--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Inabot na ito ng isang dekada sa draft ko. Ewan ko ba.
Gusto kong magpasalamat sa 'Please be careful with my heart' nina Heart Evangelista at John Pratts. Bigla akong nagkaroon ng drive na tapusin yung entry na ito. Naiinlove ako sa kantang ito.
I so love you, guys. :)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Cindy's POV)
"O hayan." In-abot ko sa kanya ang pinakamamahal kong autograph.
Papasok na kami ngayon sa school. Malapit na kami sa gate. Simula nga ng makasabay ko si Kent sa pagpasok, lagi na kaming nauuna sa klase.
Kaya tuwang-tuwa nanay ko dito eh. Good influence daw. Yuck.
"Eto na ba yon?" Binuklat-buklat niya yung autograph ko. "Bakit ikaw palang yung nandito? Bago ah." Binasa niya uli yun. "Bakit di mo pina-fill up sina Bettina at Jessica?"
"Puro nalang kasi sila mamaya. Kaya ikaw nalang."
Tumango-tango lang siya habang binabasa yung autograph ko. Nakaka-conscious naman. Bakit ang tagal niyang basahin yung autograph ko? Para namang pagkahaba-haba.
"Ayaw daw ng flirt. Pero si Dan naman ang gusto."
Please don't judge me for you don't know my feelings. Hehe. Ansavee? Sabagay, pabor naman sa akin yun kung sakaling iisipin niyang crush ko si Dan. Hindi niya alam, front ko lang yun. Hehe.
"Hey. Wala akong sinabi na i-criticize mo yang autograph notebook ko. Ang sabi ko, sagutan mo yan. Gets?"
"Mamaya na pag-akyat natin sa room. Teka.." Parang may nabasa siya na kakaiba. "Marunong kang mag-piano?"
Ang lakas ng tawa ko deep inside. Haha. "Hindi nga eh. Wishful thinking ko lang yan. Haha. Pero interested talaga akong matuto."
Tumango-tango lang siya.
Pagdating ko sa room, nagulat ako nung may nakita akong isang long-stemmed rose na nakapatong sa desk ko. Sakto namang pasok ni Jessica.
"Kanino ito?" Tinanong ko siya nung nailapag ko na yung bag ko sa upuan.
"Aba't ako pa ang tinanong. Mas nauna ka ngang dumating eh."
Wala akong idea kung kanino iyon. Wala pa rin si Betty. (Napansin ko talaga, naaagaw na namin yung korona niya sa pagiging pinakamaaga.)
"Naku talaga. May nanti-trip siguro. O baka hindi talaga sa akin yan."
"Tingnan mo kasi. Baka may note."
Oo nga no.
Nung sinilip ko sa ibaba ng dahon, may nakita akong note. Ang nakasulat:
'Congrats. You did so well yesterday. --Dan.'
Oh well.
Nagulat tuloy ako nung hinablot sa akin ni Jess yung rose. "Oy. Share your blessings." Binasa niya nang malakas yung note. "Aba. Galing kay Dan. Nakkss. Ikaw na talaga may mahabang hair."
"Heh!" Nahiya tuloy ako. Lalo na nung ma-realize ko na nandiyan nga pala si Kent.
"Ang lakas mo manalangin ah." Ano ba yan. Nang-asar pa.
Parang nagulat si Jessica sa sinabi ni Kent. "Girl. Alam niya?"
Si Kent na yung sumagot. "Oo naman. Sinabi ng Mama niya eh."
Nanlaki yung mata ni Jessica. Parang alam ko na yung iniisip niya. Isipin ba naman ng crush mo na may iba kang gusto di ba? Tapos may rose pang involved.
"Huy. Tama na muna ang pagmamaganda diyan teh. Pakopya naman ng assignment mo sa English. Wala pa akong sagot sa page 147 eh."
"Ha? Assignment?" Napakunot yung noo ko. "Wala namang assignment ah? Di ba?" pero sa totoo lang, kahit ako, nag-aalangan sa sagot ko. Meron ba talaga?
"Meron ah. Dalian mong gumawa, girl. Mahaba-haba rin yun. Buti nalang, maaga kayong pumasok."
Halaaa. Meron pala talaga. "Kent, may sagot ka na?"
Tumango lang siya. "Waah. Ang daya mo. Hindi mo ako sinabihan." Nagmamadali tuloy akong kumuha ng papel at ballpen. Tinuro naman sa akin ni Jessica yung pages ng dapat kong sagutan.
Kabadtrip talaga. Ang haba.
Nang mapansin kong padami na ng padami yung mga kaklase naminwg pumapasok, medyo nai-stress na ako. Sa sobrang ngalay ng kamay ko, I shaked them hastily.
Tumama tuloy sa armchair yung kaliwang kamay ko.
Haaaa.! Ang sakit talaga!
Dinaluhan naman ako ni Jessica. "Ano ba naman kasi ikaw na babae ka. Mag-ingat ka nga." Hinilot-hilot niya yung kamay ko.
Saka ko lang napansin na lumapit pala si Kent. Kinuha niya yung papel ko tapos naglakad pabalik sa upuan niya. "Konti nalang naman pala. Ako nang bahala dito. Yan kasi, di gumagawa ng assignment."
Naghiyawan yung mga kaklase ko. Sumipol pa nga si Jom eh.
"I knew it! I knew it!" Aba at may tono pa.
"Kayo ah. Kaya pala biglang close kayo ah."
"Nice, Kent." Hay Betty. Magbasa ka nalang diyan.
"Witwiw!
Tse! Manahimik kayo. Kinikilig ako. >.<
"Ano yang rose na yan? Don't tell me, nanliligaw ka na, ha, Kent?"
"Ang bilis ah. Akalain mo yun? Smooth operator ka pala. Naks! Idol!"
Pero teka. Bakit ganon? Kilig na kilig na ako dito, pero siya.. Parang wala lang. Ok. Ako na palaasa.
"Hey, Cindy. Natanggap mo ba?" Si Dan pala. Kadarating lang.
Itinaas ko yung rose. "Ang alin? Ito ba?" Ay, slow? Ako na engot.
Ngumiti lang siya.
"Salamat nga pala ha?"
"It's nothing. You deserve it anyway."
At dahil hindi na kami nag-abala na hinaan yung boses namin since nakatayo pa siya sa tapat ng row nila, may free live streaming video tuloy na napanood yung buong klase namin.
"Talaga. Ang dami yatang chicks ni Cindybabe ngayon."
"Ang ganda mo teh!"
"Ay, kay Dan pala? Kaya pala hindi nag-react si Kent kanina."
"Aww.. Sayang."
"Candy pa rin kami forever! Go Candy!"
"Candy?"
"Tange. K-E-N-D-Y. Kent at Cindy. Go Kent!"
So may fans club na pala talaga kami, ganun?
"Ahm, Cindy. Magpapaturo pala ako ng Physics mamaya. Ok lang?"
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Yey. Bakasyon na. Haha.
Kaso, wala na akong excuse para mag-internet cafe. Baka tuloy sa bahay na ako mag-type. Baka medyo matagalan pa bago ko i-post. Wala pa kaming internet eh.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
I'll Stay in Love
Genç KurguCindy: "Hindi naman interesting ang buhay ko. Bahala kayo kung gusto niyong maki-usyoso. Anyway, gusto kong makilala niyo ako. Para masaya. :))"