Lumabas na ako at nakita ko si Kris. Nakangiti habang nakapamulsa. Nagtaka ako kung bakit wala si parin si Kael. Ano na ba kasi yung emergency?
"Good morning princess." Bungad niya nang maka labas na ako nang gate. "How's your sleep?"
"Ayos naman tsaka medyo inaantok pa." Sagot ko.
"Lexxie!" Napatingin ako sa bandang kanan.
False hope.
Akala ko si Kael -.- Aish!
"Pwede ba kaming sumabay?" Bungad ni Tart sa'min. Damn! Namiss ko sila.
"Oh naman!" Inunahan ko si Kris, "okay lang naman diba?" Tanong ko
"Of course!" Ngiti niyang sagot, "so let's go! Baka ma late pa tayo."
"Haha sanay na kami ma late Kris!" Sabat ni Jake.
"Naman! Nahawa kasi kami kay Lexxie." Dugtong ni Tart
"Nak' nang?! Teka? Kayo kaya ang sumusundo sa'kin." Depensa ko
"Nauuna kaya kami, sadyang matagal ka lang lumabas." Depensa ni Tart
Umiling nalang ako.
Pumasok na kami sa kotse at tumungo na nang school. Kanina ko pang napansin ang tahimik ni Roy. Ang lalim nang iniisip.
"Roy oks ka lang?" Di ko na kasi mapigilang mag alala.
Tumingin lang siya sa'kin at tumango. Binaling niya ang atensyon sa labas. Tinignan ko si Jake at Tart nang 'anyare' Jan look.
"Kahapon pa yan ganyan, ewan kung bakit." Bulong na sagot ni Tart
"Tanungin namin kung anong problema hindi sumasagot." Dugtong ni Jake.
Humarap na ako sa harapan at napaisip. Tindi siguro nang problema niyan, either pamilya or love life. Aish!
Nang makarating kami sa University walang kibong bumaba si Roy sa kotse at naglakad papasok nang hindi man lang kami hinintay.
"Okay lang si Roy?" Tanong ni Kris. Halata niya siguro ang pagiging cold ni Roy. Ano ba kasi'ng problema nun?
"Hayaan nalang muna natin siya." Sabi ko. Tumango naman sila Tart at nag paalam na aalis na.
Ganun din kami ni Kris.
Pagpasok namin nang room wala pa rin si Kael, pati si Sam wala din. Nakita kong nakatingin sa'kin si Lorna, classmate ko.
"Di mo ba alam?" Tanong niya sa'kin pagka upo ko
"Di alam ang ano?"
"Lumipat na nang University si Samantha."
Napahinto ako. Si Sam? Lilipat?! Eh maayos naman siya dito ah? Walang dahilan para lumipat siya. "B-bakit daw?"
"Yan ang di ko alam. Akala ko nga alam mo kasi diba bestfriend kayo?"
"Ewan ko. Sa inasal niya, sa pag di pag text o tawag kung kamusta na siya. Feeling ko di na ako mahalaga sa kanya." Sagot ko
"Malay mo may dahilan siya. O baka naman nakalimutan ka na niya."
Napakunot ang noo ko, "makalimutan? Impossibly! Siguro nga sobrang busy na niya at wala na siyang oras sa'kin. Tanggap ko naman, bahala siya."
Tumango lang si Lorna at naglakad na pabalik sa assigned seat niya. Saktong dumating ang prof kaya nag simula na ang klase.