OOTB - 3

115 11 1
                                    


(A/N) si Lexxine po yang nasa taas :D xD salamat ho sa reads.

-------------------------------------


"Cge Lexxie! Bukas ulit, dadaanan ka namin dito ha." Paalam nila. Tumango lang ako at pumasok.

Pagpasok ko nagulat ako sa babaeng nakaupo sa Sofa. Agad naman siyang ngumiti ng makita ako. "You must be Lexxine, ako nga pala si Lorraine." Pakilala niya

"Ahmm Hello, si kuya?" Tanong ko. Mukha naman siyang mabait so why not treat her nice?

"May binili lang sandali." Sagot niya

Tumango lang ako at umakyat sa kwarto. Pagkatapos kong magbihis ng oversized shirt at jogging pants bumaba ako. Nadatnan ko sila kuya na may ginagawang project sa sala.

"Lexx?" Agad naman akong napahinto sa paglakad at pinuntahan si kuya.

"Siya ba?" Tanong ko. Alam na ni kuya ang ibig kung sabihin.

"Yes girlfriend ko siya. Kaya magpakabait ka ha, protectahan mo siya gaya ng isang lalake, tulad ko." Sabi niya, nakita ko namang nakatingin si Lorraine sa'kin.

Akala niya siguro tomboy ako, "di ako lesbian, babae ako!" Depensa ko, umiwas ako ng tingin.

"Babae? Eh mas lalake ka pa ngang pumorma sa'kin?! Haha hayaan mo na siya Lorraine" natatawang sabi ni kuya Jhaxx

Umiling nalang ako at nag tungo sa kusina.

"Yaya, pangit ba ako?" Ewan ko kung bakit ko natanong.

"Ano ka ba iha? Ang Ganda mo kaya, gaya ng mama mo."

"Eh bakit lalake ang tingin ng lahat sa'kin? Porket' nakatali ang buhok ko? Naka sombrero ako? Ang baduy kong manamit?"

"Diyan ka kasi lumaki Anak, napalibutan ka ng lalake. try mong mag ayos paminsan-minsan, malalaman mo kung ano ang ibig kung sabihin." Sabi niya habang tinitikman ang niluluto

"Aish! Babae naman talaga ako, lalake nga lang pomorma!" Dabog kung sabi at umakyat sa kwarto



Binuksan ko ang open closet ko at tinignan ang mga damit na galing sa mga ninang ko. Ang gagara, ang gaganda, pero kahit isa hindi ko pa naisuot. Nahihiya ako, Aish!







--°---°--





Nagising ako sa malakas na kabog ni kuya sa pintuan. Di ba siya naaawa?

Bumangon na ako, naligo at nagbihis. Nag suot lang ako ng pants at T-shirt. Triny kong ilugay ang mataas kong buhok at binaliktad ang sumbrero sa pagkakasuot. Oks na to?

Sinuot ko na ang Vans ko at bumaba.

"Nag conditioner ka?" Natatawang bungad ni kuya

Umiling lang ako at kumuha ng soda, lumabas na ako at saktong dumating ang tropa.


"Bago ata buhok mo?" Bungad ni Tart

"Nagpa rebond ka?" Natatawang sabi ni Jake

"Gumamit ka ng Palmolive ano?!" Dagdag ni Roy

"Nilugay niya lang ang buhok niya, ang tatanga niyo naman!" Inis na sabi ni Kael


Sumabay pala siya. Ngumiti lang ako at uminom ng soda. "Tara na, buhok lang naman to dami niyo nang Dada!" Sabi ko

"Oh Kael, musta si Gail?" Panimula ni Tart

"Oks lang naman, di ko muna pinapasok kasi masama ang pakiramdam."

"Ano nga palang ginagawa ni Gail sa bar?" Tanong ni Jake

"Yan ang di ko alam, basta nalang siyang tumawag kagabi kaya ayun, napa-away nanaman."

"Ang labo naman ng girlfriend mong yan? Mahal ka ba niyan?" Tanong ni Roy na sinama ng tingin ni Kael

"Sabi niya Oo," lumambot ang expression niya "pero tingin ko hindi, maghihiwalay din kami." Giit niya

"Wala nga kasing poreber!" Bulong ko. Pero mukhang narinig niya, nila.

"Wag ka ngang mangealam Lexx, wala kang alam!" Giit niya at binilisan niya ang paglalakad.

"Hayaan mo na Lexxie, Beast mode nanaman." Sabi ni Tart

"Lagi naman." Walang gana kong sabi


Nagpaalam na ako at dumeretso sa canteen. Umupo muna ako sandali.


Ba't ba ayaw ni Kael sa'kin?

Ba't di ako napapansin ni Judo?



Aish! May narinig akong mga chismakers sa likuran ko.

"Two timer naman pala yan si Gail eh! Kaya pala nasa bar kasi may kainuman."

"At yung umabot ang puntong alam mo na, tumawag agad sa kael natin!"

"Walang pinagkaiba kay Agatha, ang lalandi!"




Di na talaga nakuntento sa isa?! Aish! Don't judge the book by its cover nga naman. Pero kailangan kong makilala si Gail.


One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon