(Kent's POV)
Ok na sana eh. Kasi, online yung application namin. Kaso, sa pagkuha namin ng examination permits namin, pupunta talaga kami sa MSU. So, here we are. Pawis na pawis. Ang dami kayang nakapila.
Kasama ko ngayon sina Cindy, Jessica at Betty. Nakakaasar nga eh. Ako lang kasi yung nag-iisang lalaki. Niyaya ko sina Dan at Jom. Si Dan, magma-marino daw. Kaya wala talaga siyang balak na mag-aral dito sa Manila. Sa Batangas daw siya. Si Jom naman, parang timang. Sasama daw, yun pala, di pa siya nakakapag-apply. Kaasar talaga. Nakalimutan daw niya eh. (Ang hypothesis ko, hindi lang talaga siya interesado.) Siguro, kasi, alam niyang di matutuwa yung Mama niya pag nalaman na dun siya mag-aaral.
Hayaan na nga lang. Wala talaga ako sa mood ngayong araw.
Mukha yatang napansin ako ni Cindy. Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero pinili nalang niyang wag magsalita. Actually, si Jessica nalang yung hinihintay namin. Siya kasi yung pinakanahuli sa amin sa pila.
"Guys! Tapos na 'ko. Yes.. Makakauwi na rin tayo."
Parang gusto kong magreklamo. Ayaw ko pa talagang umuwi.
Buti nalang, mukhang ayaw pa rin ni Cindy na umuwi. "Jessica naman. Minsan na nga lang tayo makagala-gala, tapos, pag may chance na tayo, di pa natin iga-grab."
"Eh...Cindy, pasensya na. Kailangan ko nang umuwi ng maaga. Magbabantay pa kasi ako ng grocery store ng tita ko eh. Para rin mabayaran ko na sa Monday yung utang ko dito kay Kent na ipinangbayad ko para sa MSUAE (Makati State University Admission Examination)."
"Ha? Pabayaan mo na yun. Birthday gift ko na yun sa'yo." Hindi ko naman akalain na kailangan pa niyang magtrabaho para lang makuha iyon. Saka wala naman talaga akong balak na singilin sa kanya yun.
"Katatapos lang kaya ng birthday ko."
"Oh. Tamang tama. Pasensya na nga lang kasi medyo late."
Parang nahiya pa si Betty. "Ganun ba? Kung ganoon.. salamat. Pero ganun pa rin, kailangan ko pa rin talagang umuwi. Inaasahan ako ni Tita eh."
Mukhang nalungkot si Cindy. "Sige na nga. Ok na sa akin. Pero ikaw babae..." Medyo tumalim yung tingin niya kay Jessica. "Anong rason mo, aber?"
Namaywang si Jessica. "Teh.. Sorry naman ha? Niyaya lang naman po akong mag-date ni Jom."
Ano daw?!
"HHHUUUWAAAAAAAAAAAAT?! Jom as in Jomari na classmate natin?" Shocked na shocked talaga siya. Sabagay, ako rin naman. It was news to me.
"Yep." Cool na cool lang si Jessica. Medyo naka-half smile.
Tumili si Cindy. Tae, ang lakas. "Sige na. Layas na." Itinulak-tulak ni Cindy si Jessica. "Kailangan mo pang daanan ang lahat ng salon dito sa NCR. Hala. Tsupi." Hinawakan naman ako ni Cindy sa braso. "Sige girls. Aalis na kami ni Kent. Tom Jones na ako eh. Bye!!"
Ang saya saya ni Cindy pag-alis namin. Pagkalabas namin sa campus, naghanap na kami ng makakainan. Mahirap mamili, since paglabas ng gate, puro mga kainan na yung makikita mo. Ang dami talagang pagpipilian. Pumunta nalang tuloy kami sa Mcdo. Pagkaupong pagkaupo namin, ewan ko ba kung anong nuno na naman ang sumanib dito kay Cindy. Imbes kasi na um-order kami agad, bigla niya akong tiningnan in a strange way.
"Oy. Anong problema mo?"
Parang ang tagal kong walang nasabi. "Wala."
"Mukha mo." Ang sama na ng tingin niya sa akin. "Ano? Kailangan ko pa bang manghula."
Tiningnan ko muna siya para makiramdam. Nung makita kong hindi niya talaga ako titigilan, nag-give up na ako. Kahit ano namang gawin ko, alam kong hinding hindi ako titigilan ng babaeng ito. "Yung wedding. May date na."

BINABASA MO ANG
I'll Stay in Love
Novela JuvenilCindy: "Hindi naman interesting ang buhay ko. Bahala kayo kung gusto niyong maki-usyoso. Anyway, gusto kong makilala niyo ako. Para masaya. :))"