Nandito na kami sa peryahan malapit sa plaza. Okay, hindi ito yung ineexpect kong peryahan. Mas gusto ko kasi yung tahimik at wala masyadong tao.
"So anong uunahin natin?" Tanong ni Kris nang makapasok kami
"Kahit ano, ready naman ako sa nga rides na yan." Nakangisi kong sagot
"So wala kang kinakatakutan sa mga rides? Kahit isa?"
"Wala eh, ikaw? Meron nu? Hahaha!" Asar ko. Halata kasi sa mukha na parang may rides siyang kinakatakutan.
"Wala nu?! Kaya ko yan, rides lang pala eh!" Pa kompante niyang sabi
"Sure ka ha?!" Panigurado ko at hinila na siya sa may Ferris wheel.
"Oo nga kasi."
Sumakay na kami nang ferris wheel. Abala ako sa pag tanaw sa baba mula dito sa itaas. Natawa nalang ako nang napadikit at napapikit siya sa pagkakaupo.
"Oy?! Kris? Oks ka lang? Akala ko di ka takot?" Tawa ko
"D-di ah! Nag dedaydream lang ako. A-ang ganda nga dito sa taas." Palusot niya hahaha.
"Paano mo nalaman? Nakapikit ka kaya?!"
"Nag dedaydream nga ako diba?" Sabi niya habang nakapikit parin. Umiling nalang ako at inenjoy ang view sa taas.
"So san tayo? Sa octupos? Sa barko? Or sa roller coaster?" Tanong ni Kris sa'kin pagkababa namin
"Sa roller coaster nalang! Mas mabilis at nakakawala nang hininga." Asar ko kaya napa atras siya nang kaunti.
"Sigurado ka ba diyan?"
"Oo naman! Ang saya kaya niyan?! Nakakabakla!" Sabi ko at hinila nanaman siya.
"Lexxie!! Hindi ako--"
"Sus! Lalake ka diba? Kaya kaya mo naks naman oh?! Hahaha." Asar ko nanaman
Sumakay na kami at napa seatbelt siya agad. "Wag kang iiyak Kris ha?" Tawa ko
"Hahaha?! Ako iiyak? Siguro pag--"
Di na niya natapos ang sasabihin dahil umandar na ang roller coaster. Haha! Halos nababakla na siya sa kakasigaw, habang ako natatawa nalang.
Pagkababa namin ay halos namutla siya. "D-di ko akalaing ganun pala!" Bulyaw niya at tumakbo sa gilid at sumuka.
"Halaaaaa Kris!! Buntis ka? Haha sinong ama!" Asar ko, "Jowk lang, Oks ka lang?" Sabay abot nang panyo
"Oo naman!" Sagot niya na hinihingal. "Ayaw ko na." Giit niya at hinila na ako palabas nang perya
"Hah?! Eh dalawa pa nga yung nasakyan natin! Akala ko ba lahat?!" Reklamo ko
"Suko na ako Lexx! Ganyan pala ang epekto niyan! Nakaka sakit nang ulo!"
"Sabihin mo nalang kasi na nababakla ka!"
"H-hindi nga! Gusto mo halikan pa kita?" Sinuntok ko siya sa sikmura. "Ugh!"
"Yan ang di pwede! Gusto mo pa ba nang suntok? Libreng-libre ang kamao ko."
"W-wag na! Tara na nga!"
Sumakay na ako sa kotse niya at hinatid niya ako pauwi.
"Sana nag enjoy ka Lex." Sabi niya pagkababa namin
"Oo naman! Nag enjoy ako sa kakatawa." Sagot ko
"Kahit na at least napatawa kita." Sabi niya at sumandal sa kotse niya
"Aish! Cge na cge na! umalis ka na!" Pagtataboy ko
"So ganun nalang? Ipagtataboy ako?"
"Oo kasi papasok na ako at matutulog! Gud night Kris, salamat chao!" Paalam ko at pumasok na.
Hahaha mas malala papala siya kay Kael. Bakla na bakla! Haha.