Halos nag chismisan ang lahat ng makita nila ang galos ni Kael. Diba nga sabi ko sikat siya, aish! Sikat siya dahil sa pagiging bad boy.
"Take your sit Mr. Fortalejo, the evidence is on your face kung bakit ka late."
Naglakad na siya sa bandang harapan, dun kasi ang assigned sit niya.
"Anyare' sa kanya Lexxine, dba ka tropa mo yan so dapat alam mo." Tanong ni Sam.
Di ko nga pala napakilala si Sam. Siya si Samantha Olivia Cortez, ang kaisa-isa kong girl bestfriend. Aish! Cheesy nga kasi di alam ng tropa ko.
"Yan ang di ko alam. Hindi siya sumabay sa'min kanina eh."
"Tingin ko, napaaway yan. Eh kayo? Napapa-away din ba kayo? I mean yung tropa mo?" Tanong ni Lexxine habang nag ta-take notes.
"Ahmm minsan? Pero di naman kami basagulero ano, napapa trouble lang kami pag may kailangan awatin." Depensa ko
"Sayang! Ang cu-cute pa naman nila, Gosh! I think crush ko sila lahat."
Napa-ubo naman ako, "malala ka na Sam." Tumawa lang siya at binaling na ang sarili sa harapan
Nang matapos ang klase, nagpunta ako sa classroom nila Tart, ayun! Di pa sila pinapauwi.
Di ko nga pala nasabi, na ka klase nila si Judo, yung crush ko. Di nga nila alam eh, kasi pag nalaman nila, tsak! Aasarin ako.
"Kanina ka pa ba Lexxie?" Tanong ni Tart pagkalabas nila
"Pesteng prof yun!" Sigaw ni Roy
"Di ka pa nasanay?! Eh halos ini-extend niya ang klase natin ng 20 minutes." Dagdag ni Jake
"Bakit di nalang kasi tayo magka-klase." Asar ko. Nakita kong sumama ang tingin nila sa'kin "may masama ba sa sinabi ko?"
"Oo na kayo na ang Swerte ni Kael, mabait ang guro at halos maaga kayong pinapauwi." Bulyaw ni Tart
"Teka? Si Kael nasan?" Tanong ni Jake
"Di mo ba sinama?" Dagdag ni Roy
Umiling ako, "sinama? Eh dali-daling lumabas eh. Tsaka, nabalitaan niyo ba kung anong nangyare sa kanya?"
"Tineccs niya ako tungkol dun, napaaway siya ng dahil kay Gail." Sabi ni Tart
"Gail?"
"Yung bagong Gf niya."
Napatango nalang ako. Pang apat na niya si Gail, "Teka? Ba't daw siya napaaway?"
"Binastos daw si Gail kagabi sa bar, Ewan ko din kung bakit nasa bar si Gail." Iling na sabi ni Tart
"Ah." Yun lang ang nasagot ko.
Nagpunta muna kami ng Gym. May practice kasi sila Jake at Roy, sumama naman ako kasi makikita ko si Judo.
"Oy Lexxie, susunduin ko muna si Jane ha." Paalam ni Tart.
Haaaaays! Buti pa tong mga mokong to, may Love life. Eh ako? Kung aminin ko kaya kay Judo na mahal ko siya.
"Hey Lexx" nagulat ako ng tumabi sa'kin si Agatha, "So ano? Your waiting for your boys?"
Nang-aasar ba to?!
"Boys? Teka nga, di ba pwedeng Kaibigan? Tsaka lumayo ka nga! Ang Fc mo naman." Sabi ko
"Wow! Real talk ha, pa kunware ka naman talagang palapit sa mga boys. Eh ang modus mo naman ay ang landiin sila."
Wow!!
"Wag mo ngang' baliktarin ang usapan, ikaw tong malandi. Kaya wag kang umastang desente, di ka naman matatanghal na bitch kung hindi ka malandi." Bulyaw ko
Sasampalin niya sana ako ng napigilan ko, "Let go of me!"
"Lexxie!!" Narinig kong sigaw ni Roy at Jake. Binitawan ko ang braso ni Agatha. Tumakbo naman ito kay Judo.
"Babe, save me from that ugly brat. I was just want to be friends with her and then she squizzes my hand." Talaga lang?!
"Rest in peace sa yong pagdadahilan, haha di ko alam na story maker ka pala." Natatawa kong sabi
Tinignan lang ako ni Judo at hinila si Agatha palayo. Gusto ko na siyang sugurin at suntukin nang ngumisi pa siya na para bang nanalo?! F*ck that gurl!
"Oks ka lang?! Pinatulan mo na sana." Iling na sabi ni Jake.
"Hindi ako pumapatol ng babae." Sabi ko at tumalikod na
"Dapat lang! Lalake tayo diba?!" Sabay hila ni Roy sa'kin at inakbayan kami ni Jake
"Oo naman! Dba Lexxie! Lalake tayo at di basta-basta papatol ng babae!" Sang-ayun ni Jake
Ngumiti lang ako. Pero nagtaka sila ng di ako sumagot. "Oo nu! Lalake tayo kaya di tayo papatol ng chicka-babes!"
"Tumpak!!"
Dati masaya naman ako pag sinasabi ang katagang to, pero ngayon? Ewan, di ko maipaliwanag.
