OOTB - 21

57 4 0
                                    

Pagkalabas ko nang bahay ay nadatnan ko ang Lima, kasama si Kris. Sa sobra kung excited na makita si Kael, niyakap ko siya.

Niyakap niya din ako pabalik. Pero nang ma realize ko ang pagkayakap ko napahiwalay ako agad. "Oh ano?! Namiss lang kita wag kang mag-isip nang kung ano!" Giit ko at napatingin kay Kris na ngayo'y nakayuko lang

"Oh Kris? Naka get over ka na ba kagabi sa pagka bakla mo?" Tawa ko

"Huh?! Bakit? Humalik ba yan nang kapwa lalake?" Tawa din ni Tart

"D-di ah!" Depensa ni Kris.

"Takot lang naman siya sa mga rides sa perya, hahaha kung nakita niyo lang kung pano siya sumigaw matatawa talaga kayo!" Kwento ko

"Sayang di mo videohan?!" Aniya ni Roy

"Di nga eh! Nabusy na kasi ako sa kakatawa!" Sagot ko

"So sinong mas bakla sa'min?" Nabigla ako nang mag tanong si Kael at hinarap si Kris.

Nag face to face na sila. "So anong drama yan?" Curious kong tanong

"Just answer Lexx."

"Sus yan lang pala?! Edi kayong dalawa! Hahaha!" Tumawa din ang tropa at tinapik ako

"You have to choose 1 Lexxine." Sabi ni Kris

"Di ako makapili kasi kayo naman talaga ang bakla!" Duro ko, "Aish! Tigilan niyo na nga yan! Tara na!" Sabi ko at pumasok na nang Van.

Oo Van, Van kasi ang dinala ni Roy eh, hindi yung Murcielago niya.



*******

Nang magsiuwian na kami nagulat ako nang nakatayo sila harapan ko.

"Hatid na kita pauwi." Nagkatinginan silang dalawa kasi sabay silang nag-aya

"Tumigil nga kayo!" Bulyaw ko at dinaanan sila. "Hindi ako pilay para ihatid niyo."

"Lexxine I love you." Na bigla ako sa sinabi ni Kris, kaya napahinto ako.


"Seriously?"

Naghintay ako nang kasunod pero wala na yung karugtong. Maglalakad na sana ako ulit pero biglang nagsalita si Kael.


"Wag kang maniwala Jan Lexx, mas kilala mo ko at mas kilala kita. Mahal na kita since nung bata pa tayo, nung nasa perya pa tayo Lexx."


Napalingon ako.

"Pero 3 years mo kong di pinansin nun Kael?"

"Kasi takot akong aminin sa sarili na gusto kita. Binigay ko ang atensyon ko sa iba, lumalayo ako sayo pero ngayon na realize ko na sinayang ko lang pala ang pagkakataon na dapat magkasama tayo."


Napabuntong hininga ako, "okay." Tipid kong sagot

"Balak ko manligaw Lex." Sabay nilang sabi kaya nagkatinginan nanaman silang dalawa.

"So ano?" Tanong ko

"Be the best man win Bro!" Sabi nila at nag shake hands pa.

Napa iling nalang ako at naglakad na palayo. At ayun hinabol nanaman nila ako -.-


"Kami nang dalawa ang maghahatid sayo." Sabay bilang sabi kaya napatawa ako


"Maglalakad ako."


"It's not a problem, maglalakad din kami." Sagot ni Kris

"May kotse ka diba? Dun ka na!" Bulyaw ni Kael kay Kris.

"Iiwan ko muna! Sasabay ako! baka san' mo nanaman dalhin si Lexxine." Sagot nito kay Kael.


Aish! Nauna na akong maglakad hanggang sa sinabayan na nila ako. Hindi ko nalang sila pinansin dahil panay' ang pag aaway at pag-aasar nila.



One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon