Maaga akong gumising para maka ganti kay kuya. 5:42 palang nang umaaga pumunta na ako sa kwarto niya. Sinipa ko ang pintuan sabay sabi, "Oy gising na! Ganyan ka naman diba? Walang awa kung mka sipa sa pintuan ng kwarto ko?!" Sigaw ko
Maya-maya may narinig akong sigaw mula sa kwarto niya, "Gumaganti ka ba Lexxine?!" Agad na akong bumaba at tumungo ng kusina.
Success!
Nadatnan ko si Lorraine na kumakain ng pandesal. "Di ka ba kakain?" Tanong niya nang kumuha ako ng soda
"Di na, cge Ate Lorraine paki sabi nalang kay kuya na mauna na ako." Paalam ko
"Cge"
Lumabas na ako at nadatnan silang apat na nakasandal sa kotse ni Roy. "So anong meron?"
"Hinihintay ka." Masayang bungad ni Kael. "Tara na!"
Ngumiti nalang ako at pumasok na kami sa loob. "Good mood ata kayo?"
"Naman! Kasi buo na ulit tayo at wala ng away." Sabi ni Tart
"Last stop!"
"University!" Sigaw nilang apat
Tumawa nalang ako at puro daldalan ang kasunod.
"Cge tol' mauna na kami!"
"Kitakits mamaya!"
Isa-isa kaming nag fist bump at naghiwalay na ng daan. Kasama ko si Kael since classmate ko naman siya.
"Ang astig kasi kasabay na kita ngayong pumasok." Sabi ko
"Ako rin." Ngiti niyang sabi. Aminin kong medyo awkward pero keri lang.
Nakita ko si Sam na papalapit sa'kin, pero nang makita niya na kasama ko si Kael, sumenyas siya na mamaya nalang. Halos nakatingin ang buong klase ng sabay kami pumasok ng room ni Kael.
"I smell something? Okay na ba kayo ni Fortalejo?" Tanong ni Sam pagkaupo ko
"Halata naman siguro."
"Kailan lang?"
"Nung nakaraang araw."
"Mabuti naman! Guess what? Punta ka sa bahay ngayong miyerkules ng gabi, birthday ng pinsan ko. Si Kris?" Napaisip naman ako
"Kilala ko na ba yan?" Tanong ko
"Hindi pa pero hey mabait siya! Siya nalang ang crush mo imbes na si Judo! Casanova na ata siya eh." Napalingon naman ako sa kanya
"Pano' mo nasabi?"
"He's dating Gail Sanchez, the total freak bitch! Second demotion ni Agatha?! Like duhhhhh!!"
"Nakaka turn off nga, ba't ko nga nagustuhan si Judo?" Nakangisi kong tanong
She rolled her eyes. "Kasi magaling siya sa bball and he got that killer smile."
"Ah."
---°°°--°°°---
"Lexx! Sabay na tayo?" Nakangiting alok ni Kael
"Oh naman!"
Sabay kaming naglakad sa hallway, hanggang sa makarating kami sa parking lot.
"So tara? Saang bahay tayo?" Nungg ni Tart.
Ngumiti naman si Kael, "sa'min nalang! Tamang-tama nag luto si mom, nag text kasi siya."
"Orayt! Tara." Sumakay na kami sa kotse ni Roy at next stop? Kaels residence!
Sa sobrang daldalan, di namin namalayan na nakarating na pala kami. "Nandito na pala tayo."
Isang malaking dos'andanas ang nasa tapat namin. Saktong may magandang babaeng lumabas.
"Welcome nga pala, Roy, Jake, Tart at Lexxine." Tumingin siya sa'kin, "Ang ganda ng pangalan mo, bagay na bagay sayo." Sabi niya, "Ate nga pala ako ni Kael, tara pasok."
Nakapagtataka, first time kong maka punta dito sa bahay ni Kael at kilala pa talaga ako?
"Pano' nalaman ng ate ni Kael ang pangalan ko?" Tanong ko kay Tart
"Na kwento ka siguro ni Kael sa ate niya, tsaka kaibigan niya naman tayo kaya kilala niya tayo." Sagot niya
Tumango nalang ako.
"Guyys sa kwarto ko muna kayo, tutulungan ko lang si Mom." Sabi ni Kael.
"Cge."
Umakyat na kami. Simply lang naman ang kwarto niya, pero ang daming pintuan.
Nakaupo lang sila sa couch habang ako tinotour ang kwarto. Napadaan ako sa drafting table niya.
May mga blue prints at may parang sketch ng babae. Titignan ko na sana nang biglang awatin ako ni Kael.
"Ahmm ano, tara kakain na" sabi niya. Halatang kinakabahan? Bakit naman.
"Ahmm cge!" Masaya kong Sabi at binatukan si Roy. "Di ka daw pasok sa standards ni Sam?!"
"Ano?! Pano' mo nalaman? Gawa gawa mo lang ata yan"
"Di ah?! Magkaklase kasi kami, Aish! Bahala ka nga!" Sambit ko
"Oy teka lang! Lexxie!"
Di ko na siya pinansin. Hahaha bahala siya, ayaw pa maniwala! Bumaba na kami at kumain.
Medyo awkward nga kasi naramdaman ko kahit sandali ang magkaroon ng mama. Aish? Ayaw ko sa mga flashbacks!
----- ------------- -------------
Hi Readers :D salamat sa reads, votes and comments :D xD Appreciate ko lahat :D
~STQueen
