OOTB - 18

65 6 0
                                    

Lexxine's POV

Nang makauwi na si Kael, dumeretso ako sa La Alquizar. Ang kompanya namin. Umuwi na pala si dad kahapon, di man lang kami sinabihan. Aish!

"Name po ma'am?" Bungad sa'kin nang babae sa may counter

"Lexxine Alquizar." Sagot ko. May tinype siya sa computer nang kung ano at, "sorry pero wala po kayong appointment kay Mr. Alquizar."


Peste?!

"Miss tanga ka ba? Anak ako nang may-ari dito! Kaya please, wag mong pairalin ang kabobohan mo. Mag ka same na nga ang apelyedo namin di mo parin na gets? Ghaaad! Slow na nga! Tanga pa? Bobo pa?!" Inis kong sabi


Nakita kong napayuko lang siya. "Dapat sayo palayasin. Sa asal mong yan? You don't deserve to be in this company!" Giit ko at pumunta na nang elevator.


"So what now dad?" Bungad ko pagkapasok sa office niya.

"Lexxine anak, I want you to handle your mom's company." Sabi niya sabay tiklop sa laptop.


Napa-iling ako. "Dad, alam mo namang wala akong alam sa business, tsaka si Kuya Jhaxx nalang."

"Lexxine, wala din akong alam sa fashion, it's your mom. It's also a girl thing actually so you can handle it better than Jhaxx."


"Fine! Para kay mom gagawin ko. Aish! Mahal ko si mom kaya kakayanin ko." Sabi ko


"Lexxine, please. Wag ka naman umasta na napilitan ka. Gusto kong mamana mo to. One day you can run the business. "



"Alam ko. Dad 4th year pa ako, kailangan ko pa nang time para pag aralan yan." Giit ko


"That's why your going to america soon when you go to college." Nagulat ako


"What!? Magagaya ako kay Kuya Javis?"

"It's for the best anak. Tsaka ginusto din yun nang kuya mo Lexx."


"Pero iba ako, may mga paaralan naman dito na worth of learnings. Kumbaga high class education dad? Kailangan pa ba dun?"


"I said earlier, it's for the better."


"No dad! Not for me.Look, wala ka na ngang oras para sa'min tapos tatawagin mo nalang ako para ipamahala sa'kin ang isang kompanya? Dad! Nagiging selfish ka na! You've changed a lot simula nang mawala si mom." Bulyaw ko, di ko na kasi mapigilan.



"It's not about being selfish Lexxine, I'm thinking for your own good. Si Javis na ang mamahala nang La Alquizar soon at ikaw naman sa El Francheska. Goodness gracious Lexxine!" Halatang naiirita na si Dad.



"Whatever!" Sabi ko sabay walk out


"Lexxine!"



Huminto ako, "Hindi na kita kilala, your not my dad anymore. Kasi ang dad ko? Mapagmahal, maalaga at higit sa lahat kayang mag laan nang oras!"



At yun na yung time na lumabas na ako. Ewan pero naluluha ako. Naging ganyan na siya simula nang mawala si mom.



Nasan siya nung mga oras na kailangan ko siya? Wala! Aish! Hinding-hindi ko makakalimutan yung mga araw na nag kasakit ako, yung na ospital ako. Sa mga recognition ko nga eh wala siya, nung graduation ko pa kaya?! Sakit at inggit ang naramdaman ko nun. Kasi mga classmates ko may mga guardian, eh ako? Si kuya Javis lang ang kasama ko nun.




Parang nawala na din siya.






Umuwi na ako at nadatnan ko si Kris na naka upo sa may bench sa labas. "Lexxine?" Tawag niya sa'kin at niyakap ako.


"Ahm? O-oks ka lang?"


"Ikaw? Okay ka lang ba? Mukhang di ka kasi okay? Yung tipong tamlay?" Tanong niya at kumalas


"Okay lang. Bakit ka pala nandito?"


"Dadalawin ka sana? Namiss din kasi kita." Ngiti niyang sabi


"Ah hahaha. Oks lang ako, cge pasok na ako." Paalam ko at iniwan na siya.


"Lexxine --"

"Pwede? Next time nalang? Lutang ako okay?!" Taray kong sabi at tuluyan nang pumasok.


Aish! wala talaga ako sa mood. Ewan! Kailangan ko pang maka usap si Kuya Javis.


"Oh Lexx? Oks ka lang?" Bungad sa'kin ni Kuya Jhaxx

"Kuya? Bakit dito ka sa pilipinas nag college? At yung tungkol sa La Alquizar." Curious kong tanong


"Dito ako nag college kasi gusto ko, at mas kompante ako kung si Jhaxx nalang ang humandle sa La Alquizar. Wala naman akong alam sa wine industry."


"So anong ginawa mo para di ka sa America mag-aral?"

"Sinabi ko na si Jhaxx na ang bahala sa kompanya, edi approved!"


"Eh bakit ako --"


"Lexx, kailangan ka sa kompanya ni mom. At 100% ako na maging masaya siya pag hawak mo na ang pinaghirapan niya." Kwento ni kuya at tinapik ako sa balikat, "isipin mo si Mom Lexx." Dagdag niya at pumasok na sa kwarto.





Kakayanin ko ba? Aish! Mahal kita mom, kaya papahalagahan ko ang pinaghirapan mo.

One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon