(Cindy's POV)
Nakahiga lang ako ng gising. Hindi kasi talaga ako makatulog.
Parang ang dami dami daming nangyari ngayong araw. Alam mo yung feeling na para kang nasa eksena sa TV?
Hindi ko talaga kailanman in-expect na masusuong ako sa ganoong sitwasyon.
Nung una, excited pumunta sa venue nung competition, then, naging kabado para sa exam. Naging medyo nalang (Salamat kay Kent), natuwa dahil alam ko yung mga sagot sa exam, na-mental block kaya kinabahan ulit, natuwa dahil natapos ko, nawala sa sarili dahil feeling ko ang dami kong mali, kinilig..
(Secret muna kung bakit ako kinilig. Pero feeling ko talaga alam niyo na ito.)
... kinabahan sa darating na announcement ng results, nawindang sa actual results, naiyak sa guilt sa mga ka-groupmates ko, na-touch kay Kent at Sir Nolasco, nagulat nung nalaman kong perfect ako, saka nagpa-party ako deep inside nung lahat sila, naki-hug sa akin (Windang ako kay Dan Karlo. Haha.)!
Si Kent pala. Kailangan kong magpasalamat sa kanya ng bonggang-bongga.
Inabot ko yung cellphone ko sa ibabaw ng chest drawer ko. Kaso, nung magta-type na ako ng message, hindi ko na alam yung sasabihin ko. Naalala ko kasi kanina, parang inis siya sa akin. Ewan ko ba.
Ah, alam ko na.
'Kent. Parang asar ka kanina. Galit ka?' (Message sent)
Medyo nainip ako. Ang tagal niyang mag-reply. Gusto ko sana siyang i-text uli. Kaya lang.. nahihiya ako eh.
[ First time 'teng magka-text? Lande. ]
May karapatan naman akong magmaasim. Babae pa rin ako in the first place.
( 1 message received )
'Hindi ah. Naasar lang ako.'
'San ka naman naasar?'
'Wala. Please lang. Don't dare ask.'
Sige na nga. Pasalamat ka talaga, nabaitan ako sa'yo kanina. Haha.
![](https://img.wattpad.com/cover/662856-288-k773588.jpg)
BINABASA MO ANG
I'll Stay in Love
أدب المراهقينCindy: "Hindi naman interesting ang buhay ko. Bahala kayo kung gusto niyong maki-usyoso. Anyway, gusto kong makilala niyo ako. Para masaya. :))"