OOTB - 11

80 7 5
                                    


Lumabas ako para hanapin si Kael. Na curious lang ako kasi bigla nalang siyang umalis kanina. "Saan ka pupunta?" Tanong sa'kin ni Kris

"May hahanapin lang."

"Samahan na kita."

"Wag na, wala ka bang tiwala sa'kin? Cge na Kris, kailangan mo pang mag entertain nang ibang bisita." Sabi ko at ngumiti.


"But you are special to my night Lexxine, I exist." Pinigilan ko siya


"Okay lang talaga, nag enjoy ako sa gabi Kris. Thank You." Sabi ko at umalis na.



Gwapo at mabait naman si Kris, pero di ko pa siya gaano ka close. Aish! Mahirap mag tiwala sa taong ngayon mo lang nakilala.


Pumunta ako sa mga table, pero walang Kael. Nasan ba yung mokong yun? Hanggang napadpad ako sa may bar station nila Kris, whut?! Lasing na ba to?



"Kael? Oyy!" Sabi ko at pinalo siya sa noo. "Gising! Ang gago mo naman para mag lasing! Tsaka ano bang problema mo?!" Sabi ko at hinila siya patayo


"Hi babe! You're so hot simula pa nung sa perya, yung bata pa tayo?" Kwento niya at halos di pa mka salita nang maayos.


"Ikaw yun? Yung batang takot sa ferris wheel?!" Natatawa kong sabi


Naaalala ko yun.





"Sakay nanaman tayo niyan!" Sigaw ko sa kanya sabay turo sa Ferris wheel

"Ano? Di ka pa ba na kuntento sa mga rides? Pambihira ka naman Lexxine." Natatawa niyang sabi


"Sabihin mo nalang natatakot ka Jan! Cge na kasi Kael. Last na to please?" Makaawa ko

"Ang cute mo talaga! Cge na nga."






"Di ako makapaniwala na ikaw yun?!" Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinalikan sa leeg. Yung feeling na parang vina-vacuum niya? Shit!


"Oy abnormal!" Sinampal ko siya at inilayo. "Wag na wag kang lala-" di ko natapos ang sasabihin nang bigla niya ako hinalikan. Ewan pero di ako makagalaw.


Halatang sanay siya sa paghahalik. Di ako maka galaw, kumbaga shock! Nang matauhan ako nilayo ko siya. "Gago ka ba?! FK ko yun?! Taz ikaw kukuha? Kung ipa salvage kaya kita?!" Bulyaw ko.


Na bigla ako ng tumakbo siya sa may pader, sumuka ng sumuka. Hinaplos ko nalang ang likod. "Yan kasi eh! Aish!"



Pagkatapos hinatid ko na siya sa bahay nila. Mabuti at nakatulog to' Aish! Kaya ngang ayaw ko sumama pag nag babar sila eh.



"Lexxine? Anyare'? Whoa your so hot on that dress!" Bungad ng ate niya

"Ahmm thanks? Pero pwede pa tulong?" Akay ko kasi tong baklang to.

"Ay sure! Sorry!"


Hinatid na namin si Kael sa kwarto niya. Nang bigla niya akong hinila at niyakap. "Kael! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko


Hinalikan nanaman ako sa labi! Shit! Lumayo ako at napa tingin kay ate Khayla. Gulat na gulat.


"Nakakarami ka na ha! kung hindi ka lang lasing siguro bogbog sarado ka na sa'kin." Sigaw ko at umalis na


"Di pa rin ako makapaniwala. Haha!" Bungad ni Ate Khayla pagkababa namin

"Lasing lang-"

"Babaeng babae ka na?! Look, your a hottie! Tama na nga ba na may ganda kang tinatago." Masaya niyang sambit

Mabuti naman at dinedma niya yung kiss.

"Salamat?" Awkward kong sabi

"Ano ka ba!" Sabay Palo sa'kin pero mahina lang


"Cge ate mauna na ako." Paalam ko

"Ingat!" Pakanta niyang sabi


Nag commute nalang ako. Kotse kasi ni Kael ang ginamit ko. At Oo marunong akong mag drive. Don't ask me kung pano'.







----°°°---°°°----





Nagising ako nang di sinipa ni kuya ang pintuan. Natauhan na siguro. Aish! Sarap pa matulog. At di parin ako makapaniwala sa nangyare! Aish! Lasing lang siya kaya ka niya hina- aaaaarhhgg!!



Bumangon na ako at naligo, nag bihis at boom! Bumaba na ako at lumabas. "Oyy magandang binibini!" Bungad ni Tart


"Tigilan niyo nga ako!" Sabi ko habang uminom ng soda


"Ano ka ba? Tanggap ka na namin, ang ganda mo nga kagabi eh. At alam mo bang ma swerte kami kasi kaibigan ka namin."


"Seryoso ba kayo?" Curious kong tanong


"Maniwala ka kasi, natauhan kami na sobra na pala kaming nakakaloko sayo. Pero Lexxine kahit anong mangyare' best friend mo parin kam ha?!" Nag dradrama ba to?!


"Ang drama niyo hahaha! Tara na nga!" Tumawa naman sila at inakbayan ako.


"Sorry talaga Lexxie ha!" Sigaw ni Roy, "Kaya tulungan mo na ako kay Sam."


"Mangarap ka Roy!" Sagot ko


"Ano ba kayo?! Panira kayo ng moment eh!" Bulyaw ni Jake.


"So anong drama niyo?" Napatigil kami at lumingon kay Kael. Shit! Naaalala ko nanaman yung kagabi.


"Wala lang, bawal bang akbayin namin tong si Lexxie?" Sagot ni Tart


"Teka? Ano yang nasa leeg mo?" Napatingin naman silang apat



"Ano bang meron?" Pilit kong tignan ang leeg ko


Umiling sila, "Grabe! Ganyan ka na pala ka wild at may kiss mark ka?" Natatawang sabi ni Jake


"Wag niyo nga akong pinagloloko!"


"Sinong humalik sayo?" Seryosong tanong ni Kael


"Aish! Sino ba kasing lasing kagabi na bigla nalang manghahalik! Geez! Di ka pa nagtaka kung bakit ka naka uwi?!" Bulyaw ko. "Tara na malelate na tayo."



Di parin makapaniwala si Kael sa sinabi ko. Todo tanong naman tong apat. Naglakad lang kami papuntang school. Aish! Ayaw ko namang sabihin eh, kaya ayan! Nasa stage of shock ang loko.


One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon