Kael's POV
"Salamat sa poods tol', sunod naman ha," pasalamat ni Tart ng makalabas kami
"Sunod nanaman bro ha?!" Sabi ni Jake sabay Apir
"Salamat." Tipid na sabi ni Lexxie
Sumenyas nalang si Roy at pumasok na din sa kotse. Ngumiti lang ako at kumaway. Di ako makapaniwala na nka bonding ulit kami tropa.
Pumasok na ako ng makita ko sa ate, "Ganda ng Lexxie ha, yun ba talaga yung Childhood friend mo?" Tanong niya
"Oo." Yun lang ang naisagot ko
Nakasama ko si Lexxie sa peryahan nung 9 palang kami. Isang Gabi lang yun pero yun na ang pinaka masayang araw ko. Lagi akong pumupunta nang perya nun, nagbabasakaling makita siya. Hanggang sa nag sira nalang ang peryahan hindi ko parin siya nakikita.
Inaamin kong hinanap ko siya. Hanggang sa tumungtong ako ng highschool. Kaibigan ko na sila Tart nun, nang napasali siya sa tropa. Nalaman ko nalang na siya pala si Lexxine, yung batang babaeng kasama ko sa perya.
Nagyaya siya sa'min nun mag perya nung 2nd year. Laking gulat ko nalang nang lahat ng rides sinakyan namin, at na kwento niya yung tungkol sa batang lalake na kasama niya nun. Dun ako nag taka, pero napatunayan ko na siya nga.
Pero di ko akalaing magiging tomboy siya. Ewan pero yun ang nakikita ko, ang asta niya at pananalita. Ibang-iba sa Lexxine na kilala ko nung gabing yun.
Naka dress pa nga siya nun, tapos nakalugay ang buhok at may clip sa gilid. Tapos makilala ko nalang siya ulit na naka Pants, over sized shirt or yung panlalakeng T-shirt at halos naka tali ang buhok.
Umiwas naman talaga ako nun, dahil alam kong nahuhulog ako. Kaya di ko siya pinapansin, at binigay ang atensyon ko kay Gail.
Pero tama nga sila, malandi si Gail. Hindi ko nga alam na matagal na pala akong niloloko. Aish!
"Basta Kael, sa tingin ko babae siya na kulang nalang mag-ayos." Sabi ni Ate Kaylie at umakyat na sa kwarto.
"Ewan, baka, siguro."
---°°°°----°°°°---
Maaga akong gumising, balak ko kasing pumunta kela Lexxie. Para dun na magkita-kita at sabay papasok.
To: Roy / Jake / Tart
Mauna na ako, kitakits sa bahay ni Lexxie.
From: Roy
Mag kokotse tayo tol?
Reply: Cge.
Bumaba na ako at lumabas. Breakfast thing? Di ako fan niyan.
Nag bus lang ako at bumaba sa kanto nila Lexx. Nadatnan ko ang kuya niya na papalabas. "Jhaxx! Si Lexxie?"
"Tulog pa eh, di ko na ginising kasi magwawala nanaman yun pag sinipa ko ang pintuan ng kwarto niya." Giit niya
"Babe wait lang." Tawag ng isang babae sa kanya, nag ayos pa nga to sa dress niya. Nang makita niya ako ngumiti lang siya.
"Halika na," tawag niya sa babae, "Cge Kael, mauna na kami pumasok ka nalang."
Tumango lang ako at pumasok. "Hi po sir Kael, gigisingin ko lang ho si Ma'am Lexxie."
"Ay ako na! Pwede naman ata dba?" Pigil ko
"Cge po."
Umakyat na ako, at sa bawat hakbang ko may mga pictures. Picture ni Lexxie, nang Dalawa niyang kuya at ang dad niya. Yung mom niya kaya?
So pano ko to gigisingin. Sinipa ko nalang ang pintuan niya. Payo naman ata to ng kuya niya kanina eh.
"Kuya! Last nalang ha! Kung sisipain mo pa yan masusuntok kita!" Pero di parin ako tumigil
Agad akong napahinto ng buksan niya ang pintuan.
"Ano ba-"
Whoa!
Sando?
Maikling shorts?
Wavy hair?
"Damn! Ang hot mo pala pag natutulog?!" Ngiti kong sabi
Agad niyang sinira ang pinto. May narinig akong sasakyan sa labas, si Roy na ata yun.
Bumaba nalang ako at lumabas.
-------------------------------
Salamat ho sa votes and comments. :D xD xD Si Kael nga pala yung nasa taas.
~ STQueen
