Entry 9.0

25 4 0
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: It was my first time na nakagawa ako ng isang entry sa isang upuan lang. Haha.

Sabi ko sa inyo eh. Pressured ako.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Cindy's POV)

Ano daw? Di ko gets.

Hindi ko pa rin maintindihan yung pinagsasabi ni Sir Nolasco. So far, ito ang pinakaboring na training namin. Alam niyo kung bakit?

Functions lang naman po yung topic-- the very topic I have been hating for a month now.

Hindi ko alam kung paano nakasali sa club na ito ang isang batang tulad ko na walang kaalam-alam sa functions. Matalino naman daw ako sa Math.

Totoo nga siguro ang kasabihang 'we can never have it all'.

But I couldn't care less. Hindi ko kasi alam kung lalabas ba ito sa mga tanong sa actual competition. Kaya para sure, kailangan ko itong alamin.

Pero hindi ko talaga alam eh. 

Utak. Nasan ka na ba? I miss you na..

"Cindy?"

Napatingin ako sa nagsalita. And to my surprise, it's none other than---

DAN. ^_^

Magkatabi kasi kami ngayon dahil in-arrange kami ni Sir alphabetically. Pinagsama yung girls at boys. 

Nung una, medyo alangan pa ako. Crush ko eh, what can I do? Kahit pa siguro sabihing crush na pangmalandi lang naman ito.

Yep. I said it right.

Kabalintunaan ng mga certain reactions ko, hindi naman talaga ako ganoon ka-seryoso sa nararamdaman ko. Ok, he's adorable, handsome, nice, and most probably more to that, but still, hindi naman talaga siya yung tipo ng lalaki na gugustuhin ko na maging boyfriend.

May pagka-flirt nga, di ba?

Naging crush ko lang naman si Dan nung ano eh.. nung mag-on pa sina Jessica at Philip. Wala lang. Para lang tumigil si Jess kaka-matchmake para lang di ako mukhang napag-iwanan.

Ganun naman talaga yung typical na magkapatid. Pag mag-aasawa na, gugustuhin na rin na makapag-asawa yung kapatid niya.

Nagkataon naman na tinanong naman ako ng Nanay ko kung meron nga ba daw akong lalaking nagugustuhan. Sa hilatsa ng mukha niya, feeling ko, iiyak talaga siya pag sinabi kong wala. Since kailangan kong may mai-flaunt na crush kay Jess, at crush ko rin naman si Dan, fine. 

Wala naman sigurong masama.

And besides, wala namang magagalit dahil wala naman akong balak na ipagkalat.

Just the same, naga-gwapuhan pa rin ako sa kanya. Kaya officially ay naging crush ko na siya. Hihihi.

Despite the fact na pinansin niya ako... nakakahiya. As in nakakahiya talaga. Nahuli niya akong nagmumuni-muni. Sabi pa naman ni Mama, may tendency daw ako na magmukhang engot pag lumilipad yung utak ko.

"H-ha? Ah. Wala naman. Medyo nahihiwagaan lang kasi ako sa mga pinagsasabi ni Sir Nolasco."

"Nahihiwagaan?"

"Di ko kasi siya maintindihan eh." Hay. Pag naaalala ko na naman na wala nga pala akong alam, medyo nade-depress ako. I don't tend to collect topics na kailangan ko uling pag-aralan dahil di ko nga naintindihan.

I'll Stay in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon