Entry 16.0

23 0 0
                                        

(Jessica’s POV)

“Jom!”

Nilingon ako ni Jomari. “Jess. Kanina pa kita hinahanap.”

“Nag-CR pa kasi ako eh.”

“Ah, ganun ba?” Kinuha niya yung attaché case ko. “Tara, uwi na tayo.”

Napatingin tuloy ako sa kanya bigla. “Agad?”

Ngumiti siya. “Joke. Siyempre, ice cream muna tayo.”

Napangiti rin tuloy ako. That was one thing that I liked about this guy. “Kumusta na pala yung ‘Oplan: Have My Ex-Girlfriend Leila Back’ mo?”

Yeah, right. Naging sila nga ni Leila. Nakakagulat no? Na nakakatawa. Imagine, isang tulad ni Jom, pumtol sa isang katulad ni Leila? Hindi naman sa minamaliit ko siya, pero.. wala lang. Ang weird lang. And they broke up for a very tiny reason. For a very petty one. And now, he was trying to win their relationship back.

Hay, Jom. Kung ako sayo, wag na.                                                        

Natawa tuloy si Jom sa sinabi ko.

“Masyado ka namang direct-to-the-point magsalita.”

“Anong nakakatawa doon?”

Nanlaki yung mata niya. “Anong nakakatawa?” Bumulong siya sa tenga ko. “Nandiyan lang kaya sila sa likod natin.”

Sh*t. Hahaha. Nakakatawa nga. Nanigas bigla yung leeg ko. Bumulong din ako sa kanya. “Palagay mo, narinig kaya?”

"Depende. Kung uulitin mo ng mas malakas."

 Nagkatawanan tuloy kaming dalawa. 

I'm really happy. Hahhaa. Halata ba? Hmm. Bakit ko sinabi? Wala lang. I just can't help it. Ngayon ko lang kasi na-realize na I really feel ok dun sa break-up namin ni Phil. Actually, I felt more than ok. Siguro dahil natutunan ko nang i-appreciate yung sitwasyon ko dahil kay Jom.

Sabihin ba naman ng paulit-ulit:

‎"Kung nakahanap siya ng dahilan para iwanan ka, 

Gumawa ka naman ng paraan para magsisi siya."

Ayan. Ang galing magsalita niyang lalaking yan pero hindi niya naman mai-apply sa sarili niya.Haha.

Nagulat ako nung makitang nilagpasan kami nina Phil at Leila. Aba. Mukhang nagmamadali. Kinabahan tuloy ako.

"Di nga.. Narinig kaya nila?"

"Hindi nga. Ang hina-hina."

Bakit parang biglang nag-iba yung tono ng pananalita niya? Nung nilingon ko siya..

Ang layo na din pala ng tingin niya. Hinahabol niya ng tingin ang bruha. Asar talaga. Nakakapikon. Ng bonggang-bongga.

"Hmp. Diyan ka na nga." Umalis na ako.

 Hinabol naman niya ako. "Teka muna. Bakit ba nagtampururot ka na naman diyan?"

"Hmp." Inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo. Nagtatanong ka pa. Alam mo namang ang ayoko sa lahat, eh--"

"Oo na po. Ayaw mo nang hindi nakatingin sayo pag kausap ka. Sorry na."

"Alam mo naman pala. Tinitingnan pa kasi. Habulin mo na kaya."

"Suuus." Kinurot niya yung ilong ko. "Masyado ka namang selosa."

"Selos, your face." 

Hinawakan niya yung kamay ko. "Tara na nga. Tsk. Sabi ko na nga ba, crush mo ako eh. Hehehe."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Stay in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon