Entry 1.0

205 5 0
                                        

Para sayo to.

Entry 1.0

[Cindy's POV]

Naasar na talaga ako. Kanina pa ako tinatawag ng teacher ko. Ako nalang ba ang estudyante? Hindi ko tuloy masulyapan ang aking sinta. Haha. Ang pogi talaga ni Dan. Haha. Buti nalang nasa bandang kaliwa ko lang siya. Though magkahiwalay kami ng row, pareho naman kaming nasa aisle. 

"Ms. Gamboa, tulungan mo si Ms. Ibañez. Answer problem number 5."

Takte. Ayan na naman. Ngayong araw, panlimang tayo ko na ito for recitation. Ako na naman kasi ang napagbalingan ng atensyon ni Ma'am Miranda. Pagkatapos kong sagutin yung problem, nakita kong pangiti-ngiti si Ma'am habang nakatingin sa akin.

"Thank you, Miss Gamboa. Well, marahil, nagtataka kayo kung bakit ganado akong tawagin siya for recitation."

'Mabuti naman Ma'am, nakaramdam ka na.'

 She continued talking. "Nitong mga nakaraang batch kasi, puro mga lalaki ang nagsa-stand out sa klase ko. Bibihira lang ang mga babae. I hate to admit it, pero mas magaling talaga ang boys sa math kaysa sa mga girls."

Naghiyawan ang mga lalaki. With matching palakpak pa.

"So yun nga, natuwa ako dito kay Ms. Gamboa dahil sa tuwing pinapasagot ko siya, consistently ay tama ang mga sagot niya. At kaya ko siya inulan ng problems kanina, ay para maipakita sa buong klase yung observation ko. Igu-groom ko kasi siya kay Mr. Nolasco para ma-appoint na secretary ng Math Club."

Pinalakpakan ako ng mga classmates ko. 

"Wow! Ang galing mo talaga, friend. I'm so happy for you." O.A. pa na nagpahid ng mata si Jessica. Katabi ko kasi siya eh. Siya talaga ang leader ng support group ko.

"H-ha? Ako?" Biglang nagising yung diwa ko na nagde-daydream. "Pero Ma'am, di po ba, dapat, ine-elect yun?"

Ngumiti lang si Ati. Takte. "Alam kong matutuwa nito yung Math Club Adviser niyo. Siya nga yung nagsabi sa akin na pag may nai-recommend daw ako na babae sa klase ko, I'll just tell him. Wag ka palang mag-alala. Member na rin ng club si Leila Namia ng Section 2."

Hindi na ako nagtaka kung bakit nagsipagtaasan ng kilay yung buong section namin. Eh, notorious sa pagkamaarte yun eh. Saka self-confessed na "flirt" yun eh. I'm telling you, hindi ko opinyon yun sa kanya. Siya yung nagdescribe nun sa sarili niya.

"Ipagdadasal na lang kita." Napalingon tuloy ako kay Jessica.

Ayan na. Nawala na yung cheerful mood niya. Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya kahit na di naman ako galit kay Leila ( Wala akong karapatang maggalit-galitan dahil di ko siya kilala.), ayoko talagang nababanggit yung pangalan niya sa classroom. Ex lang naman ni Jessica yung kakosa (read as: ka-constant dating) ngayon ni Leila. Nag-iisang ex-boyfriend. Kaya naiintindihan ko yung reaction ngayon ni Jess.

"By the way, since nandun na rin naman tayo, ia-announce ko na rin yung mga qualified, at the same time, required na sumali sa Math Club: Aries Brandes, Dan Karlo Gabaon.."

'Yes! I love you, Ma'am! Woohooh!'

"...Jomari Alegre, and Kent Jeremiah Ramos. Naghihigpit na ang Math Club sa ipapasok na members, dahil sasali yung school natin sa interschool competition kung saan maglalaban-laban ang mga Math Club members ng bawat school. Kumuha lang ako ng five students sa bawat klase na hinahawakan ko."

"Ma'am, ayaw daw po ni Kent Ramos."

Lahat tuloy ng atensyon, nakuha ni Aries sa sinabi niyang yun. Kilala kasing halimaw sa Math si Kent. Unfair! Siya, pwedeng tumanggi tapos kami, hindi pwede? No way.

I'll Stay in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon