Chapter 11 - Bayaw

9.6K 281 29
                                    

Chapter 11  - Bayaw

Sinimulan ko nang gawin yung pinapagawa ng halimaw na 'yun. Alam ko kasing hindi niya ako titigilan eh. Tse. Umabsent absent siya tapos papagawa niya sa ibang tao 'yung gawain nya. Letche!

Nangangalahati na ako ng may narinig aking kalabog sa kusina. Kinagat ko ang ilalim kong labi para pigilan ang inis ko.

Okay. Okay. Smile lang Chelsea. Kakadate nyo lang ni Jade kanina. Hindi ko na pinansin yun at pinagpatuloy ang pagsusulat. Maya maya nakarinig ulit ako ng mga kalampag at kalabog sa kusina. Padabog akong tumayo at tinungo ang kusina ko.

"Oh my God Keil! SUSUNUGIN MO BA ANG BAHAY KO HA??!" bwesit na to! Yung kawali kasi umaapoy na. Ano ba kasi pinaggagawa nito!

"Chill. Why are you shouting! Dont worry kaya ko- Ouch!" tanga! Hawakan ba naman ang kawali. Tuloy natapon yung kung ano mang niluluto niya.

"Ako na nga. Dun ka na. Maya wala na talagang matira sa mga gamit ko eh!" nakita ko siyang bumalik sa living room. Bwesit. Nakikisuyo na nga lng nagkalat pa dito. Pagkatapos kong maglinis ay binalikan ko na siya doon sa living room. Baka kung anong kabwesitan-

"Aahhhh!" mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Nakita ko kasi siyang binabasa yung mga sulat ko sa garapon. Ito nga ba sinasabi ko eh.

"Jade my Labs, nakita kita kahapon. Gustong gusto kita kausapin pero hindi ako makalapit sayo dahil sa mga fangirls mo."

"Jade my Labs. Alm mo bang ang pogi mo kanina? Kahit maghapon kitang titigan--"

"Aahhh! Blah blah. Akin na nga yan! Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang pestehin ako??!" alam ko. Alam kong halos lumabas na ang vocal chord ko kakasigaw sa kanya.

"Tsk! Disgusting." pagkatapos ay nilukot niya yung papel at ibinato sa akin.

"Ano ba Keil??! Lumayas ka na nga!!"

"Dont want. Im going to sleep here. But before that kumain muna tayo. Wala pa akong kain eh. Tagal mo kasi makipagdate." napanganga lang ako sa sinabi niya.

What Keil wants. Keil gets. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa isang kilalang restaurant. Letche! Nakapambahay lang ako.

"Good evening My Lord." nakangiting bati nung lalaking nakasuit kay Keil.

"VIP." yun lang ang sabi ni Keil pero parang naintindhan naman ata nung lalaki.

"This way please." nagpatiuna siya sa amin. Nang makarating na kami sa VIP room ata? Hindi ko mapigilang mamangha. Ang ganda. Para siyang japanese style. Yung walang upuan. Yung cushion lang siya.

Oh my God! Dream ko talaga to. Masaya kong tinungo ang mesa saka umupo na. Gosh! Feeling japanese na ako. I lean my head over the table. Is this really for real? Waahh. Mayaman kami pero hindi ganun kayaman para magkaroon ng ganito. Waahh .. Gusto ko nito.

"Excuse me my Lady." Inangat ko ang ulo ko saka marahas na tinulak ni Keil gamit ang kanyang hintuturo.

"Aray.." nakita kong inilapag na nila yung pagkain. Ang dami.. Pero..

"Hindi pa naman ako umuorder ah." takang tingin ko kay Keil.

"Alam na po kasi namin ang gusto ni Keil-sama kaya pag nandito siya 'yun po agad yung pinapaluto namin sa mga cook. Please excuse us." nang lumabas na yung lalaki, kumuha agad ako nung manok pero tinapik niya ang lamay ko.

"Sino may sabi sayong pwde kang kumain? Diba kumain na kayo nung Jade mo. Kaya for sure busog kana."

"Pero.. Kasi. Ang dami eh..." Nagsimula na siya kumain. Takaw talaga. Gusto ko din kumain eh. Mukha kasing masasarap.

"KEIL!!"

"Ano ba??! Bakit ka ba naninigaw??!" panay ang subo niya. Nangiingit ba siya.

"KAKAIN AKO. KAKAIN AKO KEIL!!" Narnig ko siya tumawa. Ay hindi. Halakhak. Tumatawa siya. Tse! Pinagtatawanan ako. Akmang tatayo na ako para umorder pero hinawakan niya ang braso ko.

"Here. Eat as much as you like." shinare niya sakin yung food niya.

"Waahh. Kainan na!!" nakatingin lang sa akin Keil. Wala akong paki kung ano man ang iniisip niya. Nakakatakam kasi yung mga pagkain eh.

"Gross! Ganyan ka ba talaga kumain?? Parang hindi ka babae ah." inabot ko ulit yung isang manok sa sinubo.

"Wa..la ka..ng paki." sabi ko kahit puno puno yung bibig ko.

"Umayos ka nga. Nagtatalsikan oh." hahaha. Natawa lang ako sa mukha niya. Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa unit ko. Peste! Kala ko kanina uuwi na siya eh. Tse!

"Shower lang ako. Diyan ka lang. Humanda ka talaga pagnahuli kitang sinisilipan ako. Sisiguraduhin kong hindi ka na maabutan ng ala-sais bukas."

"As if namang may makikita ako diyan." Tinakpan ko ang katawan ko gamit ang mga kamay ko.

"Bastos!" Tumawa lang siya. Sarap pakinggan ang tawa niya. Umiling iling ako. Hindi pwde. Hindi. Kinikilabutan ako. Pagkatapos kong mgashower ay nakita kong may ginagawa siya. Nilapitan ko siya.

"Ano yan?!"

"Kamay." pilosopo.

"I know. Pero anong.. Yan ba yung napaso kanina?"

"Obviously." tse. Feel at home talaga. Alam na alam kung saan nakalagay yung first aid kit ko.

"Bilisan mo na diyan. Maligo kana. Matutulog na tayo." napatigil siya paglalagay ng ointment sa kanyang kamay.

"Talaga? Matutulog tayo?" ngumisi siya sa akin. arrgh! Alam ko iniisip niya.

"Oo. Matutulog. Sa lapag ka. Sa kama ako." tumalikod na ako para hanapan siya ng damit.

"Kala ko pa naman tabi tayo."

"May sinasabi ka?!"

"WALA. Makaligo na nga."

Pagkatapos kong maghanap ng damit para sa kanya ay naglatag na ako ng comforter para sa kanya. Maya maya ay lumabas na siya. He's wearing nothing but a towel na nakapulot sa kanyang beywang. My God! Hindi ko kayang iiwas 'yung tingin ko sa kaya. Naggym ba lagi to? Bakit ganyan kaganda yung katawan?? Waaahh.

"Done checking me out? Alam mo chelsea, if you want my body just say it so. Ngayon din mismo-"

"Heh! Tumigil ka. Manyakis!" sabay bato sa kanya nung damit ng kapatid ko.

"Isuot mo na yan! Matutulog na ako." sabay talikod sa kanya.

"BAKIT MAY DAMIT NG LALAKI KA DITO??!" Napasmirk ako. Bumangon ako saka humarap sa kanya.

"Pakialam mo ba? Tingin mo ba ikaw lang pwedeng magdala ng babae sa bahay?! Aba syempre magdadala din ako ng lalaki sa bahay ko. Dont underestimate me."

"DAMNIT! IM ASKING YOU!! BAKIT.MAY.DAMIT.NG.LALAKI.DITO?" Ano ba problema niya? Bakit ba siya nagagalit??

"CHELSEA..." ramdam ko ang pagbabanta sa kanyang boses.

"Fine. Sa kapatid ko yan. Minsan dito siya sa akin. Minsan kela mama. Okay?! Pwede ba ha Keil, kung ayaw mo pang matulog. Magpatulog ka!"

"D mo naman kasi sinabi agad na kay BAYAW ito eh."

Napadilat ako ng mata. BAYAW?!

*REACTIONS PO?! QUOTANG QUOTA NA JAN SI PARENG KEIL .. HAHAH .. XD

Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon