OOTB - 4

109 10 3
                                    

Same Routine pag gising ko, Ligo bihis at bumaba, kumuha ng soda at "alis na ako." Paalam ko sa mga yaya.

Di ko na naabutan si Kuya, ang aga naman ata? 6:30 palang ah? Aish! Mga may Love life nga naman.



"Kael!" Tawag ko ng dumaan siya sa tapat ko. Pero imbes na sumagot huminto siya.

"P-pwede ko bang makita si Gail?" Tanong ko, curious lang naman.

"Bakit? Balak mo siyang agawin sa'kin?" Nakangisi niyang tanong

"Hindi naman, tsaka di ako lesbian babae ako." Sambit ko, "gusto ko lang siyang makita kasi may mga storyang nagkakalat."

Tumingin siya ng seryoso sa'kin, "Hindi niya ako lolokohin." Giit niya at umalis.


Aish! "Lexxie!" Napalingon ako sa tumawag, sila Tart lang pala. "Himala atang kinausap ka ni Kael?"


"Wala, teka? Kilala niyo ba si Gail?" Tanong ko

"Gail? Yung syota ni Kael?"

"Oo."

"Aish! Yung maarteng bobitang yun? Haha Ewan kung bakit nagustuhan ni Kael yun?!" Sambit ni Roy

"Kasi nga sexy, tsaka Maganda! Alam niyo naman tayo diba? Basta sexy papatulan." Sabi ni Jake

"Sexy nga? Eh RIP naman ang ugali Aish! Mabuti pa si Sam, Maganda, sexy kaya lang mataray." Sambit ni Roy

"Tama na nga yang dada niyo! Lexxie, mamayang gabi sa Cresto bar kung gusto mo makita si Gail." Sabi ni Tart sabay lakad palayo

"Sasamahan ka namin, para naman makakita din kami ng hot legs dun" natatawang sabi ni Jake

"Ge Lexxie."

Nag paalam na sila at nag hiwalay na kami ng daan. Nakita kong nakatingin si Agatha, kasama niya ang alam niyo na? Bitch friends.

"Oh hey bestie!" Landi niyang tawag. Di ko lang siya pinansin at nag patuloy sa paglakad. "Hey your one of us now, dba malandi ka naman?"


Huminto ako at humarap, "wag niyo akong idamay sa kagagahan niyo, at malandi? Your referring to yourself."


Tumawa lang sila at mas nilapitan ako, "Oo inaamin kong bitch ako, kaya I'm recruiting you to be one of us."


"No thanks, wala akong panahon sa mga low class na kagaya niyo."

"Ouch?!"

"Excuse me?!"

"Dadaan ka? Cge dumaan ka na, dapat lang na marunong mag excuse ang mga Babaeng low class na walang alam kundi landi." Sabi ko at tuluyan ng pumasok sa room. Buti't wala masyadong nakakita sa dramang yun. Aish!



"Ms. Alquizar your late." Pero imbes na sumagot dali dali akong umupo sa upuan ko. Buti nalang at pinalampas ni ma'am.


"So what? Ba't ka late?" Tanong ni Sam

"Nakipag-away pa kasi si Agatha, aish! F*ck that gurl kung mka sabi ng malandi." Bulong ko

"Anyways! Break na sila ni Judo!" Masaya niyang sambit.


"Bakit? Naging sila ba talaga?"


"Hindi, i mean the date thing? Di na sila nag dadate."

"Buti naman." Ngiti kong Sabi

"Ba't di na nka lugay ang hair mo? Maganda ka pa naman dun."

"Tinatawanan lang ako ng tropa eh, alam mo na! Nagpa rebond daw ako." Inis kong sabi

"Be yourself nga kasi! Aish!"

Umiling nalang ako at nag take notes. Nakita kong nag teteccs si Kael, alam niyo na. Hokage moves, nakatago sa ilalim ng libro. Bigla kong naalala si Roy

"Nga pala Sam, Roy daw!"

"What?! You mean Royale Vallescas?"

"Oo, Maganda ka daw at sexy, nasa tipo ka daw niya." Natatawa kong sabi

"What? Oh well, I don't care. Hindi siya pasok sa standards ko." Ngiti niyang sabi

"May standards ka pang nalalaman ha?!"

"Of course!"







---°----°---





Nandito kaming apat sa Cresto Bar. "So para tayong imbestigador dito sa suot nating leather jacket?"

"Ikaw ang may pakana nito Lexx. Tsaka nacucurious din kami sa aura ng Gail na yan." Sabi ni Tart


Pumasok na kami at first time kong makapasok sa bar. Di kasi ako sumasama pag nag babar sila.


Full of drinks.

Strip dancers.

At maka binging music!


"So saan tayo magsisimula?!" Sigaw ni Jake

"Nandito na ba si Kael?!" Tanong ko

"Oo tineccs ko siya, pero syempre! Di niya alam ang pinanggagawa natin."


Agad kaming nag tago nang makita namin si Kael akbay ang isang, wow! Magandang babae.

"Siya na ba si Gail?"

"Oo, ang ganda nga niya talaga." Sambit ni Tart

"So anong plano?" Sigaw ko


"Pagmasdan sila?"

Tinignan namin sila Kael. Umupo sila sa isang stool malapit sa mga drinks. Maya-maya ay umalis si Kael, mukhang may nag text kasi.



Maya-maya pagka-alis ni Kael, may dumating na isang lalakeng matangkad at di ko itatanggeng gwapo.


Naghalikan sila hanggang sa kumuha sila ng kwarto. Napatingin naman ako sa kasama ko.

"Malandi nga talaga!" Sigaw ni Roy. Halatang inis.

Nang bumalik si Kael, nagtaka siyang nawala si Gail. Hangang sa napatingin siya sa banda namin.

"Takbo!!!" Sigaw ni Tart


Tumakbo naman kami at agad lumabas ng bar. Sumakay kami sa kotse ni Roy at umalis.

"Ang sama naman talaga ng Gail na yun, nawala lang saglit may bago na." Sambit ni Tart

"Wala na bang matinong babae ngayon?!" Sigaw ni Jake


Meron pa naman.



"Oy matino ang Samantha ko." Nakangising sabi ni Roy.


Aish! Kawawa naman ang mokong yun.


One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon