"Salamat sa gabi Kael." Sabi ko pagka-baba ko nang kotse, "Takot ka pa rin sa Ferris wheel!" Asar ko
"Haha! Kasalanan ko ba? Ang hilig mo talaga sa mga rides!"
"Alam mo? Nakakapag-taka, takot ka sa ferris wheel pero sa roller coaster hindi."
"Takot ako sa heights Lexx." Sabi niya at sumandal sa kotse
"Ah kaya pala, cge mauna na ako." Papasok na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa braso, "p-problema mo?"
"Pwede ba ako sa inyo maki-matulog? Sirado na kasi ang bahay namin sa ganitong oras."
Kawawa naman pala to, tsaka 1 am na din pala.
"Cge. Tara pasok na tayo."
Pag pasok namin, tulog na sila halos neon lights nalang ang ilaw. "Ganito ba talaga pag gabi sa inyo? Ang Ganda!" Bulong ni Kael
"Ah Oo! Ginawa to ni Kuya Javis, para exciting ang gabi." Kwento ko
"Ah cge, kompante na ako sa sofa matulog."
"Ano ka ba?! May loft ako sa kwarto, dun ka nalang." Sabi ko at umakyat na. Sumunod naman siya.
"So ito pala ang kwarto mo?" Bungad niya nang maka pasok siya, "so mahilig ka talaga sa Bullcaps? Tsaka vans?"
"Ah Oo, tsaka wag ka nang makealam matulog na tayo, umakyat ka na sa loft. May kama na dun tsaka ito oh," sabay abot sa kumot. "Bago yang laba ha kaya wag kang OA mabango yan."
"Hahaha kung mka asta ka? Cge na. Teka? Hindi ka na magbibihis?"
"Nang ano?" Curious kong tanong
"Yung sando --"
"Hindi!!" Giit ko
"Sabi mo eh, gud night?"
In-off ko na ang ilaw. Sobra na ang araw na ito, buti nalang at walang pasok bukas.
Kael's POV
Nagising nalang ako sa malakas na kabog sa labas. "Kuya! Ayan ka nanaman ha? Eh wala namang pasok!" Sigaw ni Lexxine.
Mhen! Sakit nang pakiramdam ko. Ang lamig pa nang aircon. Geez! Mamamatay na ata ako.
"Kael! Di ka pa ba babangon?" Rinig ko sa baba. "Oy! Epekto ba yan sa ferris wheel?"
Wala akong lakas para sumagot. Nag taklob lang ako nang kumot, nang bigla niyang hinila. "Oy Mr. Fortalejo di to hotel kaya -- Kael?!"
Agad niya akong nilapitan at hinawakan sa noo. "Kael? Ba't di mo sinabi? Taas nang lagnat mo, para kang prinito."
Agad siyang bumaba, "Teka lang! Kukuha lang ako nang ahh shit! Di ko alam to." Mura niya
Maya-maya dumating na din siya na may dalang ice cream? "L-lexxie, o-okay lang ako."
"Tignan mo nga yang sarili mo sa salamin? Tapos okay?! Nganga!" Utos nito at nag scoop nang ice cream
"N-no choice. M-mahal --''
"Yan! Good boy! Yumyum diba?" Sabi nito at sinubuan nanaman ako nang ice cream. "Ano nga pala yung sabi mo?"
"M-mahal ba yang ice cream?" Mahal kita Lexxie
"Sus! Kaya lang ang presyo nito, tsaka binili ko lang to kanina."
Kailan ba ang tamang tyempo para sabihin ang nga katagang yun?
"Lexxine? Ang daming ice cream sa ref?" Sigaw nang kuya niya mula sa labas
"A-alam ba nang k-kuya mo na nandito ako?"
"Oo sinabi ko. Tsaka dedma lang naman sakanya."
Tumango nalang ako.
