(Leila's POV)
Hahahay. Ang sarap ng bento. Sana, balang araw, maging commercial model ako ng mga pagkaing ganito kasasarap. Sa ngayon, hanggang clothing lines muna ako.
Siyempre, hindi naman pwedeng pati dito, i-endorse ko sila. Hello? Panibagong bayad kaya uli yun.
Anyway, ang saya ng grupo ngayon, unlike kanina. Siguro kasi, wala na kaming ibang iisipin. We're pressure-free na kumbaga. Saka meron pang isang dahilan.
Ang daming pogi. XD
Halos lahat ng mga tinitilian sa school, nandito na. Of all the blessings that God has given me, etong galing sa Math talaga yung pinakana-appreciate ko.
Pero alam niyo, may napapansin talaga ako.
Superclose yata sina Kent at Cindy. Hmm. Fishy.
Ngayon, magkatabi na naman sila. Sa part ni Cindy, hindi na yun nakakapagtaka. Si Kent lang kasi yung close friend niya dito. (Which is weird, kasi ni hindi nga sila nagpapansinan dati. And then poof! It became koko crunch!)
Joke lang. What I mean is.. bigla nalang silang naging superfriends. Tulad nalang ngayon.
"Oh bakit di ka pa kumakain?" Si Kent yun. Kausap si Cindy. Panay tusok lang naman kasi yung pinaggagawa niya. Parang pinaglalaruan lang niya yung chopsticks.
Hindi napapansin ng iba yung pag-uusap nila. May kanya-kanya kasi silang monkey businesses.
"Eh kasi.." Parang nahihiya pa si Cindy. "Ang hirap kaya gamitin nitong chopsticks."
Sus. Yun lang pala. Ano ba naman yan. Chopsticks lang naman. Dapat kahapon pa niya sinabi yun sa akin. Eh di sana, nakapag-hire pa ako ng tutor para sa kanya. Tsk.
Ang hirap talagang maging poor. Poor girl.
Lumingon-lingon si Kent. Tinawag niya yung waiter. "Two pairs of spoon and fork please."
Yan. Yan ang may finesse.
And that is one of the things I liked about him.
Kaya nagulat ako nung biglang subuan ni Kent si Cindy. "O. Nganga." Mukhang nag-alangan pang ngumanga si Cindy. Pinunasan na rin ni Kent yung sauce na natira sa lips ni Cindy. "Dapat pala, sa chinese restaurants tayo kumakain para may napapagpractice-an ka."
Na-shock ako. Obvious ba? Crush ko kaya si Kent! No, let me correct what I just said. Gusto ko siya. As in.
Buti nalang talaga, dumating na yung utensils na hiningi ni Kent. Kung hindi, nag-volunteer na akong magsubo kay Cindy.
Nakakainis talaga! Parang wala silang pakialam kung may makakita man sa kanila.
Naalala ko tuloy nung magpapaturo sana ako kay Kent noon. He refused. Tapos malaman-laman ko nalang, si Cindy pala, tinuturuan niya.
Just imagine how hurtful it was then.
Ayoko na. I can't go on like this. Yung pinagmumukhang tanga yung sarili.
"Excuse me, guys. I think I need to go to the bathroom."
(Cindy's POV)
Nakakakaba.
Hindi talaga ako mapakali. Mukhang sila rin naman. Pero iba talaga. Swear. Iba yung kabang nararamdaman ko.
"Good afternoon, everyone."
Lahat kami, napatingin dun sa nagsalita sa podium.
"Please listen intently. 70% of the final score would be taken from the average score of the highest and lowest score of the group. The remaining 30% would be from the computed mean of the scores."

BINABASA MO ANG
I'll Stay in Love
Teen FictionCindy: "Hindi naman interesting ang buhay ko. Bahala kayo kung gusto niyong maki-usyoso. Anyway, gusto kong makilala niyo ako. Para masaya. :))"