Chapter 24

33 2 0
                                    


Kumakain kami ngayon kasama ang dad niya. Naninibago ako kasi ang tahimik nang paligid. Yung tipong ayaw mong mag ingay kasi nakakahiya.




"Are you okay?" Bulong sa'kin ni Kris. "You look uncomfortable."

Tumango ako. "Chillax Lexx, make yourself at home."

"Oo naman." Sagot ko



"So Lexxine. Kwentuhan mo naman ako tungkol sa pamilya mo." Tanong ni Tito Erick.



"Ahmm okay. Tatlo po kaming magkakapatid. Si Kuya Javis nasa America nag college, si kuya Jhaxx naman first year college sa school ko. Yung mom ko wala na at si dad, Ewan. Laging busy eh." Kwento ko



"Oh, so your dad is a busy man. I heard you have two companies? The La Alquizar and El Francheska."



"Ah Opo. La Alquizar is all about business marketing while yung El Francheska naman ay fashion industry." Sagot ko



"So sinong namamahala sa El Francheska?"



"My dad. Pero I'll be handling it soon as i grow up"




Tumango lang siya. Geez! Lakas maka interview nang dad ni Kris, daig pa ata si boy abunda.



"So are you two dating?" Agad akong napatigil sa pagkain, nagkatinginan kami ni Kris.



"Ahmm yeah / no." Sabay naming sabi ni Kris


His dad chuckled, "I mean we are n-not yet dating dad."


Yet?!


"So mag da-date pa?" Tanong nang dad niya



Tinignan ako ni Kris kaya napa iling ako. "Maybe, soon." Sagot ni Kris.



Soon?!




"We are just friends." Linaw ko.


Nakita kong nalungkot si Kris. Aish! Friends lang naman talaga kami, nothing special.



Pagkatapos nang dinner ay nag paalam na ako kay tito Erick. Oo medyo sungit ang dad niya pero Ewan! Di ko mabasa ang aura niya.



"Sana nag enjoy ka." Bungad ni Kris pagkababa namin nang kotse.


"Oo naman. Nag enjoy ako sa pag tour mo, pero sa dad mo -- ganun ba talaga siya? Lakas maka boy abunda."



"Hahaha sorry about dad. Ngayon lang kasi ako nag dala nang babae sa bahay para ipakilala sa kanya. At nabigla din ako kasi naglaan talaga siya nang oras para makilala ka."




"Whoa? So ganun ako ka --"


"Especial. Simula nung nakilala kita, special ka na. Basta hindi ko sasayangin ang opportunity para ligawan ka at ipakita sayo na mahal kita. Seryoso ako Ms. Lexxine Alquizar."



Natameme ako sa sinabi niya. First time kasi na may nagtatapat sa'kin nang ganito. Ewan pero kinabahan ako.



"So I better get going princess. Good night and sweet dreams." Sabi niya at tuluyan nang sumakay nang kotse.



Tinignan ko lang ang kotse niya hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Kusang nag lo-loading ang utak ko sa sinabi niya.



Natauhan nalang ako nang may nag text sa'kin.



From: Kael

Sorry pala sa inasal ko. Dapat nagpakitang gilas ako para mahalin mo. Kaso may emergency lang. Lexx, hindi ako susuko para ipakita sayo na ako ang karapatdapat.





Hindi ko alam ang ire-reply. Aish! Pumasok na ako at dumeretso na sa kwarto.




Di ko akalaing matagal na palang may gusto si kael sa'kin, napaka impossibly. Noon kasi iniiwasan niya ako, naging basagulero taz nagka girlfriend pa. Taz ngayon nalaman kong ginawa niya yun kasi may gusto pala siya sa'kin.



Ang hirap intindihin. Pero noon di ko mapigilang maenganyo sa kilos niya. Nag mistulang mysteryoso kasi siya noon.




Pag wala ako, nandyan siya.

Pag meron ako, wala siya.


Sa classroom nga lang kami nagkikita eh. At ang mas worst. Kahit oy hi psst wala. Dedma! Ganun ka Solid.


Mr. Kael Fortalejo, mahal mo ba talaga ako?

One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon