Nagising ako nang sipain nanaman ni kuya ang pintuan. Aish! Morning routine na ata niya yan. "Lexx buong araw akong mawawala, at si dad may business trip, kaw na bahala sa bahay ha." Paalam niya
Sabado ngayon ang pinaka tahimik kung araw. Nagulat ako ng may kumatok sa pinto. "Ano?"
"Ma'am Lexxine nasa baba po yung mga kaibigan niyo."
Ano?! Binuksan ko ang pinto at agad bumaba. Nakita ko silang naka upo sa sofa.
"7:30 pa nang umaga andito na kayo?! Anong plano niyo?" Bungad ko
Nakita ko silang nakatunganga, nak' ng?! Shit! Nka T-shirt lang pala ako at maikling short. Di ko pa na bun ang buhok ko.
"Wow Lexxie di ko alam na maputi pala ang legs mo?!" Di makapaniwalang sabi ni Tart
"Babaeng-babae ka ha?!" Dagdag ni Jake.
"Ahmm babalik lang ako!" Mapait kong sabi at agad tumakbo sa kwarto.
Aish! Kahiya!? Agad akong nag palit ng jersey at tinali ko ng Bun style ang buhok. Nag toothbrush muna ako bago uli bumaba.
"Oy guys!" Tawag ko. Busy sila sa panonood ng Author's Spiderwick. "Oyy!"
"Wag ka nga munang maingay Lexx, naks! Malapit na siyang."
"Aray!!" Sigaw ni Jake
"Ang bakla mo naman pre!" Asar ni Roy
"Ikaw kaya makagat ng ganyang klaseng goblin?!" Depensa ni Jake
Agad naman silang napasigaw ng pinatay ko ang TV. "Bat mo pinatay?! Kitang maganda ang palabas oh." Sambit ni Tart
"Di niyo kasi ako pinapansin?!" Tanong ko
"Attention seeker ka pala Lexx?! Haaaaaaays! Halika nga dito." Agad naman akong hinila ni Tart at pinisil ang ilong ko.
"Ang cute talaga ni Lexxie ano!" Sambit ni Roy at Jake sabay pisil sa magkabilang pisngi ko
"Ano ba?! Tama na!" Makaawa kong sigaw
"Anong nangyayare?" Walang ganang tanong ni Kael. Nakapamulsa lang to sa may pintuan. Halatang bagong dating.
"Wala! Mabuti naman at nagkaroon ka na ng oras sa'min pre!" Masayang sabi ni Tart at pinakawalan na ako. Ganun din sila Jake at Roy.
"Nagising ako sa pagpapakatanga ko pesteng Babaeng yun!" Inis niyang sambit
"Buti naman." Sang'ayon ni Roy
"Lexxie sorry nga pala sa mga inasta ko simula nung first year tayo. Di kasi ako makapaniwala na may babae sa grupo, pero maganda naman ang pakikitungo mo kaya," nagulat ako ng inilahad niya ang kamay niya " Friends?"
Ngumiti naman ako at nakipagkamay, "Oo naman!"
"Nakakaingit naman yan mga tol?! Bati na daw silaaaaaa! Ooooooooy!!" Asar ng tatlo
"Selos agad kayo?!" Nakangising sabi ni Kael "Tara ta?! Mall tayo!"
"Yan ang gusto namin?!" Sambit naming apat
Di ako makapaniwala na okay na kami ni Kael.
At Ayon nag arcade kami sa mall, nag KFC at kung ano pang kalokohan. Ang saya talaga pag kasama ang tropa.
--°---°°--°---
"Lexxie Gising na! Kakain na!" Bungad ni kuya at sinipa nanaman ang pintuan -.-
"Oo na kasi!" Sigaw ko
Bumaba na ako, at nakita ko si Lorraine? Naghahain. "So?"
"Dito muna siya 1 week, since nasa business trip din ang parents niya." Ngiting sabi ni kuya. Tumango lang ako. "Okay lang ba?"
"No choice." Sabi ko at ngumisi. Kumuha lang ako ng soda at umupo sa sala.
"Lagi ka nalang bang mag sosoda tuwing umaga?"
Ngumisi ako, "Hayaan mo nga ako?! tsaka si kuya Javis naman ang nagpasimuno nitong morning soda kaya wala ka na dun!" Inis kong sabi at uminom ng soda
"Bahala ka nga!"
Mas magkasundo kami ni Kuya Javis kontra kay Kuya Jhaxx.
Aish! Ang boring nga naman talaga pag walang pasok! At least masaya ako na okay na talaga kami ni Kael.