OOTB - 13

75 6 0
                                    


"Ano?! Hindi yan totoo." Iling na sa sabi ni Kael. Gaya nga nang sinabi niya, edi kwinento ko!

"Bahala ka! Haha babe ka ng babe! Yan naman ang ginagamit nang lahat, haha tsaka wag mo na isipin yung kiss kiss kasi binura ko na yun sa isipan ko." Sabi ko sabay tayo

"Aish! Pero di ko maalis sa isipan ko na hinalikan kita!" Kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Kaya natawa ako "anong tinatawa mo?"

"Nakakita kasi ako ng higanteng kamatis!" Tumawa nalang ako ng tumawa.

"Tumahimik ka nga!" Bulyaw niya

"Ano?! Ferris wheel tayo?!" Sabi ko na siyang kinainis niya lalo.

"Tara na nga!" Hinila niya naman ako. Saktong pagbukas nang pinto nakita namin sila Tart, Roy, Kris at Jake na kukunwareng nag ce-celphone.


"So ano to? Totally spies ang peg?" Natatawang bungad ni Kael


"Ang ganda kasi ng view kaya nag se-selfie kami." Pakunwari pa tong nag se-selfie.


Nag buntong hininga si Kael, "lahat ng narinig niyo ay totoo okay!" Giit ni Kael.

Binitawan niya ako at Bumaba siya. "Tara dinner na tayo!" Dagdag niya.


"So siya nga! Halaaaaaaaaaaaaa dalaga ka na pala kasi my First Kiss ka na!" Sigaw ni Roy na siyang tinili nila. Pero nakita ko si Kris na di nakikisama. Na O-Op ba to?


"Ewan ko sa inyo! Gutom lang yan, kaya tara na." Sabi ko at bumaba na.


Nakita kong papa-alis si Ate Khayla. "Kain lang kayo, may aasikasuhin pa ako." Ngiti niyang sabi. Tumango lang kami


"Kris!" Tawag ko at lumingon naman siya. "Okay ka lang? Sorry ha di ka kasi nasanay sa ugali namin. Napaka loud kasi namin at parang ewan." Paliwanag ko



"Okay lang Lexxine, sa totoo lang nakakapanibago. Halos kaibigan ko kasi noon hindi ganito ka high." Natatawa niyang sabi



"High talaga ha? Sure ka?"


"Oo nga kasi."


Umupo na kami at kumain. Napansin kong kanina pa tumitingin si Kael sa'kin. Aish! Nakaka-ilang kaya?! Peste talaga tong mokong to.







-----°°---°°-----




Nang maka uwi ako nagulat ako nang may tumawag sa skype ko.




Kuya Javis . . .


Halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ko ang mukha niya screen ng phone ko.


"Kuya Jhaxx!! Si Kuya Javis tumatawag!" Sigaw ko


"Talaga! Oy sagutin mo na." Sagot ni kuya habang nag susuklay. Bihis na bihis ata to?




Accept call . . .




"Kuya!" Sabay namin sabi ni Kuya Jhaxx. Kaya nagkatinginan kami.


"Nag-aaway parin ba kayo?" Natatawang sambit ni kuya sa kabilang linya.



"Opo kuya, sinisipa lage ni kuya ang pintuan ko." Sumbong ko


"Di yan totoo kuya! Gawa-gawa niya lang yan." Depensa ni kuya Jhaxx



"Nako kuya! Sinungaling talaga, alam mo bang may GF na yan!" Sabi ko at binelatan siya.



"Hahaha so Tom and Jerry ang peg niyo Jan sa bahay?" Natatawang sabi ni Kuya Javis, "okay lang yang kuya mo magka Gf, malaki na yan basta ikaw! Dadaan muna sa korte ha at alam mo na yun kung sino."



"Wala naman akong balak mag boyfriend kuya eh!" Sigaw ko


"Mukhang meron na ata kuya eh, kasi nag paparty na yan." Binatukan ko si kuya Jhaxx


"Bday yun ng pinsan ni Sam."

"Sino naman yang Sam?"


Halaaa?!


"Kuya kailan ka uuwi?" Pag iiba ko nang usapan


"Napaka change topic mo talaga!" Sinungitan ko lang si Kuya Jhaxx


"Malapit na. Basta di ko sasabihin, gusto ko kasi surprise." Sagot niya


"May surprise ka pang nalalaman!" Pang asar ni Kuya Jhaxx


"Haha cge na. Matulog na kayo papasok pa ako. Ingat kayo ha! Jhaxx bantayan mo yang prinsesa natin." Tumango lang siya


"Bye kuya!" Sabi ko at nag wave, ganun sin si Kuya Jhaxx


"Cge na" ngiti niyang sabi at in-end call ko na. Aish! Nakakamiss talaga siya.


Nakita kong palabas na si kuya sa pintuan. "Oy gabi na! Gigimik ka nanaman ba?!" sigaw ko


Aish! Alas otso na pala nang gabi. Umakyat na ako.





Umuwi ka na kasi kuya Javis! Ang dami kayang high class na school dito! Kailangan ba talaga jan sa America?!

One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon