8pm na nang makarating kami sa party. Ano ba naman ang aasahan? Loud music, weird lights, drinks and party people. Pero descente naman siya na pag ka party, kasi halos nka dress lahat nang mga babae at naka formal attire naman ang boys.
Habang nakatayo kami sa isang table ni Sam agad akong nagtaka kasi parang may tumitingin sa'kin. Dinedma ko nalang to baka kasi gutom lang to. "Are you okay?"
"Oo naman pero sa dress? Shit! First time kong mag ganito ano?! Halos bulgaran ang legs ko, at buti nalang at nka flats lang ako. Kasi di ko masikmura ang heels, di ka ba nangangalay?" Bulyaw ko at uminom ng Ewan ano to.
Halip tumawa lang siya, "Sanay na ako sa heels lex, tsaka i can't see any problem on your legs." Sabay silip.
"Whatever na nga lang!" Sabi ko at nag face palm
"Okay lang ba kayo?" Napaayos naman ako ng sumulpot si Kris
"Oo naman, Sarap ng inuming to? Ano nga to?" Ewan kong tanong, nagpapansin ka ba Lexxie?! Pwe!
"Champaign, you are really gorgeous and kinda cute. I really want to know you better Lexxine." Napa seryoso naman siya sa huli niyang sinabi
Napalunok naman ako, at nakita ko si Sam na halos nagpipigil mag tili. Problema nito?
"Ahmm wait, can I introduce you to my friends?" Tanong niya sa'min
"Sure!" Sagot ni Sam
Pumasok kami sa loob, teka parang kinakabahan ako dito ah?! Lalo nang makita ko si Kael na busy sa phone. "Hey Kael!"
Shit shit shit! Aasarin nanaman ako nito! Tatakbo na sana ako ng biglang may nabunggo ako, "Lexxie? tinutuo mo talaga na mag papaganda ka?!" Natatawang bungad ni Roy
"Di kita nakilala Lex!" Parang na amaze pa to si Tart
"Oy Babaeng babae na ang bestfriend namin oh?" Mapang-asar na sabi ni Jake at inakbayan ako
"Excuse me?! Bestfriend ko din siya! Tabi!" Hila ni Sam sa'kin
"Gumanda lang pag-aagawan niyo na?" Seyosong tono ni Kael
Agad naman akong napa fist, "Peste ka ba?!" Bulyaw ko at lumapit sa kanya.
"Sorry na! Please wag kang mag eskandalo, tsaka dapat di mo inexpose ang legs mo. Ako pa ang nakakita ng mas malapitan niyan diba?"
"Totoo?"
"Whoah!"
"Stop it now okay? Haha magkakilala na pala kayo. Is she your friend?" Tanong ni Kris kay Kael
"Friends since First year."
"Ow, bestfriends?" Tanong ulit ni Kris
Tumango lang silang apat, i mean sila Kael. "Okay pwede na ba tayong kumain?" Pag eepal ko
"Yeah! Come with me." Nagulat nalang nang hinawakan niya ang kamay ko
Napa-iling lang sila Tart.
Kael's POV
Bakit pakiramdam ko na nagagalit ako?! F*ck! Bumalik na nga talaga ang feelings ko sa babaeng to.
"Oy pre! Halos mapunit mo na ang wine glass oh? Okay ka lang ba?" Tanong ni Jake, nasa living room kami. kumakain.
"Okay lang." Tipid kong sagot
Kaya siguro napapaamo niya si Lexx kasi trinitreat niya tong babae. Geez! Kailan ko ba siya napangiti? Nung sa perya lang pala.
"Aalis lang ako." Sabi ko at umalis
Nakita kong tumingin si Lexxie, pero nag patuloy lang ako sa paglakad. "Tequila sir?" Kumuha ako ng dalawa at uminom
Di mo alam ang epekto mo sa'kin Lexxie. Noon pinigilan ko pero sinisigurado kong di na ngayon.
