Entry 7.0

39 5 0
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Para sa akin, mahalaga ang chapter na ito dahil sa taglay na number nito. :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Kent's POV)

 Ang tagal naman ng babaeng yun. Sabagay, wala pa rin kasi yung iba pang bridesmaids kaya medyo understandable pa rin. Well, girls are still girls. They'll take all the time in the world to look good. 

Buti nalang talaga, naisip kong dalhin siya. At least, I have someone who would constantly remind me of what I should do to make things right. Saka, kahit papaano, napag-isipan ko na rin yung sitwasyon ko. If I can't be good to them, I can just be civil for the least. Medyo magaan na rin yung pakiramdam ko ngayon. Lalo na at napag-alaman ko na arranged lang pala aang kasal ng parents ko. 

Last week kasi, kinausap kami nina Papa at Tita Hilda. Sa totoo lang, I really felt weird. Ilang taon kong dinamdam yun, di namin alam, mahinahong conversation lang pala yung kailangan.

That's life. A bit weird talaga.

Medyo naiintindihan ko na yung sitwasyon ng Papa ko. Tita Hilda was his first love. At masakit man aminin, si Mama yung naging antagonist sa love story nila noon (But a very nice antagonist at that). Sabi nga ni CIndy, siguro naman, wala na akong karapatang magpaka-bitter ngayon.

"Kuyaaaaa!!" 

Si Shawn pala. Hindi ako masyadong komportable na tawagin niyang kuya since one year lang naman ang itinanda ko sa lalaking ito. Kahit hindi halata, close talaga kaming magkakapatid. At sa aming tatlo, siya ang pinakamakulit. 

"Anong problema mo? Para kang tanga. Makasigaw ka, parang ang layo layo mo."

"Bakit kasi Kuya nandito ka sa labas? The wedding is about to start."

"Start? Eh wala pa nga yung mga bride's maids eh."

Ayan na. Naging malisyoso na yung tingin sa akin ni Shawn.  

"Uuuy.. Si Kuya, binata na." Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa amin si Gracey. Siya yung bunso namin. Grade six palang siya. "Ikaw Kuya ha. Talagang nagdala ka agad ng chicks. In fairness, may taste ka Kuya. Wahahahaha!!"

Anong klaseng tawa ba naman yan. Parang kalalabas lang ng mental. "Ewan ko sa inyo. Pumasok na nga kayo sa simbahan. Kung anu-ano nang hangin yung pumapasok diyan sa kukote ninyo."

May tiningnan si Shawn sa bandang likuran ko. "Uy Kuya. Andiyan na pala siya, oh."

I turned my back. Sh*t. 

"JOKE! Hahaha!" Pinagtulungan lang naman nila akong pagtawanan. Tiningnan ko lang sila ng masama.

"Relax ka lang kasi Kuya. Dadating din yun. Wag kang mag-alala. Masyado kang tensed. Parang ikaw yung ikakasal."

"Bakit nasa labas pa rin kayo?" Si Daddy yun. All-smile. "Parating na yung bride."

Sa totoo lang, medyo ilang pa rin kami sa kanya. Ilang taon din naman kasi kaming naging indifferent sa kanya. Pero, unti unti na rin naman kaming nag-a-adjust. But as for now, we could just wish him well. Mukha talaga siyang masaya.

"Dad. Nasaan na yung special 'friend' ni Kuya? Kanina pa namin siya hinihintay."

(Cindy's POV)

Hanubey. Nakakailang talaga. Wala akong kilala dito. At ang pinakamasaklap pa, ako yata yung pinaka-youngest sa aming lahat. Sana lang talaga, hindi ako magmukhang Nene. Sa make-up lang ako umaasa ngayon.

I'll Stay in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon