Entry 10.0

50 4 0
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

One of my friends said: "Eto talaga, pabitin. Nag-uumpisa ng entry tapos ang iksi-iksi lang ng nilalagay. Maiinis yung mga readers mo niyan."

(Hindi talaga yan yung eksaktong sinabi niya but that was the thought, more or less.)

Nainis ba kayo? Sorry naman ah. :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Cindy's POV)

"Welcome to our humble abode." I opened the door for him. 

Malamang, ako yung may hawak ng susi eh. 

Sabado ngayon, kaya napagdesisyunan namin na umpisahan na yung tutorial namin. Siya yung tutor of course, at ako ang kanyang napakagandang tutee.

"Medyo malaki din pala yung bahay niyo, ano?" Nilibot niya yung paningin niya sa buong bahay namin.

"Bakit? Di ba halata?"

"Sa liit ba naman ng gate niyo, mahahalata pa ba yun?" 

"Hala, manglait pa."

"What I mean is.. I didn't expect this house would be this big. Mukha siyang maliit lang sa labas eh."

"Sabagay. Si Mama kasi eh, ganun yung gusto."

"Yung Mama mo nga pala?"

"Ah. Nasa trabaho, kasama si Papa."

"Magkasama sila ng Papa mo sa trabaho?"

"Upo nga muna tayo." Umupo nga kami. "Oo. She's my father's secretary ever since."

"Talaga?" He seemed so interested. "Since when?"

"Ever since the world began."

Binato niya ako ng throw pillow. It really served it's purpose. "Ang corny mo."

"Aray naman." Hinampas ko rin siya. "Ikaw talaga. Kung makaasta ka, parang di ako babae."

"Hindi naman talaga eh."

"Tse." Tumayo na ako. "Diyan ka na nga."

"O teka. San ka pupunta?"

"Tatae. Sama ka?"

Saka ko lang na-realize, ang baboy ko pala. Haha.

At nakita ko ngang kumunot yung noo niya. 

Pero imbes na sa CR, umakyat ako sa kwarto para magbihis. Bahala siya. Ipapa-barangay ko na lang siya pag ninakawan niya kami.

HOHO.

(Kent's POV)

Tatae daw. Kadiri talaga.

Mukhang di naman yata. Hindi naman siya sa CR nagpunta eh.

Nanahimik nalang ako dito sa sofa. Pero may tumugtog bigla.

♫I look into your eyes, so far away

There's trouble in your mind

You're losing faith

Hey now, let me hold you

It'll be okay! 

Coz I will love you

Till they take my heart away.♫

Parang galing sa bag ni Cindy yung tugtog.

I'll Stay in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon