Chapter 24 - Talo na naman
Gabi na kami nakarating s lugar na sinasabi ni Keil. Grabe. Ang haba ng byahe. Nasa pinas pa ba kami? Tumakbo ako papunta dun.
WOW! Yan lang ang kaya kong sabihin. Hind ko maidescribe. Ang ganda talaga. Para siyang nasa mataas na lugar. Tapos sa baba, makikita mo yung mga building. Parang stars yung mga ilaw. Ang ganda. Sobra.
Nagulat ako ng bigla niya akong niyag mula sa likod. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.
"Nagustuhan mo ba?"
"Keil.." tinatanggal ko ang kamay nya sa beywang ko pero mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap niya.
"Ngayon lang Chelsea. Kahit ngayon lang." hinayaan ko na lang na yakapin niya ako.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin.
"I love you." Randam ko sa boses niya ang sincerity. Pero bakit hindi ko magawang magtiwala sa bawat salitang lumalabas sa mga labi niya?
"Please. Give me a chance to prove you that. I won't pressure you. I'm willing to wait even if it takes eternity."
Napangiti ako. Bibigyan ko ba siya ng chance? Sa mga nangyari ngayon nagdadawalang isip ako kung mahal ko nga talaga si Jade. Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Jade.. noon. Nung mga panahon na hindi ko pa nakilala at nakasama si Keil. Pero ngayon. Naguguluhan na ako..
"Keil kasi –" hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko nung biglang magring yung phone ko.
"It's Jade." Nakita ko ang biglang pag-iba ng kanyang expression.
Lumayo ako saglit kay Keil at sinagot ang tawag.
"Jade? Ano?!! Sige sige. Papunta na ako."
"Keil aalis muna ako ah. May sakit kasi si Jade eh. Kailangan ko siyang puntahan." Ngumiti siya ng mapakla.
"Si Jade na naman? Bakit ba laging siya na lang? Ano naman kung may sakit siya? Madami silang katulong. Madaming mag-aalaga sa kanya Chelsea. Ako? Nag-iisa ka lang."
"Keil. Hindi mo naman kasi naiintidhan eh."
"Ano pa ba ang dapat kung initindhin Chelsea? Na si Jade ang mahal mo? Na si Jade ang pipiliin mo sa amin dalawa? Na si jade ang mas mahalaga sayo, at hindi ako? Ano pa Chelsea? Ano pa ba ang dapat kung—"
*PAK*
"Ano bang problema mo ha Keil? Nung nagkasakit ako si Jade ang nag-alaga sa akin. Si Jade yung nagluto. Siya lahat. Kaya ngayong siya naman ang nagkasakit ako naman ang mag-aalaga sa kanya."
Tumawa siya. Pero may mali sa tawa niya. "Yeah right. Si Jade. Si Jade ang inexpect mong dumating nung nagkasakit ka. Si Jade ang hinahanap mo. Pangalan ni Jade ang binabanggit mo. Pero damn! Ako 'yun Chelsea. Ako ang nagluto nung lugaw. Ako ang naglinis nung nabasag na baso. Yung sugat mo. Ako lahat Chelsea. Ako din ang may kagagawan kung bakit lately hindi ka na ginagawalaw nung Macey. Ako Chelsea. Gusto ko kasing isipin mo na may silbi din ako. Na hindi lang pampepeste ang kaya kong gawin."
Natigilan ako. Bakit keil?
"Hindi .. ko alam. Wala. Wala.. akong alam." Hindi ko na napigilang umiyak. All this time puro si Jade lang ang iniisip ko. Hindi ko alam na pati si Keil ay nagsasakripisyo din.
Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko. Hawak hawak ang mga paa ko. Umiiyak.
Parang dinudurog ang puso ko. Ayokong Makita siyang ganito. Kanina lang masaya kami ah. Anyayari na?
"Keil. Please. Keil. Tumayo ka diyan."
"Chelsea. Buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito. Buong buhay ko ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Ngayon ko lang binigay ang lahat lahat ng sa akin. Sabihin mo. Please tell me. You're choosing me over him. Please Chelsea. I can't stand the pain." Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinapapili ba niya ako.
"Keil, tama na yan. Ano ba?!" tinayo ko siya. Awang –awa ako sa kanya. Hindi ko inaakal na ang isang Keil, hinahangaan ng lahat iiyak ng ganito sa harap ko. Kitang kita sa kanyang mata ang lungkot.
"Chelsea. Please. Ako na lang. Ako nalang. Im begging you. Ako na lang." hinawakan niya ako sa wrist ko.
Nakatingin lang ako sa kanya. Pero paano si Jade. Si Jade na laging naanjan para sa akin. Para iligtas ako. Para pasayahin ako. Maliit na bagay hindi ko man lang siya mapagbigyan.
"Keil .."
"Pag-umalis ka, ibig sabihin siya ang pinili mo."
Tiningnan ko 'yung kamay niyang nakawak sa wrist ko. Unti-unti ko iyong tinanggal.
"Sorry keil. Hindi ko pwedeng pabayaan si Jade." Pagkasabi nun ay naglakad na ako palayo sa kanya. Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko.
Narinig ko siya tumawa. "Talo na naman ako."
*SOOO?? ANO NA? ANO NA? SAKTAN LANG NG SAKTAN PARA MAGING MANHID. AT PAGNANGYARI YUN, IT IS WHERE THE REAL STORY STARTS.. AHAHAHA .. NEXT CHAPTER: HELLO COLD KEIL. COLD NA SIYA DATI PERO I THINK MAS MALALA YUNG SA MGA SUSUNOD NA CHAPTERS. BAKA NGA SA SOBRANG COLD EH D NA MAGSALITA .. HAHAHA .. SEE YA!
BINABASA MO ANG
Possessive Playboy Book 1 (Completed) UNDER MAJOR EDITING
Teen FictionHighest rank attained so far #23 in teen fiction "You are mine. Mine alone. Exclusively mine. And no one can claim what is mine." -Keil Jameson Montero